CHAPTER 6
"That man is crazy!! Grrrr, nakakainis!!"
Nasa kwarto na si Mikay. Inis na inis sya sa lalaking nasa kabilang kwarto- at si Gino yun. Paano ba naman, natumba na nga sila, nakipagtitigan pa sa isat-isa...
"Dami talagang manyak sa lugar na 'to!!" sigaw nya. Alam naman nyang narinig ito ni Gino na nasa kabilang kwarto din.
"Hoy, hindi ako manyak no? Ikaw kaya ang dumagan sa akin... At parang hahalikan mo na nga ako" pangaasar pa ni Gino
"Ang kapal ng mukha mo!! Eh ikaw din nga..." at ibinato ang lotion na hawak sa dingding na pagitan ng kwarto nilang dalawa.
Hindi nya naman hahalikan eh, hindi nya lang alam bakit parang napatingin sya sa labi nito. Ang ganda kasi ng lips nya eh...
Nanahimik nalang sila pareho. Sa magkabilang kwarto. Ayaw na nyang makipagtalo pa kay Gino,.
-------------------------
Hindi mapakali si Gino. Nahihiya sya sa nangyari. Alam naman nyang hindi sinasadya yun ni Mikay, pero hindi nya alam bakit hindi pa sya tumayo agad, ganun din si Mikay.
Dati kapag nanonood sya sa tv, nakocornyhan sya sa mga eksenang ganun. Magkakatitigan, na parang slow motion lahat. Pero ngayong nanyari sa kanya ang ang ganung eksena, totoo pala yun. Lalo na kung napaka ganda ng babaeng katitigan mo.
99% ng meron si Mikay ay ayaw ni Gino. Walang alam sa totoong buhay, puro kaartihan, pasaway, suplada, walang galang, isa lang ang nakita nyang maganda rito. Ang mukha nya.
"Hay, wag ka papadala sa ganda ng babaeng yan, inaakit ka lang nyan..." sabi nya sa sarili nya. Iniisip nya na sa ugali nito, mukhang marami na itong naging boyfriend. Baka nga papalit palit lang ito.
Napag isipan nyang matulog muna, tutal may duty pa sya mamayang gabi.
-------------------------------
"Oh Iha, gising ka na pala..." bati sa kanya ni Aling Belen. "Kinuha ko na at itinupi ang sinampay mo kasi gumagabi na..."
"Salamat po..." Umiinat inat pa si Mikay dahil kagigising nya lang talaga. Madilim na, alas syete na ng gabi. Pero parang may naamoy na masarap na pagkain si Mikay.
"hello Nay," bati naman ni Gino na kakalabas lang ng kwarto. Nang marinig naman yun ni Mikay ay walang lingon lingon na naglakad patungo sa kusina para maghilamos.
"Wow nay, nagluto ka ng adobo..." masayang sabi ni Gino ng maamoy ang niluluto ng Nanay.
"Oo anak., nagbigay kasi ng dagdag na bayad si Mrs. Santos kaya nakabili ako ng manok, kaya halika na kayo at kumain..." yaya ni Aling Belen.
Lumabas na ng kusina si Mikay at pumunta agad sa mesa. Pero nagkasalubungan sila ni Gino. Nagkatinginan, at agad din nagiwasan.
Kumakain na sila ngayon,. And take note, tahimik silang kumakain na ipinagtataka ni Aling Belen.
"May nangyari ba sa inyong dalawa?"
"WALA PO!!!" sabay pa nilang sabi na halatang guilty. May tinatago. Natawa nalang si Aling Belen.
"Ang tahimik nyo kasi?"
"Wala naman kasing paguusapan" sagot ni Mikay
"Kayo talagang mga bata kayo.." pailing iling na sabi ni Aling Belen. "Sya nga pala Mikay, humihinge ng pasensya si Hilda sa nangyari kanina... Ikaw naman kasi Gino, bakit iniwan mo sa labas si Mikay."
Nagtaka si Gino sa sinabi ng Nanay nya "Bakit? anong nangyari?"
Hindi umimik si Mikay. Alam nyang dahil yun kay Mang Tonyo. "Alam mo Gino, nabastos ata ni Tonyo si Mikay. Alam mo naman yung lalaking yun laging lasing."
Napatingin si Gino kay Mikay dahil sa nalamang balita. "Bakit hindi mo sinabi?"
"Eh paano ko sasabihin kung,.." napahinto si Mikay, ano bang sasabihin nya? Na hindi nya nasabi iyon dahil nadama sya at bumagsak sya sa katawan ni Gino at nagkatitigan sila,.
Binaba ni Gino ang kubyertos "Dapat mapagsabihan yan si Mang Tonyo eh..." bago lumabas. Pero pinigilan sya ni Nanay Belen.
"Anak, walang away ha... Pagsabihan mo lang.. At respeto, mas matanda parin sayo si Tonyo" tumango naman si Gino at lumabas. Si Mikay naman hindi makapaniwala sa ginawa ng binata. Hindi nya mapigilan na sumilip sa bintana kung saan kita ang bahay nilang mang Tonyo.
"Mang Tonyo hindi naman pwedeng idadahilan nyong lasing kayo... Babae po si Mikay, at hindi po ako papayag na mabastos nalang sya ng kahit sino dito..."
She felt the warmth of being protected dahil sa sinabi ni Gino. Ngayon lang sya nakaranas na ipagtanggol ng lalaki, ngayon lang sya nakaranas na binigyan sya ng respeto. Hindi nya mapigilan na mapangiti...
"Ganyan talaga ang anak kong yan, ayaw ng naaagrabyado ang mga babae. May pagkamasungit pero mapagmahal yan"
"Aling Belen, ilang taon na po ba si Gino?" tanong ni Mikay, hindi nya alam bakit natanong nya ito. Pero parang naging interesado sya sa lahat ng meron si Gino.
"18, malapit na yan mag-19. Sayang nga eh, sana ngayon College na sya. Kayalang wala talaga kaming pera eh. Sya ang nagpaaral sa sarili nya ng dalawang taon sa highschool. Sumasideline sa McDo yan, nang makatapos ayun, itinuloy nalang ang trabaho. Di kasi talaga kakayanin ng kita naming pareho eh.."
Napatingin sya ulit sa baba na kinaroroonan ni Gino. Kita nya ang respeto na binibigay sa kanya ng mga tao sa lugar nila kahit alam nilang bata pa ito. Hindi nya maiwasang hindi humanga sa binata.
Ngumiti si Mikay. Yun ang unang ngiti na binigay nya kay Aling Belen na ikinagulat ng matanda "Ako na po maghuhugas..."
"Ha? Naku Iha wag na... Baka hindi ka sanay.,"
"Pinahugas na po ako ni Gino kanina, napagalitan lang dahil naubos ko ang tubig... Pero nagawa ko pa naman po, baka unting practice kaya na."
Ngumiti si Aling Belen "Si Gino talaga... Oh sige, tutulungan nalang kita para alam mo na talaga ang gagawin"
--------------------------
"Gino pasensya na talaga at may hindi maganda akong nagawa sa nobya mo ha...." sabi ni Mang Tonyo
Nobya? Napangiti sya sa isip nya. Pero bakit?
"Hindi ko po nobya si Mikay, pansamantalang lang sya sa bahay, kaya po kargo namin yan kapag may nangyari," paliwanag ni Gino
"Hindi na talaga uulit... Nagkasarapan lang talaga kami ng inuman kaya ayun naparami... Nadamay pa bisita mo" paliwanag nito.
"Mang Tonyo naman, tanghalaing tapat naman kasi kayo umiinom. At hinay hinay lang, diba naOspital na nga kayo noong nakaraang taon?"
Si Gino, kahit masungit, maasahan ng kahit sino kapag dating ng araw. Kaya nga nakuha nya ang respeto ng mga kalugar nya eh. Lalo na ng maging SK President ito, kaya lang nagresign na sya bago pa matapos ang term nya.
"Sige Mang Tonyo, salamat ho... Aling Hilda, mauna na po ako..."
Nang makapasok si Gino sa bahay, nakita nya si Mikay na nagpupunas ng mesa. Natuwa naman sya sa nakita.
"Oh Gino nakausap mo na ba si Tonyo..." tanong ni Aling Belen
"Opo Nay,. Nakapagusap na po kami...." sagot ni Gino. Si Mikay naman patuloy parin sa paglilinis.
Makalipas ang isang oras, nasa kwarto lang si Mikay. Si Gino naman busy sa pagahanda papuntang trabaho. Alas dyes kasi ang pasok nya sa fastfood.
Tulog na ang Nanay nya. Kaya hindi na sya nagpaalam, alam narin naman nito na sa trabaho sya pupunta. Binuksan nya ang pinto ng kwarto nya, nagulat pa sya dahil halos sabay nyang nagbukas ng pinto si Mikay.
Hindi sila nagpansinan, si Mikay kumuha ng baso at uminom ng tubig. Si Gino naman humarap sa salamin. Marapos uminom ni Mikay ay pumunta na ito sa kanyang kwarto, pero bago sya tuluyang pumasok....
"Ingat ka..."
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...