A Point of View of a supporter from afar.
P.S. This is all made out of the writer's imagination. This is not real. This is all in an alternative universe. These are some of my what if's.
A Ferdinand Alexander Araneta Marcos III Fanfiction.
HEXALOGY...
Your cousin Olivia is currently experiencing morning sickness. She took the pregnancy test and it turns out to be positive. She told you about the good news via text.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Nasabi ni Olivia sa mga magulang niya ang balita.
Agad siyang pumunta sa inyo pagkatapos niyang masabi ang lahat sa mga magulang niya.
"Insan!" Sigaw niya mula sa gate. Agad naman kayong nabulabog sa lakas ng sigaw niya. Agad mong binuksan ang pinto at tsaka mo siya pinapasok.
"Oh, anong nangyari? Nambubulabog ka na namang babaita ka." Bungad mo sa kanya. Pinaupo mo siya sa sofa tsaka mo siya kinausap.
"Oh, anong chika?" You asked her. "Nasabi ko na sa kanilang buntis ako." Saad niya. "Oh anong sabi nila? Itinakwil ka ba kaya ka nandito?" Sabi mo sa kanya. "Gagi Hindi. Ano ka ba, hindi." Sagot niya. "Kung hindi ka nila itinakwil, anong ginagawa mo rito kung ganoon?" Tanong mo sa kanya. "Tanggap nilang buntis ako. Tanggap na nga rin nilang si Oliver ang ama ng batang dinadala ko. Nandito ako para sana magpasama sayo." Sabi niya sayo. "Magpasama saan?" Tanong mo sa kanya. "Nagkre- crave ako ng pizza tsaka ice cream. Samahan mo 'kong bumili." Sabi niya. "Ha?! Teka lang bakit ako?! Pwede naman siguro yung si Oliver. Bakit ako?!" Sabi mo. "Faith, nasa sasakyan si Oliver hinihintay ako. Sumama ka na lang. Gusto kitang isama eh." Sabi niya. "Hindi pwede. Hindi ako pwedeng umalis." Sabi mo. "Gusto mong isama yung jowa mo?! Isama na natin. Alam kong hindi papayag sina tita at yung jowa mong umaalis ka sa bahay nang mag- isa." Sabi ni Amarah. "Hoy, siraulo ka ba?! Hindi naman sa gusto kong isama si sandro kaya lang walang magbabantay rito kapag umalis ako ngayon. Baka manakawan kami. Kaya hindi ako pwedeng sumama sayo." Sabi mo. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong bahay. "Saan ba sila tita?" Tanong niya sayo. "Nasa out of town. Nagpaiwan na ako dahil marami pa akong mga gawain na kailangang tapusin ngayon." Sabi mo. "Kinginang iyan. Ano bang mga tinatapos mo?! Hindi ba pwedeng mamaya na lang yan?!" Inis niyang tanong. "Tanga hindi. Requirements ko to para sa trabaho. Kailangan ko na mapermanentbakla ka. Kapag ito hindi ko pa sineryoso, habangbuhay ko tong pagsisisihan." Sabi mo. "Ay ganoon? Sige, hayaan mo na. Next time na lang. Mas importante nga talaga yung ginagawa mo ngayon. Sige asikasuhin mo na yan lahat. Bibili na lang kami ng ice cream somehere." Sabi ni Amarah at agad silang umalis.