A Point of View of a supporter from afar.
P.S. This is all made out of the writer's imagination. This is not real. This is all in an alternative universe. These are some of my what if's.
A Ferdinand Alexander Araneta Marcos III Fanfiction.
HEXALOGY...
Today's Valentine's day. Stress na stress ka na dahil sa hindi matapos tapos na paper works. Halos mahilo hilo ka na dahil sa dami ng kailangan mong gawin. Hindi mo na malaman kung alin ang dapat mong unahin.
Naka- concentrate ka ngayon sa laptop mo at hindi mo na halos napapansin kung sinu- sino ang mga naglalabas- pasok sa faculty room.
Maya maya may tatlong yapak ng mga paa ang sunud sunod na humahakbang papasok sa faculty room. Hindi mo iyon pinansin. Hindi rin umimik ang tatlong pumasok. Dahil doon, nakaramdam ka ng takot. Ngunit isinantabi mo ang takot na iyong naramdaman at ipinagpatuloy mo lang ang iyong ginagawa. Napa- sign of the cross ka na lang.
Pumunta ang tatlong taong pumasok sa faculty sa likuran mo at tinakpan nila ang iyong mga mata.
"Sino kayo? Anong ginagawa ninyo rito? Bakit kayo nandito? Sagot!" Sabi mo. Wala kang narinig na sagot mula sa kanila.
Umakbay si Sandro sayo. "Bitawan mo 'ko! Wag mo 'kong hahawakan!" Sabi mo habang pilit na nagpupumiglas sa mahigpit niyang pagkakahawak sayo. Tinakpan niya ang bibig mo tsaka siya nagsalita."Huwag kang sisigaw. Kapag sumigaw ka, hindi kita pakakawalan dito." Ani Sandro. Hindi ka nakapagsalita dahil mas nangibabaw ang takot na nararamdaman mo. Natatakot kang baka hindi ka niya pakawalan. Hinalikan ka ni Sandro sa pisngi. "Ano ba?! Bastos ka! Sino ka ba?!" Sabi mo. Sasampalin mo na sana siya pero bigla siyang bumulong sayo. "Relax adi, it's me, your Ferdinand Alexander." Bulong niya sa kanan mong tainga. Nakahinga ka nang maluwag nang malaman mong si Sandro pala ang kasama mo ngayon. "Akala ko kung sino na. Sasampalin na sana kita eh. Ikaw naman kasi adi, eh. Bakit kailangan mong manakot? Valentine's na valentine's day eh. Tapos gagawin mo pang horror yung valentine's ko. Naman eh. Wag ka namang ganoon adi. Alam mo namang matatakutin ako eh." Sabi mo."Sorry adi." Sabi niya. "Teka, sinong kasama mo?" Tanong mo sa kanya. "Mommy! Happy Vawentimes. We wab you mommy!" Sabay na sabi nina Francine at Alexis, your three- year old twins. Umupo ka para maging magkakasingpantay kayong tatlo. "Aww, happy Valentine's, too my angels. Mommy and daddy loves you two." Sabi mo sa kanila tsaka mo sila hinalikan sa ulo. Tumayo ka at kinausap mo si Sandro.
"Ikaw naman... Siguro naman masaya ka na pagkatapos mo 'kong takutin." Sabi mo tsaka ka umirap sa kanya. Niyakap ka niya mula sa likod. "Sorry na, adi. Eh masyado ka na kasing busy lately so naisip ko na baka wala na tayong time na makapag- date mamaya. Knowing that we are going to be busy taking care of our two little angels. Kaya umuwi na lang ako nang maaga para ma- surprise ka. Sorry adi if it has to turn into a horror scene. But here's your favorite flower anyway." Sabi niya Sabay bigay sayo ng isang bouquet ng tulips.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.