Chapter 81
One week na simula ng pumunta sila sa bahay ni Gino. Pakiramdam nya yun na ata ang pinakamasayang araw nya in seven years.
Alam nya nungvaraw na rin na yun nagtaksil na sya kay Rj. Actually matagal na syang nagtataksil dahil alam nya naman sa sarili nya na si Gino talaga ang mahal nya simula pa sa simula.
Kasalanan nya na ginamit nya si Rj just for security and comfort. Minahal nya naman si Rj but not in a romantic way, minahal nya ito as friend.
Kaya as a punishment, hirap na hirap syang makipag hiwalay kay Rj. Nahihirapan syang saktan ang taong wala naman inisip kundi ang kapakanan nya, walang ibang ginawa kundi mahalin sya.
One week ng hindi sila naguusap ni Rj. Minsan nagtitext ito ng simple 'good morning' and tatawag mangangamusta saglit and tapos na. May pinagkakaabalahang project daw ito.
Now, paano nya sasabihin kay Rj ang lahat kung ganitong hindi sila makapagusap ng maayos. Ayaw nya namang sa text or call. That's too much to bear for Rj.
And for Gino? Araw-araw nyang pinapanalangin na sana makapaghintay pa ito. Pero mas pinili nyang wag muna ito kausapin, gusto nya kasi bago harapin si Gino wala ng problema, yung tuloy tuloy na ang saya.
Bigla namang tumunog ang door bell ng Unit nya. Kaya tumayo sya para pagbuksan ito.
"Hi baby!" masayang bati ni Rj bago niyakap si Kaella
"Hindi ka nagsabi na darating ka..."
"Hindi ba pwedeng magsurprise ng girlfriend?"
"Hindi naman,... Pero I though you're busy sa project mo?"
"Yes I am," pumasok na sila sa Unit "And I wanna take you there para makita mo yung pinagkaka abalahan ko."
"Now?" tanong nya.
"Syempre naman!"
"Sige, magbibihis lang ako"
Naglakad na sya papunta sa kwarto para magbihis. Pagbibigyan nya si Rj but this day din nya sasabihin ang lahat lahat. Pag pinatagal pa nya ito alam nya na mas lalo syang nagiging unfair dito.
Nasa sasakyan na sila. At napapansin nya na may kakaiba kay Rj. Para itong kinakabahan, at tahimik din ito. Mas lalo tuloy syang kinakabahan.
"San ba ang project mo?" tanong nya kay Rj.
"Malapit sa beach..." ngumiti sa kanya si Rj. Di nya malaman anu ba ang nararamdaman nito.
"A resort or a house?"
"Its a resedential house, matagal ko narin tong project ngayon lang ipafinalize"
Nagtaka naman sya at hindi nya alam. Bago naman naging sila, magkaibigan na sila and alam nya ang nagiging project nito.
"Bakit di ko alam?" tanong ni Kaella. Alam nyang ang kapal ng mukha nya to ask this, kasi sya rin naman maraming hindi sinasabi kay Rj.
"Secret kasi tong project na to, request ng may ari. Surprise nya kasi ito sa fiancé nya."
"Wow, sweet"
Napangiti lang si Rj. Hindi nagtagal nakarating narin sila sa isang halos kakatapos lang na bahay. Pero yung gate nito hindi masyadong nagagawa.
Its a beautiful residential house. Most of the materials ay isang wood and most of the windows and doors ay gawa sa glass. Simple house pero andun ang eligance.
"Halika pasok tayo..." dinala sya ni Rj sa loob.
Maganda ang bahay, pati yung mga gamit na nasa loob maganda rin. "Gusto kasi ng may ari simple house lang kaya wood style ang napili nya. Naisip ko since malapit sa beach, mas okay ang glass as doors and windows."
Nakikinig lang sya sa sinasabi ni Rj "Ito yung kitchen, secured safety dito lalo na kapag magkaka anak sila. And gusto bigyan ng may ari yung fiancé nya ng magandang kitchen, para mas mapasarap luto nito."
Napangiti sya. Kakaiba din yung nagpagawa ng bahay na to. Family man talaga. Umakyat pa sila sa rooms. At masasabi nyang maganda talaga ang bahay na ito.
"And here, sabi ng may ari... Dito sa lugar na to tatambay as they grow old together"
"Ang sweet naman ng nagpagawa nito... And you did great sa bahay na to, Congratulations!"
"Thanks" saglit silang natahimik at pinagmasdan ang dagat.
"Kaella, naalala mo ba yung first meeting natin?"
Napatingin sya kay Rj na nakatingin parin sa dagat habang hinihintay ang sagot nya.
"Yeah, that was three years ago. Independence day, yung Papa mo kasama ka, you visited Papa after ng Ceremony sa Luneta"
Ngumiti si RJ at humarap sya kay Kaella. Hinawakan nya ang kamay nito. "Mali ang sagot mo..."
Nagulat sya sa sinabi nito. That was the time naman kasi na naalala nya na nagkita sila at wala ng iba "What do you mean?"
"Seven years ago? Nagkita tayo. Seventeen years old ka palang ata nun... Nagkita tayo sa Jollibee with my friends. Naka uniform ka ng isang pink polo tshirt ng isang flower shop..."
Pilit nyang inaalala ang sinasabi ni Rj pero hindi nya talaga maalala. "Kasama ko mga kaibigan ko, naguunahan kami makarating sa Jollibee.."
"lunch time kasi, kaya for sure puno ang fast food. Nabangga kita, and after ilang minuto, nagkita tayo ulit sa Jollibee..."
Naalala na ni Kaella ang lahat. Pero hindi nya naisip na si Rj ang isa sa mga lalaking yun. "Wala kang maupuan, kaya we offered you to sit with us"
"Alam mo ba? Hindi ako naniniwala sa love at first sight, pero during that time... Pakiramdama ko mahal na mahal na kita"
Nagulat sya sa nalaman. At the same time kinakabahan. "Every day kitang inaabangan sa Jollibee for almost a week, pero di na kita nakita. Until nagdecide sila Dad na lumipat sa Australia"
"Hindi ko makalimutan ang mukha mo Kaella. Everyday ko na pinapangarap na makita kita, and sabi ko kapag nangyari yun, di kita papakawalan"
"Kaya three years ago, nung nalaman ko na ikaw pala ang anak ng Presidente. And I feel so stupid bakit noon ko lang nalaman na ikaw pala ang anak ng Presidente." natawa pa ito.
"Sabi ni Dad, magmimeeting sila ng Presidente. And since Architech na ako nun, at alam ko na may housing project ka, pinilit kong sumama kay Dad."
"I'm so excited na after four years, magkikita narin tayo. And when we finally met? Actually nadisappoint ako"
Naalala pa ni Kaella ang mukha nito ng magkita sila. Full of hope, full of excitement. Now she knows kung bakit.
"Hindi mo kasi ako nakilala. Ikaw never kang naalis sa isip ko sa apat na taon, pero ikaw? Kahit mamukhaan lang di mo nagawa." napangiti pa si Rj
"Pero dahil patay na patay ako sayo, hindi ako papatalo. Kung di mo ako matandaan, I don't care. Basta I will make you fall in love with me"
Kaya pala grabeng effort ang ginawa ni Rj para lang mapansin sya nito. Kahit na hindi interesado si Kaella, he's still so persistent.
"Im sorry Rj..."
"Its okay baby... Atleast, you're mine now" sagot ni Rj.
Hindi makasagot si Kaella. Paano nya sasabihin kay Rj ang lahat. Masasaktan nanaman nya ito. Pero kailangan nyang gawin ito, she has to endure everything, sya naman talaga ang may kasalanan.
"Rj..." hindi sya nakapagsalita dahil tumalikod ito
"Wait baby, I have something for you..." kinuha nito ang isang brown envelope.
"Here" inabot sa kanya ni Rj ang envelope. "Open it"
Kinakabahan syang buksan ang envelope. Pero ng mabuksan nya ito, she doesn't know what to do anymore. Isa itong title ng bahay.
"Kaella, this house is yours. I wanna give this to you as my ring. Marry me Kaella"
-----------------------------
There are some names na hindi tanggapin for dedications and I don't know why.
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...