Check this out guys --> SOULMATES: EXHANGE OF SOUS! by NOrdinaryANNE
Chapter 59
"Last one minute"
Nasa actual game na sina Gino at Jao sa basketball. Hindi karamihan ang nanood katulad sa ibang laro, pero hyper active ang mga audience nila dahil sa sobrang higpit ng labanan between two teams.
Si Gino ang captain ball ng blue team at si Jao naman ang sa red team at kasalukuyang si Jao ang lamang pero mabilis namang humahabol ang team Gino.
"Go Gino!!"
"Go Jao"
Yan ang sigaw ni Julia at Mikay. Pero kahit magkaibang team sila, magkatabi sila while supporting different team. Kayanga pati ang Presidente natutuwa sa game, dahil kahit ang magkabilang captain ball ay talagang sports kung lumaban.
"Go Gino!" pabulong na ang pagcheer ni Mikay dahil masyado ng breathtaking ang eksena. Seconds nalang ang binibilang at isang points nalang ang kailangan ni Gino to win the game.
"10"
"9"
"8"
Nagbibilang na ang annpuncer at si Gino ay nagdidribble parin ng bola. Gumagawa sya ng paraan to escape Jao's defense. And when he finally did...
"3"
"2"
Isang malakas na buzzer ang narinig sa buong area "Three points for Blue Team"
Sigawan silang lahat, lalo na yung mga kateam ni Gino. Si Mikay naman napatayo sa sobrang tuwa,.
"Nice Game Mr. Vice Pres,. I love the attitude of our two captains."
Narinig ni Mikay na sinabi yun ng Papa nya, syempre nasa harap lang nila ito nakaupo. Kaya nga napatingin sya sa cpurt ulit at nakita ni Mikay na lumapit si Jao kay Gino at nakipagkamay ito. Hindi mo makikita yung bakas ng inggit or anything. Good sports talaga.
"Girls, puntahan na ninyo ang mga MVP nyo" napangiti ay excited na pumunta sa court si Julia at Mikay.
Nakangiting nakatingin lang sa kanila ang Presidente at Vice President. Masaya sila na makita ang mga batang ito na talagang naging magkakaibigan.
"Look at them,." sabi ni Mr. President sa katabing si Vice "I never thought na magkakasundo ng ganyan yang si Gino and Jao, knowing na may past si Jao with Kaella?"
"That's the magic when you fall in love." yun lang ang sagot ni Vice.
Maya-maya ay lumapit na ang apat sa kanilang dalawa at nagpapicture. Kunwari teenager narin ang mga may edad nilang Ama at mukhang tuwnag tuwa naman ang mga ito.
"Tito Henry, papicture kayo ni Jao"sabi ni Julia while preparing her camera.
"Sure," agad namang pumwesto si Jao at ang Papa nya at nagpakuha ng picture.
"Mikay, patingin ako ng pictures..." sabi ni Gino kay Mikay.
Its his way to escape the awkward feeling na nararamdaman nya habang nagpapapicture ang step brother nya sa Tatay nila. Kahit hindi sya galit kay Jao, andun parin yung feeling of being left out.
"Uy Gino..." tawag ni Mikay sa kanya.
"Ha?anu yun?"
"Okay ka lang?" tumango naman si Gino "Sabi ni Tito Henry papicture daw kayong tatlo nila Jao"
Ramdam ni Gino na nanigas ang katawan nya sa narinig. Bigla syang kinabahan, "Gino, nagenjoy talaga si Henry sa laro ninyo kaya gusto nyang magpapicture sa inyo"
Kaya lumapit nalang si Gino kahit medyo nawawala pa sya sa sarili. Hindi nya alam tuloy paano ngumiti ng maayos ng inakbayan sya ng Papa nya. The last time na naranasan nya ito ay noong bata pa sya, bago pa ito nangiwan.
"Wow, para kayong mag-aama.." natatawang sabi ni Julia after kumuha ng picture.
Napangiti nalang si Gino. 'Tatay ko kaya yan, kaya talagang magaama kami' sigaw ng isip nya.
"So! Kain tayo sa labas, let's celebrate..." yaya ni Mr. President.
Nagshower muna si Gino at Jao bago sila umalis. Si Mikay sinabay na nila sa sasakyan ni Jao, kasama si Gino at Julia.
"Napagod ata si Gino, tahimik eh" sabi ni Julia.
Nagulat nalang si Gino ng hawakan ni Mikay ang kamay nya. "Are you okay?"
"Ha? Oo naman, ahm... Napagod lang ako at nagutom"
"Di bale bro, kakain narin tayo. Ako din gutom na gutom na eh." singit ni Jao
Masaya si Gino but a part of him is being emotional right now. He missed having a father, ngayon nya lang naexperience na magpapicture ang Papa nya sa kanya dahil proud itong nanalo sya sa basketball. Masaya sya na kaibigan nya ang kapatid nya, masaya pala talaga ang may kapatid.
Hindi rin nagtagal ay narating narin nila ang restaurant na kakainan nila. Unti lang tao dito at mukhang namahalin.
"Dapat ata gawin nating Program yang basketball?" tanong ni President.
"Maganda yan, Gino ang Jao will be the head of this Program, gagawin nating youth promotion to"
Naexcite naman si Gino and Jao. Masaya kasi yung nakakatulong ka na, pero mahal mo rin yung ginagawa mo.
"Ahm Sir, when I was in Cambodia, yung mga Mission Team from California, nagtrain sila ng mga bata, aging 9-15. And sa Youth naman, they had a tournament and the winner will be trained and sponsored for their school. Parang varsity ang style."
Napaisip si Mr. President sa sinabi ni Julia, "Magandang idea yan, siguro let's just so some medification and then gawin natin yan."
Nagpatuloy pa sila sa paguusap habang kumakain. Lahat ng topic yata napagusapan nila, yung dalawang old nakikibagets narin.
"Mikay, may ibibigay ako sayo"
Nakauwi na sila at Gino saglit na tatambay muna sa Malacanang kaya nasa garden sila ni Mikay. Parang walang kapaguran ang dalawa at nakuha pa magdate.
"Talaga? Anu yan?"
"Nahiya kasi ako kasi ikaw lang ang may gift." sabi ni Gino habang nilalabas ang nakapaper bag sa bag ni Gino "Kaya nung nakita ikaw ang naalala ko"
"Wow! Bakit ngayon mo lang to binigay?" sabi ni Mikay ng makita ang laman ng paper bag.
"eh kasi nahiya ako ibigay kanina, andyan yung Papa mo. Tapos may reporter pa, baka magkaproblema lang"
Isa itong sweat shirt na kapartner ng jersey ni Gino. At may last name pa sa likod.
"Eh bakit Dela Rosa?" tanong ni Mikay.
"Yan naman ang magiging apilyedo mo sa future eh," kaya siguro naisip ni Gino na baka magkagulo, Dela Rosa kasi ang naka lagay sa likod ng sweat shirt.
Natawa si Mikay "Sabagay."
Tatanggi pa ba si Mikay? Eh yun din naman ang gusto nya in the future. :D
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...