POV 189 - YOU GOT MARRIED IN THE MARRIAGE BOOTH

25 3 0
                                    

Isa sa mga booths sa foundation ng school niyo ang marriage booth. Bigla kang inaya ni Sandro na magpakasal doon.

"Faith! Let's go to the marriage booth! Let's get married there." Sabi niya sabay hila sayo papunta sa marriage booth. Isa siya sa mga dapat na naka- duty roon ngayon pero pinili niyang tumakas para puntahan ka.

"Ano na naman to? Ano na namang plano mo? Bakit tayo magpapakasal? Sira ulo ka ba?" Sabi mo sa kanya. "Ayoko ngang maikasal sa mga babaeng hindi ko naman type." Sabi niya sayo. "Oh, so ako type mo, ganoon?" Tanong mo. "Faith naman e. Pumayag ka na kasing magpakasal sa akin. Wala na akong ibang choice kasi nga yung mga babae nililista yung pangalan ko roon, eh. Feeling naman nila gusto kong makasal sa kanila. Pumayag ka na." Ani Sandro. "Ayoko nga. Pinagtritripan mo lang ako eh. Doon ka na nga. Mag- duty ka roon. Wag ako ang inaatupag mo." Sabi mo sa kanya. "Pumayag ka na kasing magpakasal sa akin.  Hindi nga ako tatantanan ng mga babaeng yon kapag wala akong ginawa. Ginagawa ko to para tigilan na nila ako. Kaya nakikiusap ako sayo, pumayag ka na. Tara na sa marriage booth. Bilis na. Sagot naman kita e. Ako nang magpapaliwanag kina tita." Pagpupumilit niya. Hindi ka talaga niya titigilan hangga't hindi ka niya napapapayag na magpakasal sa kanya.

"Sige na, sige na para matapos na tong problemang to, tara na." Sabi mo na lang sa kanya.

"O kanina ka pa namin hinahanap, ah. Saan ka ba galing?"  Tanong ni Christian, ang nakaassign bilang pari. "Dude, mamaya ka na magtanong. Kailangan na naming maikasal ni Faith ngayon. Dali na." Sabi ni Sandro. "O e bakit naman kailangan niyong maikasal?" Sabi ni Carlo na gaganap na sakristan. "Para raw tigilan ng mga babae roon tong kaibigan niyo. Hindi raw niya type yung mga babaeng nagpapalista ng pangalan niya rito. Kaya ako ang hinatak para maging bride nitong mokong na to. Ano simulan na para matapos na." Sabi mo. "Aba teka lang naman. Magsuot ka muna ng belo aber. Mas magandang ikasal ang babae kapag nakabelo. Pagpasok niyo bukas, mag- asawa na kayo." Biro ni Mariel. "Wala akong pake. Ikasal niyo na kami. Darating na yung mga babae na nagpalista kanina." Sabi ni Sandro. "O eto na. Do you, Ferdinand Alexander Marcos III, take Faith Alexandria Mondragon to be your lawfully wedded wife, to live together in matrimony, to love her, to honor her, to comfort her, and keep her in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?" Sabi ni Christian. Tumingin si Sandro sa mga mata mo tsaka niya binitawan ang mga salitang, "I do."

Ramdam mo sa mga mata niya ang sinseridad at ramdam mo ring seryoso siya sa sinabi niya. Ikaw naman ang sunod na tinanong.

"Do you Faith Alexandria Mondragon, take Ferdinand Alexander Marcos III, to be your lawfully wedded husband live together in holy matrimony, to love him, to honor him, to comfort him, and keep him in sickness and in health, forsaking all others for as long as you both shall live?" Tanong naman ni Christian sayo. Sumagot ka kaagad. "I do." Sabi mo. "Bilis na. Bago mahuli ang lahat."  Saad ni Sandro. "Ito na po. Atat talaga, oo. With the power vested in me, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." Ani Christian.

Humarap si Sandro sayo at tinanggal ang suot mong belo tsaka niya hinawakan ang mukha mo at sinabing, "Seryoso ako. Sorry kung nadamay ka pa. Alam ko na iniisip mong isa na naman to sa mga kalokohan ko pero... Faith seryoso ako. Buhayin natin ang tambalang FaithLexander." Aniya tsaka ka niya hinalikan.

And just like that, you became married in the marriage booth today.

"Bakit naman kasi nagpakasal pa tayo? Nakakainis naman. Gusto ko sanang mag- I don't kanina eh." Sabi mo. "Bakit ka naman mag- a I don't?" Tanong ni Sandro. "Hindi kita type." Sagot mo. "Sabagay hindi ka rin naman pasado sa standard ko." Aniya. "Kung hindi ako pasado sa standards mo, bakit mo ako biglang pinakasalan sa marriage booth?" Tanong mo. "I had no choice. Kung hindi ko ginawa yon, malamang hanggang ngayon pinaghahanap pa rin ako ng mga babae sa buong campus. Hindi ko nga maintindihan kung bakit gusto akong pakasalan ng mga babaeng yun." Saad niya. "Wala nam palang choice pero kung makatingin kanina, ang lagkit." Sabi mo. "Tandaan mo, mag- asawa tayo for today's video." Aniya. "Mag- asawa na kung mag- asawa. Nasa atin na yon kung seseryosohin natin pero sana naman, wag nating seryosohin. Kasi alam mo, hindi kita type. Napilitan lang akong magpakasal sayo kasi sabi mo, ayaw mong makasal sa mga babaeng nandoon kanina." Sabi mo. "Basta mula ngayon, asawa mo na ako."  Sabi niya. "Pagbabanta ba yan?" Tanong mo sa kanya. "Hindi paalala lang baka makalimutan mo, adi." Sabi niya. "Teka, adi? Anong adi? You mean... Adiel?" Saad mo. "Yes. Adi means gift from God and from now on, that will be our call sign." Sabi niya.  "May call sign pero walang label. Hahaha." Sabi mo. "Walang label? Bakit tayo kinasal kung wala tayong label? Meron bang kinakasal na walang label?" Sabi niya. "Forced or arranged marriage. O sige, kumontra ka." Sabi mo. "Sabi ko nga hindi na ako kokontra." Sabi niya. "Ayan. Good boy naman pala ang adi ko na yan eh." Sabi mo. "Bakit adi, mukha ba akong bad boy?" Tanong niya. Tumingin ka sa kanya. "Actually no. When I look into your eyes awhile ago, it's like watching the night sky and a beautiful sunrise." Sabi mo. ""Why did you say so?" He asked. "Ang ganda. It feels like there's a new beginning." Sabi mo. "And happy ending I guess." Sabi niya sayo. "Sana next time wag mo na akong basta basta hinihila kung saan saan. Lalo na sa mga marriage booth marriage booth na yan." Sabi mo. "Sa susunod, hindi na kita hihilain. Baka totohanin na natin yon."  Sabi niya sayo. Nagulat ka nang marinig mo ang sinabi niya. "Totohanin ang— Hoy! Seryoso ka?!" Sabi mo. "Oo binibini." Sagot niya. "Kahit na husgahan tayo ng madla?" Tanong mo. "Wala naman akong pakialam sa sasabihin nila." Sabi niya sayo. "Panindigan na natin?" Sabi mo sa kanya. "Panindigan na natin." Saad niya. At pinanindigan na nga ninyo ang pagiging mag- asawa sa harap ng madla.

PANANAW NG ISANG TAGASUPORTA (A Supporter's Point of View - Book 2)Where stories live. Discover now