POV 161 - YOU DECIDED TO END YOUR LONG TERM RELATIONSHIP

53 4 0
                                    

You've been in a relationship with Ethan for 10 years. Not until you realized that your relationship isn't working out because you are now one of the presidential children. Do you decided to end it for you know how hard it is to keep a private relationship in a public arena.

You called him and asked him to go to your old meeting place.

Phone Convo...
You: Hello? Ethan?
Him: Hello, love!
You: Pwede ba tayong magkita ngayon?
Him: Saan? Bakit? Anong oras?
You: Ngayon na sana. Sa dati nating tagpuan. Alas tres ng hapon mamaya. See you.
Him: Okay, bye.
You: Bye.

Call ended

Kinakabahan ka sa magiging reaksiyon niya kapag narinig niya ang mga sasabihin mo.

"Anak, Ayos ka lang? Kanina ka pa hindi mapakali jan. May problema ka ba?"  Tanong ng daddy mo. "Pasensiya na paps. Ayos lang po ako. Ah paps, pwede po ba tayong mag- usap?" You asked your dad. "Yes anak. Ano bang pag- uusapan natin?" Tanong niya sayo pabalik. "Paps, you know naman na I have a long time boyfriend, right?" Panimula mo. "Yes, why? What about him? Did he cheated on you?" Bigla niyang sabi. "Ah— no po. No paps. Ah ang totoo po niyan, magkikita po kami mamaya sa labas doon sa dati naming tagpuan sa labas ng palasyo. Doon po sa malapit sa puno." Sabi mo. "Oh eh ano namang problema roon? Papayagan naman kita kahit hindi ka magpaalam. Ang tagal tagal na ninyo." Aniya. "No dad, hindi ako magpapaalam dahil makikipagkita ako sa kanya. Paps, ang totoo po niyan, makikipaghiwalay na po ako sa kanya ngayon, dad." Pag- amin mo. "Ha?! Anak, baka naman nabibigla ka lang. Sigurado ka ba? Anak bakit ka makikipaghiwalay sa kanya? Sobra ka niyang minahal anak. Pag- isipan mong mabuti ang desisyon mong yan. Hindi yan basta basta anak." Saad ng daddy mo. "Paps, matagal ko na po itong pinag- isipan. Hindi naman po sa hindi ko na siya mahal. Ang sa akin lang paps, baka hindi na niya kaya. Kontrobersiyal ang pamilya natin, paps. Kapag nagpakasal kami, madadamay siya sa mga isyu natin." Sabi mo. "Kahit naman ngayong hindi pa kayo nagpapakasal anak nadadamay na siya." Sabi ng daddy mo sayo. "Kaya ko nga po napagpasiyahang itigil na ang relasyon namin, paps. Siguro mas mabuti nang maghiwalay na kami ngayon habang maaga pa. Kasi paps, kung patatagalin pa namin ang relasyon namin sa isa't isa, pareho lang kaming mahihirapan, paps." Sabi mo. "Naiintindihan ko naman anak. Kaya lang, kaya mo bang ipaliwanag kung saan ka nanggagaling kaya mo to gagawin?"  Tanong niya sayo. Tumango ka bilang sagot. "Sigurado ka ba talaga sa desisyon mo?" He asked you again. "Yes paps. Wish me luck. This must be painful for the both of us." Sabi mo. "Sige anak. Sana kayanin mo. Siya pa man din yung inakala kong pakakasalan mo."  Sabi ng daddy mo. Napayakap ka sa kanya.

Agad kang lumabas para maghanda sa huling pagkikita ninyo ng nobyo mo.

Makalipas ang isang oras, sabay kayong dumating sa dati ninyong tagpuan.

Umupo kayo sa isang bangko(bench) sa ilalim ng punong mangga.

Ilang minuto kayong tahimik dahil hindi niyo alam kung ano ang sasabihin ninyo sa isa't isa.

"Ethan/Francheska Louise." Sabay niyong sabi habang nakatingin sa kawalan. "Ah mauna ka na baka may sasabihin ka." Sabi mo. "Ah, may sasabihin ka ba? Mauna ka na. Ladies first." Aniya."Hindi ikaw na." Animo. "Maganda kung ikaw ang mauuna. Babae ka eh." Aniya. "Sige. Sabay na lang tayo." Sabi mo. "Sige. " Pagsang-ayon niya sayo.

"Maghiwalay na tayo/Magpakasal na tayo." Sabay niyong sabi. Pareho kayong natigilan nang marinig ninyo ang sinabi ng isa't isa. "Ha?! Ano?!" Sabay niyo na namang sambit. "Mauna ka na kasi." Sabi niya. "Sigurado ka, ha?" Sabi mo sa kanya.  Agad siyang tumango at sumang- ayon. Huminga ka nang malalim bago ka nagsalita.

PANANAW NG ISANG TAGASUPORTA (A Supporter's Point of View - Book 2)Where stories live. Discover now