Chapter 32
"Oh Gino, anu pang ginagawa mo dyan?" tanong ni Mam Vicky sa kanya.
"Hinihintay ko si Mikay, malapit na daw sya" nasa bahay sila ng in laws ni Bianca. Ngayon na kasi sila ikakasal.
"Wow, talaga lang ha... Pupunta pala talaga sya"
"Oo naman..."
Mahirap maging boyfriend ng isang Areeyah Mikaella Madrigal. Maraming mga hindi inaasahang bagay ang mangyayari, mga bagay na pwedeng makapagpahina sayo at makapagpadisappoint sayo. Pero mas pinili ni Gino magpakatatag, dahil nakikita nya kung paano magpakatatag si Mikay para sa kanya.
Sa setting nila na kailangan nilang ilihim ang relasyon nila? Ni minsan hindi nya naramdaman na nakalimutan sya ni Mikay. Nagiging totoo si Mikay sa pinapangako nya, kaya bakit sya susuko kung may isang taong pinaglalaban sya, at yun ang babaeng mahal nya.
Napangiti sya ng makita ang sasakyan na alam nyang si Mikay ang nakasakay. Nang huminto ito sa harap nya at nakita ang girlfriend... Ang MAGANDA nyang girlfriend pala.
Sinalubong nya ito para halikan sa noo "Ang ganda naman ng Princesa ko..."
"Nambola pa... Teka, am I late?" medyo pressured si Mikay sa kasal na to. Hindi nya kasi alam kung paano ba sya makikipag interact sa mga kaibigan ni Gino. Baka kasi hindi sya magustuhan.
"Excited silang makilala ka, kaya wag ka mag-alala." sabi ni Gino.
"Ganun ba? Paano kung madisappoint sila?"
"Anu ka ba Mikay, ganda mo palang matatahimik na sila." napailing nalang si Mikay. " atsaka, be yourself lang"
Napangiti si Mikay, at hinawakan ang pisngi ni Gino "Napapa english nanaman ang boyfriend ko."
"Marunong naman ako magenglish eh, hindi nga lang pang matagalan." nagkatawanan nalang sila. "Lika na, pasok na tayo."
Tumango naman si Mikay at hawak kamay silang pumunta sa garden. Nang marating nila ang munting garden kung saan gaganapin ang kasal, tahimik silang nakatingin sa dalawa. Kaya nakaramdam si Mikay ng pressure pa.
"Andyan na pala kayo, malapit na magsimula." singit ni Mam Vicky para mawala ang awkward moments "Mik-" hindi alam ni Mam Vicky ang itatawag dito.
"Kaella..." pakilala ni Mikay with a smile.
Napatingin naman si Mam Vicky kay Gino bago agad bumaling kay Mikay "Buti nakarating ka."
"Oonga eh, and sorry kung nalate ako." sagot nya.
"Naku Ok lang yan, ang mahalaga nakarating ka. Yang si Gino kanina ka pa hinihintay, patay na patay talaga sayo."
Tumingin lang si Mikay kay Gino bago kumapit sa braso nito "Oonga eh."
Nagpareact naman agad si Gino "Hindi rin kaya..." pagdeny nya.
"Weh? Di nga?" nagulat si Gino at hindi lang si Mam Vicky ang nagreact, maging ang ibang nakarinig.
Nagtawanan naman silang lahat "Naku kung makareact.," bulong ni Gino.
"Hay naku, mamaya na yan. Let's start na., ready na daw si Bianca."
Matapos ang ilang minuto, nagsimula na ang seremonya ng kasal. Judge lang ang magkakasal sa kanila, dahil na rin yun sa kagustuhan ng magpapakasal.
Nagsisimula na ang Judge sa pagsasalita. Pinapaalala nito ang kahalagahan ng kasal. Lalo na at mga bata pa ang nagpapakasal.
"Ibat-ibang views ang maririnig natin patungkol sa kasal. Bakit ka nga ba nagpapakasal?" simula ng Judge.
"Yung iba sabi nila, 'magpapakasal ako, para may katuwang na ako sa buhay' naisip ko, kung yun ang dahilan mo, kawawa naman ang partner mo, para lang katulong ang dating eh" nagtawanan naman ang mga nakikinig.
"Sabi naman ng iba... 'Kailangan na naming magpakasal, tinamaan na talaga kami ng pana ni Kupido eh' naisip ko, eh paano kapag sa kalagitnaan ng pagsasama mo, hindi pala si kupido ang nakapana si STUPIDO pala." nagtawanan ulit sila.
"Ibat-ibang dahilan ang meron sa mundong ito. At ang pinaka buod ng lahat, iniisip ng marami ang kasal ang kasagutan ng gulo at problema. Naku mali yun.. Dahil ang totoo marriage can complicate things, why?"
"Nagkasama kayo sa isang bahay, nakita mo ang tamad pala ng misis mo. Hindi marunong maglaba, hindi marunong maghugas ng plato, ni tamang pagsampay hindi alam..." nagkatinginan si Gino at Mikay. At si Gino ay may mapangasar na ngiti.
"Aba, nakakainis tapaga yun, lalo na sa ating mga lalaki" dugtong ng Judge. Gino leaned forward at bumulong kay Mikay "Ilag-ilag din Mikay, sapul na sapul ka.na oh" pigil na napa aray si Gino dahil sa kurot ni Mikay.
"Minsan naman, tayong mga lalaki. Dahil kailangan lalaking lalaki, kaya talagang sinasamantala natin ang pagiging commanding in chief natin sa bahay, utos dito utos dyan, and malala, reklamo dyan reklamo dito." tumawa naman ang mgalalaki. Marahil nakarelate.
Ginaya ni Mikay si Gino at bumulong din kay Gino "Ilag-ilag din Gino, nabulls eye ka na ah"
Masaya ang maikling sermon ng Judge. Pero sa kabila ng tawanan, may natutunan si Gino sa lahat ng narinig. Yun ay "Noong araw na sinabi mong mahal mo sya, para mo naring sinabi na pati lahat ng mali sayo tanggap ko. Kaya hanggang huli, lalaban tayo."
Masayang kumakain ang lahat, nasa iisang table lang sila maliban sa bagong kasal. "Si Gino wagas makatawa kanina eh, akala mo sya ang ikakasal" pagpapaalala ni Mam Vicky, nagtawanan naman sila.
"Hahaha, wala, may naalala at naisip lang ako." sagot nya.
"Alam mo Kaella, hindi ko alam paano ka napasagot nito eh. Sa sungit nito?"
Natawa si Mikay "Oonga eh, hindi ko rin alam eh" pagsakay nya sa biruan. Hinawakan naman sya sa kamay ni Gino at nagsalita "Ang sabihin mo, mahal na mahal mo talaga ako"
Ngumiti lang si Mikay. Na parang nagaagree sya sa sinabi ni Gino. "Whoo Gino"singit ni Romeo.
"Nakita mo na ba yan nagalit Kaella? Naku, baka hiwalayan mo yan" napailing nalang si Gino habang tumatawa silang lahat.
"Lalo na pag yung Papa nya ang dahilan." tuloy pa ni Romeo na parang saglit na nakapagpatigil kay Gino. Napalingon sya kay Gino "Papa mo?"
Naramdaman ng marami ang ikinilos ni Gino kaya sumingit na agad si Romeo "ah dati pa naman yun Mikay. Ahm.., halika papicture tayo kela Bianx."
Parang bula na unti unting nawala ang mga kaibigan ni Gino. Hindi rin umimik si Mikay, gusto nya rin malaman ang ibang side ni Gino, pero everytime na susubukan nya, nagiging resistant si Gino.
"Halika Mikay, sama tayo doon." nagpahila nalang rin si Mikay. Minsan kasi kapag ipipilit nya pa, parang nagiging dahilan lang ito ng di nila pagkakaintindihan.
Pero araw araw, nagiging isang malaking palaisipan.ang nakaraan ni Gino. Anung meron sa past na bakit ayaw nyang malaman nya ito. Anung meron sa past that really broke his heart?
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...