Chapter 50
"Kuya Roger, okay na ba lahat?" tabong yan ni Gino sa isa sa PSG ni Mikay.
"Oo Gino, nacheck ko na yung sasakyan. At tumawag na yung mga assets natin, nacheck na nila yung dadaanan natin. Safe naman daw."
Ngayong araw ang punta nila sa Magsaysay for Kaella's Community exposure. Nagtatanong na kasi ang marami kung anu na faw ba ang project ni Kaella kaya kailangan nya ng magexpose sa isang Community. Magkakaroon doon ng feeding at medical mission.
Hindi nilabas sa media na kasama doon si Kaella dahil narin sa safety ng Presidential daughter. At mas minabuti nila na wag ng damihan ang convoy na sasakyan. Isang Starex Van lang ang sasakyan ng apat na SPG ni Mikay at yung Montero sports na sasakyan naman ni Gino at Mikay kasama ang isang SPG.
"Sir Gino, pinapatawag po kayo ng Presidente." yan ang secretary ng Presidente. At 'Sir' talaga ang tawag nito kay Gino.
Ayaw nya man magpatawag ng 'Sir' ay hindi nya naman maiwasan dahil anak narin ang turing sa kanya ng Presidente. Minsan nga iniisip nya na talo pa nya ang ibang kilalang tao sa bansa dahil sya kahit simpleng crew lang ng isang fastfood nakakausap nya ang Presidente hindi lang isang beses, kundi maraming beses, katulad ngayon.
"Come in, please" sagot ng Presidente ng magkatok si Gino sa office nito.
"Maupo ka," ginawa naman ni Gino ang utos nito.
"Sir, ready na lahat. Pati po ang assets sabi nila ay ligtas naman po ang daan, nagbabantay narin po sila doon"
"Good..."sagot nito "Gino, may ipapakiusap sana ako sayo. I know its too much na, pero susubukan po parin"
"Anu po yun?"
"Gino, magtrabaho ka sa akin."
"Po?"
"Alam kong its too much to ask... But right now, ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko na bantayan si Kaella. So why work for me para mas malapit kay sa anak ko.?"
"Ah... Maganda po offer nyo kayalang hindi ba ako nagiging abuso nyan?"
"No Gino! Hindi yun abuso,... Sa setting na ganito ako ang abuso."
Saglit na natahimik si Gino, nagiisip kung anu bang magiging desiyon nya. Medyo napipressure sya, hindi sa ayaw nyang alagaan si Mikay, alam nya namang yun lang ang gusto nya eh.. Ang kaligtasan ni Mikay.
"Sige po..."
"Kayalang may isa pang condition..."
-------------------------------
"Alam mo ba naiexcite ako na kinakabahan." sabi ni Mikay.
Isang oras na silang nagbabyahe, at ayon sa driver halos walong oras pa ang itatagal ng byahe nila. "Bakit naman?" tanong ni Gino
"Paano kung hindi ako gusto ng mga tao doon? Remmeber aling Rosa? She loves my father pero ayaw nya sa akin...."
"Alam mo wag mong isipin ang mga sasabihin ng tao, basta ikaw gawin mo lang ang tama"
"Paano ko naman gagawin yun kung lahat ng tao, they kept on judging me kahit na kahit papaano nagbago na ako? Ang hirap kaya"
Noong kelan lang kasi may bashers na si Kaella. Kahit may media control pa ang Papa nya wala din dahil mahirap kalabanin ang mga social networking. At kahit hindi masyadong nagreact si Kaella ng mabasa lahat ng yun, alam ni Gino na apektado sya. Nakikita nya iyon sa kilos ni Kaella, para bang paubos na ang self-esteem nya.
"Familiar ka ba sa kwento ng magasawa na pupunta sa bayan kasama ang kabayo nila?"
Napakunot noo si Mikay "Ano?"
Ngumiti si Gino "May mag-asawa na galing sa isang bario, nakasakay sila sa kabayo nila kasi pupunta sila ng bayan mamalengke"
"Anong connect sa pinaguusapan natin?"
"Makinig ka napang, para malaman mo" sagot nya at nagpatuloy sa pagkwento "nakasakay sila pareho sa kabayo ng madaan sila sa tatlong babae...."
"Sabi ng grupo ng mga babae., 'Ang yayabang naman nila, nakasakay pa talaga sila pareho sa kabayo nila"
"dahil doon, pinababa nalang ng lalaki ang asawa nya para sya nalang ang maghihila sa kabayo sakay ang asawa"
Mataman lang nakikinig si Mikay kahit hindi nya alam kung ano banah makukuha nya sa story na yun.
"habang nagpapatuloy sila sa paglalakad... May dalawang magasawa naman ang nakakita at sabi sa kanila 'Ano ba naman yang babae, masyadong ina-under ang asawa nya'"
"Dahil doon, bumaba ang asawa nya at ang asawa nalang ang pinasakay sa kabayo."
"Habang nagpapatuloy sila, may nadaanan nanaman sila ng mga tao at sabi 'Grabe naman ang sama ng lalaking yan, hindi gentleman.'"
"Alam mo ang ginawa nila?" tanong ni Gino kay Mikay.
"Ano?"
"Bumaba sila at naglakad nalang pareho at hinila ang kabayo,.. Pero may nadaanan sila ulit na mga tao..."
"Anu nanaman ang sinabi?" naiiritang sabi ni Mikay? Naiinis sya sa mga taong sige sa kabibigay ng comment.
"Sabi nila, ang bobo naman ng magasawa na 'to... May kabayo sila pero di nila ginagamit.."
"Hay naku, wala namang nangyari... Nagsayang lang ng oras ang magasawa."
Inaakbayan ni Gino si Mikay, "Ganyan din ang mangyayari sayo kapag lagi mong iniintindi ang sinasabi ng ibang tao... Magsasayang ka lang ng oras."
"Pero kasi...." magdadahilan pa sana si Mikay pero Gino cuts her.
"Iba iba ang isip ng tao, kaya iba iba din ang sinasabi nila against you, pero kung sila ang iisipin mo sa bawat kilos mo, walang mangyayari.... Kaya ikaw Mikay, wag mo na isipin yang mga negative comments laban sayo..."
Natahimik si Mikay but silently, natuto sya sa kwento ni Gino. Siguro nga kailangan nya talagang harapin ang lahat ng hindi iniisip ang mga sinasabi ng iba.
Sya ang anak ng Presidente, kaya she has to do what is right...
Matapos ang napakahabang byahe nila, narating din nila ang Magsaysay.
"Wow..."
Nagulat si Mikay sa nakita, parang may fiesta, at may nakadesign na welcome Kaella. Lumabas sya ng mau ngiti sa mukha, "Magandang gabi po" bati ni Kaella.
"Naku Mam Welcome po sa Magsaysay... Sana magustuhan nyo po ang pag stay nyo dito, ako nga po pala si Susan, ako po ang Community worker dito.."
"Hello Mam Susan, naku mukhang magienjoy po ako dito."sagot ni Mikay "Ay, kasama ko po pala si Gino, my boyfriend"
"Magandang gabi po sa inyo..." kinamayan ni Gino si Mam Susan binati rin sya nito...
"Halika na po at kumain, naghanda ang lahat para sa pag dating ninyo..."
"Wow! Nagabala pa pa po kayo.." sagot ni Mikay habang naglalakad sila papunta sa kainan,
"Syempre naman po, bihira lang kami bisitahin ng mga katulad nyo dito. Matagal narin po kasi naming nahihiling na mabisita dito para marinug ang mga kahilingan namin, at kayo lang po ang nagbigay ng panahon sa amin"
Matapos marinig yun ni Kaella, naisip nya na hindi lang sya basta anak ng Presidente, may magagawa sya na pwedeng magbigay ng pagbabago, may pwede syang gawing bagay na pwede syang magpapasaya. Hinawalan nya si Gino sa kamay at bumulong "Salamat sa story, I've learned a lot"
--------------------
Sensya hindi madami UDs, so busy with my summer fun. hahaha Sakto nasa farming experience ako today. hahaha
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...