Chapter 42

21.3K 242 20
                                    

Chapter 42

AWKWARD! Yan ang scenarion ngayon ni Gino and Jao. Walang silang alam where to start, hindi naman kasi sila magkaibigan. Plus the tension between them.

At anu nga bang ginagawa ng mga lalaki kapag nasa mall? Hindi nila alam.

"Dito na tayo?" tanong ni Jao.

"Oo," sagot ni Gino.

Nakakahiya sa usapan nila, minsan na nga lang napakaikli pa. Pero okay na yun kesa wala; in the absence kasi ng paguusap para silang walking zombie.

"Basketball?" yaya ni Jao.

Tumango naman si Gino. He smirk at the back of his mind. Kung forte kasi ang paguusapan, basketball agad ang kay Gino.

The game started after nilang malagay ang token nila. Both of them are serious as if they'll be having a league.

Nang magsimula na ang time nila. Para silang nasa judgment day during the game.

Jao/Gino

0-1

0-2

1-2

2-2

2-3

3-4

Matapos ang isang minuto, nagstretch pa si Gino. Syempre he has a reason to be proud, nanalo sya eh. Yun siguro ang maganda kapag araw-araw kang na-igib. Lumalakas ang braso mo.

"Nice one bro.." sabi ni Jao "One more game.." yaya pa ni Jao.

Nagsimula nanaman ang laro.

Jao/Gino

0-1

1-2

2-2

3-2

4-3

4-4

5-4

Napakamot ng ulo si Gino habang si Jao napangiti. Malamang sya ang panalo. "Nice game bro.. Isa pa" ginaya ni Gino ang sinabi ni Jao kanina.

The gane started all over again. Nanalo ulit si Jao, pero sa last two games nila si Gino ang nanalo. Maglalaro pa sana sila ng may kumalabit sa kanila.

Napalingon silang pareho pero agad ding napababa ang tingin nila dahil isang bata pala ang kumalabit. Approximately 9 years old ang mga ito. "Kuya kami nanaman, kanina pa kayo dyan"

Natawa si Jao dahil mukha talagang nagmamakaawa yung bata. "Aw, sorry lang boy" sagot naman ni Gino.

Ngayon naman, sila ang cheerer ng dalawang bata na naglalaro ng basketball. Pati mga remaining tokens nila binigay nila sa mga bata.

Tawa lang sila ng tawa dahil kung kanina mahigpit ang laban nilang dalawa, ngayon mahigpit din but the opposite, nahihirapan silang makakuha kahit one point lang.

"Pagod na kami kuya," reklamo ng isa.

"Pagod ka na agad? Tatlong game palang ah" natatawang sagot ni Gino.

"Eh ang hirap makashoot eh..."

"Sige na, sige na... Kapag malaki na kayo, makakashoot din kayo. At magpatangkad kaso kayo" sagot ni Jao.

"Ang tagal nga naming tumangkad" with full emotion na sabi ng isa pang bata.

Ginulo lang ni Gino ang buhok nito, "Tatangkad ka rin..."

"Kumain muna tayo, napagod ako kakatawa sa inyo eh" singit ni Jao.

"Wow!! Kakain tayo, ililibre tayo ni Kuya Jao." sigaw ni Gino na nakipag apir pa sa mga bata. Sinabi nya yun para di sya ang sumagot sa pagkain ng mga bata.

Natawa si Jao "Oh sige na, ako na manlilibre."

Dinala nila ang mga bata sa Jollibee, doon kasi ang gusto nito. Pinakain lang nila ng burger, sundae and drinks.

"Kain lang kayo... Ubusin nyo yan bago kayo umuwi." sabi ni Jao. Si Gino naman magana din kumakain.

Hindi nagtagal, umalis narin ang dalawang bata. "May isang oras pa tayo maghintay eh,"

"Ang tagal naman..."sagot ni Gino.

"Dapat pala hindi muna natin pinauwi yung mga bata, mas masaya kapag andito sila" dugtong ni Gino.

Pareho lang silang nakatingin sa taong naglalakad sa labas habang naguusap "Gusto ko din magkapatid"

Doon napalingon si Gino kay Jao. "W-wala ka bang kapatid?"

"Wala eh,. Lungkot nga eh"

"Jao, diba may balita tungkol sa Papa mo na may,.. Na may anak sya sa labas?"

"Ah yun?" Jao paused for second. "Alam mo bang yun ang reason why me and Areeyah broke up?"

Hindi sya nakasagot sa sinabi ni Jao. Para narin kasi nitong sinabi nya sya ang dahilan bakit di na sila ngayon.

"Umamin si Papa sa amin, and hindi natanggap ni Mama kaya we have to leave. Ayun, Areeyah broke up with me"

"May gusto ka pa ba kay Mikay?"

Napatingin si Jao kay Gino, "Wala na bro. Ikaw? May gusto ka pa ba kay Julia, diba nanligaw ka sa kanya?"

"Wala na,. Matagal na"

Tumango tango si Jao "Good! Kasi kung meron pa naku, kanina pa kita nabugbog"

Natawa nalang si Gino. Setled na ang feeling nila with their girlfriends. Wala na syang dapat ikaselos, maliban sa isang bagay.

"Ah Jao, diba gusto mo magkakapatid? Eh paano kung makilala mo yung half brother mo?"

Medyo napaisip saglit si Jao bago nagsalita "Gusto ko syang makilala, hindi ko sya pwedeng idamay sa sama ng loob ko sa Papa ko"

Hindi na sumagot si Gino. Sa mga Alvarez na nakilala nya simula sa Papa nya hanggang sa nga Lola at Lolo, lahat sila hindi tinanggap si Gino. Si Jao lang ang naiba sa kanilang lahat.

"Teka," biglang sabi ni Jao. "Alam mo magaling ka sa basketball,. Kapag nanalo si Paoa and Tito Alberto, may thanksgiving league. Sama ka."

"Nakakahiya, hindi naman ako professional na player."

"Ako din naman, atsaka friendly game lang yun." Sagot ni Jao.

"sige, kapag wala akong trabaho."

Matapos nilang tumambay sa Jollibee ay sinundo na nila ang mga girlfriends nila.

Umuwi narin sila pagkatapos. Si Gino sumama sa bahay nila Mikay, doon nalang daw nuna ito para maidate nya rin si Mikay.

Nasa garden sila ngayon at si Gino tahimik lang pero bakas sa mukha nito ang saya. He made a decision na he will be friends with Jao. Hindi naman siguro masama yun na gawin lalo na at kapatid nya ito. Hindi naman kailangan na sabihing magkapatid bago sila magkasundo. At alam nyang matutuwa si Mikay doon.

"Anung iniisip mo?" tanong ni Mikay na nakasandal sa balikat ni Gino.

Napalingon si Gino kay Mikay "Ha? Ako? Iniisip ko yung crush ko, sarap sa feeling na..."

Hindi pa tapos magsalita si Gino tumayo na si Mikay "Umuwi ka na Gino bago pa ako makipagbreak sayo"

"Break agad?" tanong ni Gino.

"Yes., iniisip mo yung crush mo.. Sino ba yan? Si Julia?" tanong ni Mikay na halatang badtrip na.

Ngumiti si Gino ng nakakasar kay Mikay "Uy, selos..."

"Shut up Gino, hindi ka nakakatuwa."

He carefully reach for his arms para yakapin from the back "Patapusin mo muna ako bago ka magselos dyan"

"Aba gusto mo pa talaga iparinig sa akin yun ha..." Nagtangka pa si Mikay na kumawala.

"Oo naman..." sagot nya "itutuloy ko na ha, wag kang sasabat. Ako muna."

Hindi naman umimik si Mikay "Iniisip ko yung crush ko, ang sarap sa feeling na,.." iniharap nya muna si Mikay sa kanya at harapang sinabi.

"..yung feeling na crush na crush mo parin sya, KAHIT GIRLFRIEND MO NA SYA."

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon