POV 151- YOU GOT DRUNK AND YOU ACCIDENTALLY ADMITTED YOUR FEELINGS

54 3 0
                                    

You attended a party and you got drunk. Accidentally, you admitted your feelings to your crush, Sandro.

 Accidentally, you admitted your feelings to your crush, Sandro

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pinuntahan ka ni Sandro sa isang bar sa BGC

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pinuntahan ka ni Sandro sa isang bar sa BGC. Nakita niya ang limang bote ng alak na kasalukuyan mong iniinom ngayon. Tinabihan ka niya at kinausap.

"Faith Alexandria, ano na naman to? Bakit ka na naman umiinom? Akala ko ba galing ka sa party? Uminom ka ba roon kanina?" Sabi niya sayo. "Ikaw naman galit ka na naman kaagad. Wag ka nang magalit. Ang gwapo mo mahal. Haha. Uminom naman ako kanina sa party. Kaso, malungkot ako eh. Wala kasi akong makausap doon. Mukha akong tanga. Kanina nga may gustong kumuha ng number ko sa reception kaso di ko binigay. Hindi ko naman kasi kakilala. Wag ka nang magalit. Alam mo ba, kahit galit ka, mahal pa rin kita, buhangin."  Sabi mo sa kanya. Bigla mo siyang nahalikan sa pisngi. "Oh gosh. You are really drunk. Let's go home. Ako na magda- drive. Did you bring your car?" Tanong ni Sandro. "Nope. I rode a taxi. Nakakainis nga e. Kulang pa yung nainom kong San Mig. Samahan mo naman ako, love. Inom tayo." Sabi mo kay Sandro. "Faith Alexandria, you really are drunk. Yung mga inamin mo sa akin sa text, sinabi mo lang yun dahil lasing ka, okay?" Sabi niya sayo. Kumurap ang iyong mga mata nang dalawang beses. "Ha?! Hindi ah. Seryoso ako sa mga sinabi ko kanina. Lahat yun totoo. Lasing man ako o hindi, gaya ng sabi ko kanina sa text, yun at yun pa rin ang sasabihin at gusto kong sabihin sayo. Mahal kita buhangin. Mahal na mahal kita matagal na. Kaso sabi ko nga hindi ko maamin sa takot na baka may iba kang gusto. Wala naman din akong pag- asa sayo kasi ang taas ng standards mo. Tingnan mo nga, oh. Hindi naman ako matalino eh. Bobo kaya ako. Hahaha. Ang tanga ko nga e kasi sayo pa ako nagkagusto. Masyado mong pinataas yung standard ko sa love. The way you treat me, well not only me but all of your female friends masyadong pa- fall, gentleman. To the point na kailangan mo nang mag- ingat. Kasi kung hindi, madadala mo talaga to the point na mahihirapan kang bumitaw. Sorry ha? Naiiyak ako tang*na. Hahaha. Ang drama ko sorry." Sabi mo. "Don't be sorry about how you feel. Buti nga matapang kang magpahayag ng tunay mong nararamdaman. May sasabihin din ako sayo. Una, gusto kong magsorry sayo kasi hindi ko napansin o napapansin man lang na ganyan na pala yung nararamdaman mo. Salamat kasi naging totoo ka sa nararamdaman mo para sa akin. Kung tatanungin mo ako ngayon kung anong nararamdaman ko pagkatapos mong umamin sa akin, masaya ako para sayo. Masaya ako kasi at least ngayon, wala ka nang tinatago. Hanga ako sayo kasi ang tapang mong umamin kahit hindi mo alam kung anong magiging kalalabasan nito. May aaminin din ako sayo, Alexandria. Nung una natatakot din akong sabihin sayo to kasi baka mamaya hindi mo magustuhan o baka naguguluhan lang ako pero ngayon, pagkatapos mong umamin ng tunay mong nararamdaman, tingin ko panahon na rin para umamin ako. Faith, to be honest with you, matagal na rin kitang mahal. Natatakot lang ako dahil siyempre baka husgahan mo 'ko kasi magkaibigan tayo, diba? Pero nandito na lang din naman tayo, umamin ka na rin naman so wala nang dahilan para itago ko pa yung nararamdaman ko para sa'yo. Mahal din kita binibini. And I'm so happy to know that we have mutual feelings for each other. I love you too, my Alexandria." Pag amin ni Sandro. You can see the sincerity in his eyes. He gave you a forehead kiss. "Nagpractice pa ako kung paano ako aamin kasi baka iwasan mo 'ko tapos pareho pala tayo ng nararamdaman. Sana noon pa ako umamin sayo. Pinahirapan ko pa ang sarili ko." Sabi mo. "Alam mo, hindi lang naman Ikaw ang nagpahirap sa sarili mong umamin e. Ako rin naman. Natakot din akong umamin kasi akala ko... Akala ko si Simon ang gusto mo kasi siya lagi ang bukambibig mo. Kaya sabi ko sa sarili ko, ayoko nang umamin. Hanggang sa ito na nga. Nagkaaminan na tayong dalawa. Yun nga lang, lasing ka. Kailangan pa kitang ipag- drive pauwi. Sure akong di mo na kayang umuwi mag- isa. Sa itsura mong yan, mahihirapan kang magpaliwanag kina tita kung bakit ka naglasing. Bakit ka nga ba naglasing, ha?" Sabi niya sayo."Para magsaya. Hahaha." Sagot mo. "Yung totoo. Bakit ka naglasing? Umamin ka." Saad ni Sandro. "Naglasing ako para magsaya but apart from that, I wanted to have the courage to admit what I really feel for you. E kapag hindi naman ako naglasing, mahihirapan akong umamin. Uminom na lang ako para lumakas yung loob ko." Sabi mo. "Ah limang San Mig para lang lumakas yung loob mo? Talaga? Hindi ka kaya sanay uminom. Kilala kita. Tingnan mo nga yang itsura mo. Kaya mo pa bang maglakad palabas?!" Sabi ni Sandro sayo. Umiling ka sa kanya. "If that's the case, I'll drive you home. Baka mag- alala pa lalo sina tito at tita dahil sa mga pinaggagagawa mo. Alam mo sa sarili mong hindi ka sanay uminom diba? Tapos uminom inom ka ng alak."  Sabi ni Sandro. "E sorry na. Mahal mo pa rin naman ako, diba? At least may makakasama ka nang uminom ng San Mig. Ayaw mo nun? Hindi na kita pagbabawalan, sasamahan pa kita. Di ba?"  Sabi mo. "Oo nga, pero ikaw naman ang pagbabawalan kong uminom. Grabe kang malasing. Halos hindi ka na makapaglakad nang maayos." Sabi niya.

PANANAW NG ISANG TAGASUPORTA (A Supporter's Point of View - Book 2)Where stories live. Discover now