Magdamag kang umiyak dahil hindi ka makapaniwalang pinaasa ka lang pala ng taong inakala mong magmamahal sayo nang totoo.
"Akala ko.... Akala ko totoo na lahat... Hindi pa rin ako makapaniwalang wala palang katotohanan yun lahat. Sana pala hindi na lang ako naniwala... Sana pala hindi ko na lang siya nagustuhan.... Ang laking pagsisisi na nagkagusto pa ako sa isang taong akala ko, kayang suklian ang pag- ibig na binibigay ko. But then I realized, I'm just a friend for him.... A friend who is impossible to be liked and loved by him the way I wanted it to be. Napakasakit." Sabi mo sa sarili mo habang humahagulgol. Halos umiiyak ka na buong gabi nang palihim. Tahimik ang buong paligid at nakatitig ka ngayon sa kisame. Hindi mo alam kung anong mararamdaman mo dahil paulit ulit mong naririnig ang mga sinabi niya sayo.
'Yung sa'tin Cheska, wala lang yon. Wala lang yun, hindi yun totoo.'
'Yung sa'tin Cheska, wala lang yon. Wala lang yun, hindi yun totoo.'
'Yung sa'tin Cheska, wala lang yon. Wala lang yun, hindi yun totoo.'
Paulit ulit mo yung naririnig. At ngayon, medyo nasasaktan ka na.
"Ang sakit! Ang sakit sakit mong mahalin!" Sabi mo habang humahagulgol. "Napakat*ng* ko sa part na umasa ako.... Umasa akong lahat ng pinapakita mo sa akin ay totoo. Napakasakit... Napakasakit magmahal ng taong manloloko." Sabi mo pa.
Nakatulog ka sa sobrang pagod kakaiyak. Paggising mo, nakaramdam ka nang bigat ng katawan.
Hirap ka ring makabangon dahil doon. Kinapa mo ang ulo mo. Bigla kang kinabahan nang makapa mong sobrang init nito.
"Aww." Sabi mo. Nagtataka na ang mga kapatid mo dahil hindi ka pa bumababa hanggang ngayon. Umakyat sila sa kwarto mo.
"Ading ko, are you okay? Hindi ka pa rin bumababa. Anong nangyari?" Sabi ng kuya Sandro mo. "Kuya....." Nahihirapan mong sabi. Lumapit siya sayo. "What ha—." Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang maramdaman niyang mainit ang buong katawan mo nang magdikit ang mga balat niyo. "Ang init mooo! Nilalagnat kaaa." Sabi niya.
Tinawag niya ang dalawa pa ninyong kapatid at nagpakuha ng bimpo at tubig sa may planggana. Inalagaan ka ng mga kapatid mo buong gabi. Binantayan ka nila magdamag. Hinintay nilang bumaba ang lagnat mo.
Paggising mo kinabukasan, naroon na sila sa sofa nakatulog. Pinilit mong bumangon.
Nilagay mo ang isang unan sa headboard at sumandal ka roon.
Pinagmasdan mo ang mga kapatid mong nagbabantay sayo.
Tahimik ka lang ngayon at hinihintay mo silang magising. Medyo magaan na rin ang pakiramdam mo ngayon kumpara noong mga nakaraang araw.
Dahan dahan kang bumangon sa kama. Naramdaman ng isa sa kanila ang paggalaw mo kaya nilapitan ka nito kaagad.
"Cheska?" Sabi ng kuya Sandro mo. Kinapa niya ang noo mo. " Don't move. Baka mabinat ka. Baka mapano ka. Go back." Sabi niya sayo. "Kuya, kaya ko na. Thank you." Sabi mo. "Anong kaya mo na?! Hindi, bumalik ka roon." Sabi ng kuya Sandro mo sa'yo. "Kuya kukuha lang naman ako ng tubig. Tsaka mag- c cr din ako. Babalik naman ako." Sabi mo sa kanya. "Ako na'ng kukuha ng tubig para sa'yo." Sabi niya. Hinintay mo ang tubig na kinuha niya. Pagkatapos ay ininom mo kaagad yon at dumiretso ka sa cr pagkatapos.
Nang mapansin ng dalawa mo pang kapatid na wala ka sa hospital bed, nag-alala sila.
"Kuya! Kuya nakita mo ba si Cheska?! Nawawala si Cheska." Sabi ng kuya Vincent mo. "Nandito lang siya kanina sa pagkakaalam ko. Kuya.... Kuya nasaan na ang bunso natin? Iniwan na ba niya tayo? Kuya nasaan siya?!" Nagpapanic na sabi ng kuya Simon mo. "Kumalma kayo, okay?!" Sabi ng kuya Sandro mo sa kanila. "Kuya, okay ka lang?! Kumalma?! Kuya naririnig mo ba yung sinasabi mo?! Kuya nawawala si Cheska! Tapos you are expecting us to calm down?! Are you out of your mind?!" Sabi ng kuya Vincent mo. Bigla kang lumabas galing sa Cr. "Kuya? Nag- aaway ba kayo?" Sabi mo bigla. Napalingon ang mga kapatid mo nang marinig ka nilang magsalita.
"Bunso!" Sabay na sigaw ng kuya Simon at kuya Vinny mo. Niyakap ka nilang dalawa dahil ang buong akala nila ay nawawala ka na.
"Kuya? Okay lang kayong dalawa? Anong meron?" Naguguluhan mong tanong sa kanya.
"Akala namin nawala ka na. Akala namin iniwan mo na kami." Sabi ng kuya Simon mo sayo. Humagalpak ka ng tawa.
"Sorry kuya. Natatawa lang ako sa mga reaksyon niyo. Nag cr lang ako. Kanina pa ako nagkamalay. Si kuya Sandro ang nakakitang nagkamalay na ako." Sabi mo. "Bakit siya lang?" Parang batang nagmamaktol na saad ng kuya Vincent mo. "Dahil siya lang ang nagising sa inyong tatlo. Mga tulog- mantika kasi kayo." Animo. Parang batang nagtatampo ngayon ang dalawa mo pang kapatid. Dapat daw kasi ay nakita ka rin nilang nagising at nagkamalay. Sana raw ay tinagalan mo pa ang paggising.
"Tss. Parang mga bata." Sabi mo. "Kumusta ka, bunso? Okay ka na ba?" Tanong sa'yo ng kuya mong si Sandro. "Okay na kuya. You have nothing to worry about me. Everything is fine now." Animo. "Next time, wag ka nang umiyak nang sobra para hindi ka na lagnatin bigla. Pinag- alala mo kaming lahat. Nakakakaba ka kapag nagkakasakit." Sabi ng kuya Vinny mo. "Sorry kuya. Kasalanan ko naman kung bakit ako nagkasakit. Kung hindi sana ako umiyak nang umiyak nung gabing yon hindi naman ako lalagnatin kinabukasan." Sabi mo. "Cheska?" Rinig mong tawag sayo ng tao mula sa pintuan. Nang magpagilid ang mga kapatid mo, nakita mo na naman ang lalaking dahilan ng pagkalugmok mo. Ang dahilan ng pag- iyak mo nang ilang gabi.
"Anong ginagawa mo rito?! Ang kapal ng mukha mong magpakita sa akin pagkatapos mong magpaasa. Ano?! May sasabihin ka na naman? Ano? Paaasahin mo na naman ako?! T*ng*na Lucas parang awa mo na.... Tama na." Sabi mo. Sinubukan niyang lumapit sayo pero hinarangan siya ng mga kapatid mo.
"What the h*ll are you doing here? And how did you know where is she?! Sinong nagsabi sayo?" Sabi ng kuya Sandro mo kay Lucas. "Kuya I'm just trying to reach out to your sister and explain my side regarding our feelings." Aniya. "No need. Klaro na sa akin lahat. Malinaw na sa akin na hindi mo kayang suklian ng pagmamahal ko sayo. Tama na, masyado nang masakit. Ayoko.... Ayoko na. Lumayo ka na. Umalis ka na. Tantanan mo na ako." Sabi mo. "Cheska bigyan mo naman ako ng chance." Pakiusap ni Lucas sayo. "Chance? Para amo? Saktan ako ulit? Tama na. Durog na durog at wasak na wasak na ako dahil sayo. Ayoko nang makita ka kasi tuwing nakikita ko yang pagmumukha mo ang naaalala ko yung sinabi mong wala lang yung sa atin. Na hindi totoo yung mga pinapakita mo sa akin. Na kahit kailan, hindi mo ako matututunang mahalin pabalik. Na pagkakaibigan lang ang kaya mong ibigay sa'kin. Na yung pagkakaibigan natin hindi aabot, papantay o lalagpas sa pagkaka- ibigan." Sabi mo sa kanya. Napayuko siya nang marinig ang sinabi mo. Napilitan siyang lumabas ng kwarto mo sa ospital.
Napaiyak ka na naman paglabas niya.
"Bunso tama na. Tahan na. Alam mo namang ayaw naming nakikita kang umiiyak di ba? Kaya tumahan ka na riyan. Mas maganda ka kapag nakangiti ka." Ani kuya Sandro mo. Pinunasan mo ang mga luhang patuloy sa pag- agos sa pisngi mo. "Salamat kuya." Sabi mo. Niyakap ka nilang tatlo nang mahigpit.
YOU ARE READING
PANANAW NG ISANG TAGASUPORTA (A Supporter's Point of View - Book 2)
FanfictionA Point of View of a supporter from afar. P.S. This is all made out of the writer's imagination. This is not real. This is all in an alternative universe. These are some of my what if's. A Ferdinand Alexander Araneta Marcos III Fanfiction. HEXALOGY...