Chapter 51

20.1K 214 22
                                    

Chapter 51

Minulat ni Kaella ang nga mata; kakatapos lang ng unang gabi ni Kaella dito sa Magsaysay. Isang single bed ang hinihigaan nya na tanging banig lang ang cover.

Ininat nya ang ang dalawang kamay, medyo masakit kasi ang kanyang likod dahil matigas talaga ang kama na hinihigaan nya. Pero okay lang naman, naihanda na nya ang sarili nya sa mga ganitong bagay.

Lumbas sya ng kwarto, at nakitang wala ng nakalatag sa sahig. Sa sahig lang kasi sa labas natulog si Gino dahil maliit lang ang bahay na tinutuluyan nila. Ang mga PSG ni Kaella ay nasa labas nagtayo lang ng tent, yung isa kasama ni Gino sa loob ng bahay.

"Goodmorning Mam Kaella..." bati ni Susan.

"Mam Susan naman, just call me Kaella... And goodmorning din"nakangiting bati ni Kaella.

"Ah sige... Kaella,.." sagot ni Mam Susan "Halika na, si Gino ayun tinutulungan si Domeng magluto"

Si Mang Domeng ang asawa ni Mam Susan. Ito ang naging kaagapay ni Mam Susan sa pagiging worker nila sa Community.

"Goodmorning mahal kong Princesa..." salubong ni Gino kay Mikay at hinalikan si Mikay sa noo.

"Goodmorning..."nakangiting sagot nya kay Gino. "Goodmorning Mang Domeng"

"Goodmorning din Mam Kaella..." sagot nito. "Kape po muna tayo..."

Agad namang lumapit si Gino kay Mang Domeng "Tay, tulungan ko na po kayo. Paborito to ni Mikay lalo na pag may chocolate"

"Talaga?hinahaluan pala yan ng chocolate?" singit naman agad ni Mam Susan.

"Opo, ipapatikim ko po sa inyo."

Bumili talaga si Gino ng tatlong cadburry para sa kape ni Mikay. Alam nya kasi na highland area ang Magsaysay at mahihilig din ito sa brewed coffee.

"Expertise yan ni Gino ang kape..." sagot ni Mikay habang umuupo sa kawayang dining table.

"Naku Kaella, maswerte ka dito sa nobyo mo..."

"Naku Mam Susan, tama ka sa sinabi mo..." pagmamalaki ni Gino.

"Nagyabang pa..." natatawang sabi ni Mikay kay Gino. "Teka Mam Susan ano po ang gagawin natin today?"

"Mamayang mga alas otso, courtesy call kay Kapitan at iba pang opisyal. Pupuntahan din natin ang Satellite Clinic para makita nyo.. At tapos noon ay pupunta tayo sa fish pond namin, ipapasubok ko sa inyo manghuli ng isda."

"Talaga po?!"excited na sabi ni Gino.

"Oo, basta okay lang ba kay Mam Kaella eh..."

"Okay lang naman po, gusto ko din pong subukan..."

"Mapuputikan ka nga lang Kaella..." singit ni Mang Domeng

"Okay lang yan kay Kaella Nay, may pagka maarte yan, pero game yan sa mga ganyan..." sagot ni Gino.

"Nakakatuwa ka naman Mam Kaella..." sagot ni Mang Domeng.

"Tama, malayong-malayo sa nilalabas nila sa balita..." nagkatinginan si Gino at Mikay sa sinabi ni Mam Susan.

"Ganun po kasi talaga ako dati pa. Yung Senator palang po si Papa, ako na po ata ang pinaka pasaway na anak sa mundo" medyo biro pa nya. Nakikinig lang ang tatlo sa kanya.

"Im not saying na perfect na ako ngayon, but I know na nagbago ako. Step by step siguro, hindi in an instant, perp I know na Im on the process na to perfectly fit as a daughter ng Presidente natin"

Hinawakan ni Mam Susan si Kaella sa kamay "Naniniwala ako sayo Iha, nakikita ko ang kabutihan ng puso mo"

Medyo naluluha si Kaella kaya bahagya nalang syang yumuko. Nabawasan lahat ng inferiority nya sa buhay.

Nilapag ni Gino ang kape sa harap ni Mikay "Naku ang Princesa ko iiyak pa ata," inakbayan nya si Mikay "Maaga pa..."

Nagtawanan silang lahat. "O sya, kumain na tayo bago pa tayo magdrama dito..." natatawang sabi ni Mang Domeng.

Masaya silang kumain sa maliit na kawayan na mesa. Nagkikwentuhan, nagtatawanan, minsan kasi si Gino nagjojoke... Kahit simple lang ang ulam na meron sila, ag oras na yun ay hindi matatalo ng kahit sino.

--------------------------

"Naku Mam Kaella, masaya kami at nabisita mo kami dito" masayang sabi ni Kapitan Romeo.

Kagagaling lang nila sa Satellite clinic ng lugar. Doon nakita ni Kaella ang kakulangan ng mga health care facilities, hindi.nya man alam kung anu-anu ba dapat iyon, pero sa nakita nyang mga lumang kagamitan na di ka na sigurado kung gagana pa ba ng tama ang mga yun.

"Totoo lang po, si Papa po talaga ang pumili ng lugar na ito. Pero sa nakikita ko po dito, gusto ko po talagang makatulong"

Napanguti si Mam Susan at Mang Domeng pati narin si Kapitan. Matagal na kasi nilang hinihiling na pansinin din sila ng gobyerno.

"Maraming maraming salamat, hindi mo alam kung gaano mo kami mapapasaya nyan."

Ibang klase pala ang pakiramdama na makakatulong ka sa kapwa mo. Dati wala syang pakialam sa mga nasa paligid nya, pero ngayon naisip nya na iba pala ang pakiramdam na may sense ang ginagawa mo.

"Oh? Anong iniisip mo dyan?"

"Oh Gino, halika upo ka muna" sagot ni Mikay.

Nasa fish pond na sila. Si Mikay tahimik na nakaupo sa isang maliit na kubo, naghahanda na kasi sila para sa pagharvest ng mga bangus sa pond.

"Anu bang ginagawa mo dito at magisa ka lang?"

Ngumiti si Mikay "Alam mo bang ang daming plano ang nabubuo sa isip ko, I wanna make a difference."

Napangiti si Gino "Hinay hinay lang ha, mahirap na hanggang plano ka lang"

"You're right! Pero naalala mo ba when you ask me kung anong gusto ko na gawin sa buhay?"

Tumango si Gino. Naalala nya yun noong sinabi nya kay Mikay na pangarap nya maging isang Architect.

"Gusto ko makatulong sa mga taong katulad nila dito... Sa mga tulad sa Masantol. Basta yung ganun ba?"

Inakbayan ni Gino si Mikay. "Maganda yan ha, nagkakapangarap ka na. Dati kasi wala kang pangarap sa buhay eh."

Siniko ni Mikay si Gino "Grabe naman, wala naring pangarap"

Natawa si Gino "Ito naman binibiro ka lang eh. Pero alam mo, maganda yan. Pero dapat pagisipan mo ng husto para magawa mo ng maayos"

"Wow! Pang slogan lang ah. 'Pagisipan mo ng husto para magawa mo ng maayos' galing!!"

Napailing nalang si Gino kay Mikay. Nahawaan na talaga nya ito ng pangaasar. Pero biglang nagring ang phone nya.

"Saglit lang Mikay, sagutin ko lang ito."

Isa sa SPG ni Mikay ang tumawag.

"Gino, magdoble ingat kayo. Kanina lang may umaaligid aligid sa bahay nila Mam Susan. Wag mong iiwan si Mam Kaella."

-----------------

Okay pa ba kayo dyan? hahaha baka nabobored na kayo ha.

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon