MY SLUM-GIRL PRINCESS

197K 952 52
                                    

PROLOGUE

How it all started

Way Back 1996

"Isabel, napakaganda ng anak natin..." masayang sabi ni Alberto sa kanyang asawa habang karga-karga ang anak.

Ngumiti si Isabel. Bakas sa mukha nya ang sobrang kaligayahan dahil naisilang nya ng maayos ang Princessa nila "Dumating na ang Princessa natin Alberto, naiexcite na ako sa magiging pagbabago sa buhay natin"

Lumapit sa kanya ang asawa at hinalikan sa noo ang asawa "Magiging masayang pamilya tayo... Magiging masayang kaharian ang tahanan natin, my Queen"

Dalawang taon nang kasal sina Isabel at Alberto. Pareho silang galing sa mga kilalang pamilya sa bansa. Si Isabel ay galing sa isang political family ng Roxas, anak sya ng isang sikat ng Congressman ng isang Province, na kilala din na kasangga sa paglaban sa droga sa bansa, habang si Alberto naman ay anak ng isang businessman na si Ronaldo Madrigal.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwartong tinutuluyan nila sa hospital. Dumating na ang kanilang mga magulang. Bakas sa mukha nito ang pagkasabik.

"Nasaan na ang aking Apo..." hanap agad ni Ronaldo pagkapasok palang. Lumapit agad sya sa magasawa at masayang kinuha ang apo.

Masaya nilang pinagmamasdan ang mukha ng kanilang unang apo. "naku, Madrigal talaga ang napakagandang batang 'to"

"Pero naman manugang, bakas din ang pagiging Roxas nya." nagtawanan sila sa sinabi ng Ina ni Isabel.

"Teka, mga anak ano bang ipinangalan nyo sa Apo namin?" singit naman ng Ama ni Isabel.

Nagkatinginan ang mag-asawa at saka nakangiting humarap sa kanilang mga magulang.

"Areeyah Mikaella Roxas Madrigal po" sagot ni Alberto.

Madaling lumipas ang panahon. At ang Princessa ng Madrigal ay lumaki ng maayos, masayahin, matalino at napakagandang bata.

Sa kabila ng pagiging busy ng kanyang Ama sa sarili nilang kompanya ay lagi itong may oras para sa buong pamilya.

Masaya silang naghahapunan, minsan naman kapag weekends ay lumalabas sila at namamasyal.

Halos perpekto ang pamilyang kinabibilangan ni Kaella, hindi dahil sa mayaman sila kundi dahil sa puno sya ng pagmamahal mula sa mga taong nakapaligid sa kanya.

News Report

Congressman Anthony Roxas ay magiging tagapagsalita ng PDEA dahil sa naging isa itong tapat na kaagapay sa pag sugpo ng mga droga sa bansa.

News Report Ends

"Papa, ang galing-galing ni Lolo..." masayang sabi ng batang si Kaella.

"Syempre naman anak,. Dahil pangarap talaga ni Lolo ang isang bansa na walang bad persons" paliwanang ni Alberto sa anak.

"Tama ang sabi ng Papa mo, alam mo ba kung bakit nya iyong ginagawa?" napailing naman si Kaella bilang sagot.

"Dahil gusto nya na lumaki ka sa isang bansa na walang bad persons. Para mas maging masaya ang bansa kapag big girl ka na." paliwanag ni Isabel.

Napapalakpak si Kaella sa tuwa "Ang galing ni Lolo... Para syang superhero"

Isang araw, walang pasok ang mga magulang ni Kaella kaya napagpasyahan ng mga ito na ipasyal ang kanilang anak sa amusement park.

Masaya silang nagbabyahe. Nag aawitan, nagtatawanan at kumakain... Pero sa sobrang layo ng byahe ay nakatulog na si Kaella.

Habang tahimik ang silang nagbabyahe may isang pangyayari na alam ni Alberto na magpapabago ng lahat.

Hinarang ang kanilang sasakyan ng isang puting van. Lumabas si alberto para sana tanungin kung anong meron. Ang gusto nya lang ay protektahan ang pamilya sa ano mang kasamaan na dala ng mga taong ito.

"Alberto!!!" sigaw ni Isabel ng makitang hinampas nalang nga isang baril ang kanyang asawa sa may batok nito at agad syang bumaba sa sobrang pagaalala sa asawa.

"boss, ayan na ata ang anak ni Congressman..." narinig nyang sabi ng Ama.

Agad naman tinutukan ng baril si Isabel. Habang ang isang lalaki ay nakatutok ng baril sa kanyang asawa. "Miss pasensya na, napagutusan lang kami.." binaril sa harapan nito si Alberto.

"Alberto!!!" iyak ni Isabel. "ano bang nagawa namin sa inyo?!"

"Yung tatay mo kasi masyadong pakialamero.. Kung hindi nya kinalaban ang Heavens, edi sana hindi to mangyayari." hindi sya napasagot at umiyak nalang. Ang heavens ang grupo ng sindikato ng droga sa bansa na ipinabagsak ng kanyang ama.

"Miss, magsama ng kayo ng asawa mo..." sabi ng lalaki habang sya ay nananalangin na sana hindi magising ang anak. At kasabay ng pagmulat ng kanyang mata ay ang isang putok ng baril na kumuha ng buhay

Sa pangyayaring yun, may isa batang nakasaksi ng lahat. Tahimik syang umiiyak habang nakasilip sa likod ng shotgun seat, nagtatago.

At doon natapos ang mala fairytale ng buhay ni Areeyah Mikaella Roxas Madrigal.

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon