May game kayo ngayon against your biggest university rival in Volleyball. At ngayon ang final game para sa championship.
"Kailangan nating maipanalo to." Sabi ng coach niyo. "Coach, kakayanin naming ipanalo ang laro mamaya." Sabi mo. "Alyssa?" Sabi ni Valeen. "Baldo?" Sabi naman ni Anne. "Phenom?" Saad ni Maris. "Teka, ano bang sinasabi niyo? Anong baldo? Anong phenom? Anong Alyssa? Teka, teka. Naguguluhan ako." Sabi mo. "Kagaya ka kasi ni Alyssa. Masyadong passionate sa paglalaro ng volleyball." Sabi ng coach mo. Pumito ang referee. Hudyat ng pagsisimula ng laro.
Naunang magserve si Janella. Nagpalitan ng tira ang dalawang team. Nang matapat sayo ang bola, umatras ka tsaka mo tinira ang set ng isang player ng kabilang team. Sa lakas ng pagtira mo sa bola, natiyempuhan mo ang dalawang matatangkad na blockers ng kabilang kupunan. At nakapuntos ka nang magawa mong maipasok ang bola kahit na may dalawang nakaharang sayo. They patted your head when you got that point for your team. You also got 4 service aces.
Nanalo kayo sa first set sa score na 25- 20. Nang sumapit ang second set, nakascore ka ng limang service aces.
"Mine!" Sigaw mo nang matapat sayo ang bola. Agad namang tinira ng kabilang kupunan ang bola na sinet mo. Na- facial hit mo ang isang player ng kalaban. Agad kang pumunta sa side nila para magsorry.
"Sorry. Hindi ko sinasadya." Sabi mo. Pagbalik mo sa side niyo, nagpatuloy ang laro.
"Mine!" Sigaw mo sabay hampas sa bola. "Mine!" Sigaw ni Janella sabay palo sa bola pabalik sa side ng kalaban. Nagpalitan lang kayo ng tira sa bola hanggang sa may makapuntos.
"Mineeee!" Sigaw mo sabay tira sa bola nang pagkalakas lakas. At naipasok mo yon. Napatalon ka sa tuwa. "Go Faith Alexandria!!" Sigaw ng mga schoolmates mo. Ikaw ang star player ng volleyball varsity team ng school niyo kaya marami ang nakakakilala sayo. Nagpatuloy ang laro at sunud sunod kayong nakapuntos at naipanalo niyo ang pangalawang set ng laro. Sa ikatlong set, humabol si Sandro.
"Alexandria!" Sigaw niya. Napalingon ka nang marinig mo iyon. Agad kang napatakbo papunta sa kanya. "Ano? May sasabihin ka ba? Third set na. Baka final set na." Sabi mo. "Sorry late ako." Saad niya. "Okay lang yon. Wag mo nang intindihin. Ang mahalaga nakaabot at pinilit mong makahabol. Balik na ko. Salamat." Sabi mo. Hahakbang ka na sana pabalik sa court nang bigla ka niyang hinila pabalik kaya sumubsob ka sa dibdib niya. Niyakap ka niya at tsaka siya nagsalita. "Good luck, Alexa. You've got this. Pataubin niyo na sila." Sabi niya saka ka niya binitawan. "Sira. Pero salamat. Salamat kasi humabol ka." Sabi mo. "Para sayo, pupunta at pupunta ako." Aniya.
Pumito ang referee kaya napabalik ka kaagad sa court. Nang pumwesto ka na, agad namang nagsimula ang laro.
"Mine!" Sigaw mo nang matapat sayo ang bolang sinerve ng team captain ng kalaban. Sinalo naman yon ng setter ng kalaban kaya balik ulit sa inyo ang bola. Pinalo naman iyon ni Margaret. Pagkatapos ay tinira ng spiker ng kalaban. Nagawang habulin ni Valeen ang bola at ibalik sa kabilang side ng court. Pagkatapos ay tinira iyon ng libero ng kabilang team. Pinalo mo ang bola ng buong lakas pero hindi yon naging sapat para makapasok sa kabilang side. Sinubukang iligtas ni Julia ang bola. "Mine!" Sigaw niya. At nasa inyo pa rin ang bola kaya naman gumawa ng paraan si Anne at tinira niya ang bola. "Mine!" Sigaw niya sabay spike. Nakapuntos kayo dahil doon. Ikaw uli ang magse- serve ng bola. At naka- service ace ka na naman nang limang beses sa set na iyon. At naipanalo niyo ang laban sa final score na 25- 20, 25- 19, at 25- 22.
Agad kang nilapitan ni Sandro para abutan ng tubig.
"MVP as always. Total of how many aces today?" Sabi niya. "7." Sabi mo. "Good job! Paano?" He asked. "4 on the first set, 2 on the 2nd set and 1 on the final set." Sagot mo. "Alyssa Valdez levels yata ah. Best server, MVP at Best outside attacker yarn?" Biro niya. "Ikaw talaga. Tigilan mo nga ako." Sabi mo sa kanya. "Bakit? Totoo naman yung sinabi ko ah. Ang dami dami mong awards dahil sa volleyball. Di ba nakatulong din yang hilig mo sa volleyball para makatipid ka sa tuition? Kasi kapag athlete ka, makakakuha ka ng scholarship? Athletic scholarship, diba?" Sabi niya. "Oo na, oo na. Dami mong sinasabi." Sabi mo kay Sandro. "Uuwi na ba tayo?" Tanong niya. "Magpahinga muna tayo. Pagod ako. Magbibihis pa ako, pawis na pawis na ako." Sabi mo. "Magbihis ka na. Bibili ako ng pagkain natin." Sabi niya sayo.
YOU ARE READING
PANANAW NG ISANG TAGASUPORTA (A Supporter's Point of View - Book 2)
FanfictionA Point of View of a supporter from afar. P.S. This is all made out of the writer's imagination. This is not real. This is all in an alternative universe. These are some of my what if's. A Ferdinand Alexander Araneta Marcos III Fanfiction. HEXALOGY...