POV 175 - YOU MARRIED THE WRONG PERSON

51 5 2
                                    

A/N: ⚠️This chapter contains foul words that is related to violence ⚠️

Nagpakasal ka sa maling tao. Palagi kayong nag- aaway nang walang dahilan. Palagi kang sinasaktan ng asawa mo. Dahilan para ma depress ka.

Isang gabi, nag- overtime ka sa trabaho. At dahil doon ay nag- away na naman kayong dalawa.

"Bakit ngayon ka lang?" Bungad niya sayo. "A– ano— we have works. Ma— marami akong work loads. Sorry." Animo. Lumapit siya sayo at tsaka ka niya sinakal sa leeg.
"Work loads?! Ang sabihin mo, ipinagpapalit mo na ako. Nagkita na naman kayo ng lalaki mo."  Aniya tsaka ka niya sinampal.

*PAAAAAAAAAAAAAK!, PAAAAAAAAAAAAAAK!, PAAAAAAAAAAAAAAK!*

Binigyan ka niya ng tatlong sunud sunod na sampal.

"Aaaaah! Ahhh! araaay! Tama... Tama na... Parang awa mo na, Lucas please." Sabi mo. "Magsisinungaling ka pa para lang makasama mo ang lalaki mo!"  Sabi niya sayo. "Lucas wala nga akong lalaki! Ano bang gusto mong marinig mula sa akin? Di ba sinabi ko naman sayong nag- overtime lang ako sa trabaho dahil marami akong kailangang tapusin?" Sabi mo sa kanya. "Anong mga tatapusin niyo? Yung pakikipaglandian sa isa't isa?" Sabi niya kaya naman nasampal mo siya.

*PAAAAAAAAAAK!*

Napahawak siya sa panga nya nang masampal mo siya nang malakas.

"Ang kapal ng mukha mong sabihan akong nakikipaglandian sa boss ko. T*ng*n*! G*g*! Nagtratrabaho nga ako eh. Habang ikaw, ayan. Pahila hilata ka lang." Sabi mo sa kanya. "Anong sinabi mo?! Talaga bang ginagalit mo 'kong t*ng*n* ka?!" Galit niyang sabi sayo. "Bakit? Hindi ba totoo? Tingnan mo nga tong sinampal mo. Halos mamula. Sinampal mo ako ng tatlong beses. P*t*ng*n*! Hindi ako sinasaktan ng mga magulang ko pero ikaw, sinasaktan mo akong g*g* ka! Alam mo, hindi na dapat kita pinakasalan eh."  Sabi mo. "Kung hindi ka ba naman tatanga tanga, Sana sana sinabi mo na noon pa lang na ayaw mo na akong pakasalan. Pinaabot mo pa ng ilang taon bago mo ma- realize na hindi ako ang mahal mo." Sabi niya sayo. "Ay g*g* ka talaga. Mahal kita, ikaw lang yung palaging naghihinalang may iba na akong mahal. Kalokohan yun. Wala naman akong iba e. Sadyang g*g* ka lang. Palagi mo akong sinasaktan nang walang dahilan, masyado ka lang praning. Hindi mo ako pinagkakatiwalaan. Sana naman matuto kang magtiwala."  Animo tsaka ka umalis.

Nagulat ang mga kapatid mo sa biglaan mong pagdating.

"O bunso? Nasampal ka na naman?! Ang lala niyan ah. Ilang beses ka niyang sinampal? Namumula na yung mukha mo." Sabi ng kuya Simon mo. "Kuya, wag mong sasabihin kina dad." Pakiusap mo sa kanya. "Ano ang hindi sasabihin kina paps?" Tanong ng kuya Sandro mo. "Kuya..." Sabi mo tsaka ka natigilan habang nakatayo. "What happened to you?!" Halos magtaas na siya ng boses nang tanungin niya yun. "Kuya, I'm fine—".

Pinutol niya ang sasabihin mo dahil bigla siyang nagsalita.

"Fine?! Really now?! Look at yourself at the mirror. Tingin mo ba, okay ka lang sa lagay na yan?" Tanong niya. "Kuya hindi naman masakit eh." Depensa mo. "Talaga? Hindi masakit? Anong definition mo ng masakit? Yung halos mabugbog na yung katawan mo? G*g* yung asawa mo! Sinabihan ka na namin noon, diba? Hindi ka naman nakinig. Hindi ka nakikinig sa mga sinasabi namin sayo. Alam naming mahal mo siya pero Cheska hindi dapat yun. Dapat naisip mo na may issue siya pagdating sa behavior. Nananakit siya. Kahit babae sinasaktan niya. Wala siyang sinasanto. Sana naisip mo yun bago ka umo- o sa proposal niya noon. Alam na naming mangyayari to eh." Sabi ng kuya Vincent mo. "Kuya, kuya sorry... Hindi ko alam na ganoon ang ugali niya. Akala ko talaga mabait siya kasi yun ang pinapakita niya sa akin nung nagde- date pa lang kami." Sabi mo habang umiiyak. "Lahat naman tayo may tinatagong ugali. At ngayon na alam mo na kung ano talaga ang ugali niya, siguro naman hihiwalayan mo na siya ngayon." Sabi ng kuya Sandro mo sayo. "Kuya—". Panimula mo. "Ano na naman?! Wag mong sabihing nanghihinayang ka sa mga pinagsamahan niyo." Ani kuya Simon mo. "Okay, kuya. But look, what if hindi siya pumayag? Natatakot akong lumapit sa kanya at kausapin siya tungkol sa annulment." Pag- amin mo. "Sino ba namang hindi matatakot kausapin yung mga ganoong klaseng tao? Pero kailangan mong tatagan ang loob mo. Kung hindi mo to gagawin ngayon, kailan pa?! Hanggang kailan mo titiisin ang mga pananakit niya sayo? Hiwalayan mo na habang maaga pa. Ikaw rin ang mahihirapan. Kung nararamdaman mo nang wala na siyang pagmamahal sayo, hiwalayan mo na. Wala naman kayong mga anak na mas maaapektuhan kapag naghiwalay kayo. Mas mabuti na yung ganoon. Kasi kung meron, mas mahihirapan kang iwanan siya." Sabi ng kuya mong si Sandro. "Kuya sobrang sakit." Sabi mo sa kanya. "Kukuha lang ako ng first aid." Paalam ng kuya Simon mo.

PANANAW NG ISANG TAGASUPORTA (A Supporter's Point of View - Book 2)Where stories live. Discover now