Chapter 30

26K 236 18
                                    

Chapter 30

"Gino it's never my intention na ganito ang first meeting natin as my daughter's first boyfriend."

Kasalukuyang naguusap si Gino at si Sen. Alberto sa dining table. Naghahanda si Kaella ng desert sa kitchen. After kasi ng meeting ng kapartido ng Papa nito ay kumain na silang tatlo katulad ng napagplanuhan

"Ako din po Sir,.." simpleng sagot ni Gino na halatang naiintimidate. Its been a long time since he had experience the presence of father beside him. Kaya medyo alangan sya na ang Ama ng girlfriend nya ay ngayon ay kausap nya.

"And I thank you for being man enough na pumayag sa usapan natin"

"Kung para po sa ikakabuti ni Mikay, gagawin ko po lahat."

Ngumiti si Senator "You are really a matured man ha, bihira yan sa mga age group nyo lalo na kapag ang usapan ay pag-ibig"

"Mahal ko lang po talaga ang anak nyo" sagot ni Gino na bahagyang nakangiti.

Sa lahat ng napag daanan ni Gino since he was 9 years old, siguro sapat na yun para kahit pano ay maging matured sya.

"You know what? The last time na nalaman ko na yang anak ko na may boyfriend? Kakalabas nya lang sa presinto," medyo natatawang sabi ni Senator

"But right now, ngayon lang sya pormal na nagpakilala ng boyfriend nya and I am so happy with that."

Masaya si Gino sa narinig, maayos kasi ang pakikitungo sa kanya ng Papa ng girlfriend nya, kahit na una palang nachallenge na ang relationship nila.

"Senator..." tawag ni Gino pero pinutol iyon ni Alberto

"Call me Tito Alberto or Tito... Awkward na nandito tayo sa bahay Senator parin ang pag adress mo sa akin..."medyo natawa sila pareho

"ahm.. Sige po." medyo naiilang sya sa 'Tito' pero dapat nyang gawin

"Tito" medyo alangang tawag ni Gino "...pwede ko po ba bisitahin dito si Mikay?" napatingin para bangan ang reaction nito, pero nagulat sya sa sumunod na tinanong nito.

"Mikay talaga ang tawag mo sa kanya?" sabi ni Alberto na bakas ang amusement. "Pa, yun talaga ang napansin mo hindi yung question ni Gino?"

"Hindi lang ako sanay na 'Mikay' ang name mo" natatawang sabi pa ng Papa nya.

"Opo,. Gawa-gawa lang po nung nasa bahay pa sya..." paliwanag ni Gino. "

"I can imagine kung paano tumutol si Kaella sa bagong pet name na yan" natatawang sabi ni Alberto "...anyway, you can visit her anytime, basta Gino..."

Medyo kinabahan si Gino sa boses ni Senator, hindi naman ito mukhang galit pero bakas ang pagkaseryoso "I entrusted to you my daughter, don't dare to fail me"

"Pangako po, si Mikay lang po ang mamahalin ko"

*****

"I'm glad we survived this day..." sabi ni Mikay habang magkahawak kamay silang naglalakad, ihahatid na nya si Gino sa gate and because they're madly inlove with each other umupo muna sila sa sa garden.

"Parang ang haba ng araw na to no?" komento naman ni Gino.

"Oonga, sobrang daming nangyari." Sagot ni Kaella, "But I'm glad na maayos naman ang first meeting nyo ni Papa. He likes you."

Ngumiti si Gino, "Pakiramdam ko pasado ako ngayong araw. At alam mo ang challenge? Dapat lagi akong pasado- araw-araw; hindi lang dapat maintaining grade, dapat lumelevel up."

Natawa si Mikay "Alam mo iba ka talaga mag-isip minsan no? Mga banat mo kakaiba."

Natawa rin si Gino "Nag-aaral kasi ako ng mabuti noong nagaaral pa ako, di tulad mo" pangaasar pa ni Gino.

Nahampas sya ni Mikay "Ang yabang nito... Papasok na kaya ako this coming school year and I will show you the real Mikaella."

"Aba, aba... Nagyabang pa ang mahal kong Princesa," Inakbayan naman sya ni Gino "Pero andito lang ako para susuportahan kita"

"Dapat lang..." sagot ni Mikay bago yumakap sa bewang ni Gino "Ikaw? Wala ka bang balak magaral ulit?"

"May balak ako, pero hindi ko sigurado kung ngayong pasukan na."

"Diba in coming College ka na? Anung course ang gusto mo?"

"Pangarap ko maging Architech. Gusto ko ako ang magdedesign ng mga bahay ng bubumuo ng masayang pamilya."

Napaisip si Mikay "Mag engineer rin kaya ako? Para love team ang course natin."

Natawa si Gino, he pointed her nose with his pointed finger "Ikaw, pag pumili ka ng kurso, hindi dapat ako ang magiging basihan mo. Dapat kung anong laman ng puso mo"

"Eh ikaw kaya ang laman ng puso ko...." natawa si Gino sa narinig.

"Ikaw dinadaan mo ako sa banat mo ha." malambing na sabi ni Gino "... ang ibig kong sabihin, kung anu ang gusto mong gawin sa buhay, yung kung nasaan ba ang passion mo. Yun ang gawin mong basihan"

Medyo napaisip si Mikay "Parang wala naman akong gustong gawin"

Ngayon lang kasi pumasok sa isip ni Mikay na magkaroon ng pangarap, pero hindi nya alam saan ba sya may passion. Sa kaartihan at pagrerebelde kasi ang passion nya dati.

"Malalaman mo rin yan,..."

Bahagya silang natahimik. Pareho silang nakatingin sa malayo. Marahil parehong may ibang iniisip. Common ang ganitong scenario sa kanilang dalawa, matatahimik sila na parang ang layo ng iniisip in the middle of their conversation.

"9pm na pala, kailangan ko ng umuwi...." paalam ni Gino

"ah sige, hatid na kita sa gate."

Tahimik na naglakad ang dalawa habang magkaholding hands. Hindi mawala sa isip ni Mikay ang naging reaction ni Gino while he is asking Mikay not to leave him. Unti unti nyang nakita ang weakness ni Gino. Was it because of his family? Ano ba kasi ang nangyari sa totoong pamilya ni Gino? Hindi nya alam, hindi naman ito nababanggit ni Gino.

Mikay cleared her throat after a minutes of silence, sakto nasa tapat na sila ng gate "Gino?"

"Hhmmm?"

"Wag kang matakot na iiwanan kita or magmamahal ako ng iba. That will never happen."

Nakangiting tumingin si Gino sa harap ni Mikay "Sapat na sa akin yang pangako na yan Mikay."

Its like a magnet kung paanu unti unting lumapit ang mukha ni Gino kay Mikay. And with the anticipation she closes her eyes,...

This will be her first kiss. With Migs kasi iniisip nila na masyado pa silang bata pa sila. But right now she's ver much happy na kay Gino ang magiging first kiss nya.

Naramdaman nyang lumapat ang mga labi nito.... sa kanyang pisngi. Kaya napamulat sya at itinago ang pagkadismaya. Pero parang nahalata parin ito ni Gino dahil bahagya itong natawa.

"True love waits daw... Kaya nga hanggang cheeks lang ako habang minor ka palang."

For more info you can reach me through the following account:

Twitter: @agentofsmile

Facebook: agentofsmile@gmail.com

Instagram: @agentofsmile

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon