Chapter 56

19.1K 199 24
                                    

Chapter 56

"Seryoso ka ba dyan Gino? Delikado yan"

Kausap nya ngayon si Mam Vicky. Hindi kasi sya nakapag paalam dito ng maayos noong pinasa nya ang resignation letter nya sa supervisor nila. At bilang ate/kaibigan ay nagpapaliwanag sya kung bakit sya aalis. At nasabi nya nga ang totoo.

"Mas mabuti na ang ganito Mam Vicky, kesa naman lagi akong magaalala kung ligtas ba si Mikay o hindi,.. Sa ganitong set-up, updated ako palagi dahil magkasama kami"

"Pero Gino, ikaw ba handa ka sa pinapasok mo? Mundo yan ng mayayaman, at yan ang mundo na ayaw mo"

Alam ni Mam Vicky halos lahat, maliban sa kung sino ba ang totoo nyang Ama. Ayaw nya ng may iba pang nakakaalam nito.

"Noong minahal ko si Mikay, hinanda ko na ang sarili ko sa ganitong posibilidad..."

Napailing nalang si Mam Vicky "Bilib na ako sayo Gino, iba ka magmahal. Pwede ka ng gawing Santo ng mga wagas umibig" biro nito sa kanya.

Natawa nalang si Gino "Si Mam Vicky talaga,.."

Halos ganito din ang reaction ni Nanay Belen, nagaalala din sya dahil sa alam nyang magulong mundo ang pulitika, pero naintindihan nya rin dahil alam nya na mahal talaga ni Gino si Mikay.

Bigla namang nagring ang bago nyang cellphone. "Wow Gino, tuma-touch screen ka na ngayon ah"

Ngumiti si Gino kaya Mam Vicky, "Nadaan lang sa ipon" bago sinagot ang tawag.

"Jao..." sagot ni Gino. Si Jao ang tumatawag sa kanya.

[Bro, free ka ba next week?]

"Anong meron next week?"

[May basketball league ang mga anak ng politicians]

Napatahimik sya sa narinig, anak ng mga politicians? Alam nyang anak sya ng politician pero isang napaka malaking lihim yun. Pero bakit yun ang sinabi ni Jao.

[Gino? Still there?]

"Ha? Oo naman, ahm... Jao, hi--hindi naman ako anak ng politicians."

[Ikaw kasi ang gagawing representative bilang anak ni Tito Alberto, alangan kasing si Areeyah ang palaruin namin]

Medyo nakahinga rin sya ng maluwag. Ayaw nya kasi ng gulo, kaya mas gusto nyang lihim nalang ang katotohanan.

"Ahm sige, kayalang di ko sure kung makakapagtraining ako,"

[Kasama ka sa amin sa training, si Tito Alberto ang nagayos nun, sa sports area ng Malacanang, kaya andun si Mikay, don't worry.]

"Sige,.. Kelan ba simula ng training?"

[Tomorrow bro, masaya ito...]

Basketball league kasama ang mga rich kid? Medyo nakakapressure, syempre hindi lang si Jao at si Mikay ang papakisamahan nya doon. At mas lalong alam nyang hindi lahat mababait, iba doon alam nya na may masama ang ugali doon.

"Oh pinapauwi ka na ng girlfriend mo?" tanong ni Mam Vicky.

"Hindi ah, si Jao yun, ahm... Kaibigan ko., namin ni Mikay"

"Jao? Yung ex ni Kaella?"

"Oo,.. At boyfriend ni Julia." sagot ni Gino

"Iba ka talaga Gino., Napapabilib mo na ako"

Siguro nga malaki ang pinagbago nya, kung yun ba naman ang kailangan para manatili sa tabi ni Mikay, hindi pa ba nya gagawin?

Hindi narin sya nagtagal at nagpaalam na sya Mam Vicky. Pupunta pa kasi sya kay Mikay, baka namimiss na sya nito ^_^

Makalipas ng ilang oras ay nakarating din sya sa Malacanang. Hinihintay nya si Mikay sa Garden, naghahanda daw ito ng merienda.

Salamat sa bago nyang cellphone at najakaconncet sya sa wifi ng Malacanang. Nagbabasa sya ng balita sa ABS-CBN news. At nagulat sya sa nakita nya.

"Nakalabas pala ito sa balita?" sabi ni Gino habang binabasa ang balita.

Hindi nya kasi alam na nabalita na pala ang nangyari kay Mikay sa Magsaysay, at kahapon lang nabalita. Nagpatuloy sya pagbabasa "Hindi rin pala detalyado,"

Marahil dahil ito sa media control ng Papa ni Mikay. Hindi na pinalaki ang issue at alam nyang mas mabuti na ganun nalang.

"Busy sa new phone?"

Liningon nya ang girlfriend na may dalang tray na naglalaman ng orange juice at isang chocolate cake. Favorite talaga kasi ni Mikay ang chocolate cake.

"Hindi naman, nagbabasa lang ng news." sagot nya.

"News talaga?"

"Oo, nalabas na pala sa news yung nangyari sa Magsaysay?"

"Oo, may nagleak na balita kaya sabi ni Papa ituloy nalang kayalang dapat hindi na puro detalye"

Nagbalik si Gino sa pagbabasa, ng may napansin sya. Inopen nya agad ang link at binasa.

"Ngayon naman cellphone mo na ang karibal ko?" singit ni Mikay habang busy si Gino sa pagbabasa. Sakto naman kahit paapano ay nabasa na nya ang buong article.

"Pasensya ka na Mikay, nagenjoy lang ako sa FB."

"Facebook? Seriously Gino?" medyo natawa si Mikay. Hindi nya alam hindi naman pagpifacebook ang ginagawa nya.

Inilapag ni Gino ang phone sa mesa, "Oh ayan, wala ng sagabal... Solo mo na ako"

"Naging sosyal lang cellphone mo, di mo na ako pinansin..."

"Ito naman nagtampo na agad, halika kain tayo ng chocolate cake" ginaya gaya pa ni Gino si Mikay sa pagbigkas ng 'Chacolet' natawa naman si Mikay.

Hindi naman kasosyalan ang cellphone nya na katulad kay Mikay, pero masasabi nyang pinaghirapan nya ito, halos 6,000 din ang presyo ng cellphone nya, at sa tulad nyang mahirap, mahal yun.

"Sasali ka daw sa Basketball league?" tanong ni Mikay.

"Parang ayaw ko na nga eh, mas mukhang maganda kung ikaw ang maglalaro.... Total anak naman daw ng mga Politicians ang player..." biro ni Gino

"Ang sama mo Gino..."

Tumawa lang si Gino "Kayalang sabi nila kasi lampa ka kaya di ka pwede" pangaasar ni Gino "Ang cute ko siguro maglaro,."

"Ang yabang mo,. Sa susunod volleyball league nanaman, and I'll show you na hindi ako lampa."

"Nanghahamon ka na ngayon ah,... Pero sige, aabangan ko yan"

Masaya lang na nagtawanan si Mikay at Gino. Walang katapusang banat, walang katapusang asaran,...

Pero sa kabila ng kasiyahan nila ni Mikay, may isa pang tumatakbo sa isip ni Gino.

"May first suspect na ako...." bulong nya.

----------------------------

Hi guys. Sensya late ang UD for today, hehehe Im having a date with my ex-crush.(Highschool Crush) Birthday nya eh.

May naisip akong pakulo! Mag-aaward ako ng mga readers sa end ng story na ito. And may isang bibigyan ko ng compilation. As in, hard copy na sya. Pero 20% parin yung confirmation.

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon