Chapter 64

17.7K 186 51
                                    

Chapter 64

"Kaella?"

Kumakatok ang Papa nya. Pero hindi nya ito pinapansin. Ayaw nya ng kausap, ayaw nya ng kahit ano, hindi nya kailangan ang kahit sino ngayon.

"Kaella ngayon na ang last night ng funeral..."

Tinakpan nya ang tenga nya. She doesn't want to hear anything about funeral, death lalo na when it comes to Gino.

Its been three days simula ng nangyari lahat yun, pero hindi sya makausad. She doesn't know how... Lalo na at hindi nya matangap ang katotohanan.

In three days na lamay ay hindi man lang sya pumunta, kahit na nung nakita ang katawan ni Gino, hindi nya kayang tingnan ito. From that moment, naging distant sya sa mga tao, kahit sa Papa nya.

"Kaella, if you wanna go, you can ask Mang Romeo para ihatid ka sa Masantol."

Almost ten years ago, she lost her Mom and now three days ago she lost the love of her life? Bakit kailangan mangyari sa kanya ito? Pwede bang panaginip nalang lahat?

Naramdaman nyang umalis na ang Papa nya. Her father is a different now, unlike before when they lost her Mom, he never comforted her, maybe dahil sya nawalan din.

But right now, hands on ang Papa nya sa pagaalaga sa kanya. Kayalang kahit andyan ang Papa nya, andyan ang mga kaibigan nya, at iba pang nagmamahal sa kanya. Lahat sila hindi mapunuan yung pangungulila nya kay Gino.

"Why too soon Gino?" yan nalang ang nasabi nya sa hawak nyang picture ni Gino.

----------------------------

"Mr. President, nagsalita na po ang isa sa mga suspect... And positive na rebelde nga ang may gawa nito."

Naguusap ngayon ang Presidente at ang Vice President kasama ang General ng mga Pulis.

"Nangvdahil sa akin nadamay pa ang isang binata na... Na may pangarap pa sa buhay" yun nalang ang nasabi ni Mr. President.

Madaling napagtakpan ni Henry kagagawan nya. Lahat ng ebidensya ay nasisi sa mga rebelde. Lalo na ngayon ay vocal ang mga rebelde sa galit nila sa Presidente dahil sa pagkakapatay ng isa nilang kasamahan mga ilang buwan lang ang nakalipas.

"Ikulong nyo ang dapat ikulong..." sabi ni Henry.

-----------------------

"Pangako Mikay, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko"

Napangiti sya sa sinabi ni Gino, at dahan dahan nyang naramdaman na lumapat ang mga labi ni Gino sa labi nya.

She felt love

She felt security

She felt completeness...

Pero bigla syang nagising, panaginip lang pala ang lahat...

"Gino..."

Kahit parang wala na syang lakas para umiyak, ramdam nya parin na hindi lang mata nya ang umiiyak, pati ang puso nya.

Hindi ba pwedeng ito nalang ang panaginip? Hindi ba pwedeng hindi nalang ito nangyari?

Nanginginig syang tumayo at nagbihis. Pupunta sya sa Masantol. Haharapin nya ang dapat harapin.

Pero nagulat sya ng dalawa sa body guards nya ang natatarantang pumunta sa kwarto nya.

"Mam Kaella?! Ayos lang po ba kayo?" nagtaka si Mikay sa tinanong ng mga ito. Anung meron?

"Sorry Mam, akala ko po kasi napasok tayo. Nabago po kasi ang setting ng CCTV Camera."

"Jomar, baka naman ikaw din ang nakabago ng setting di mo lang alam, inisturbo mo pa si Mam"

Hindi na pinansin ni Mikay ang mga sinabi ng mga ito. "Paki sabi kay Mang Romeo aalis kami,"

Sumunod naman agad ang mga ito. Alam ni Kaella na medyo natatakot ulit ang mga ito sa kanya dahil halos tatlong araw din nyang tinatarayan ang kahit sino sa bahay nila.

Habang nasa sasakyan, nanlalamig ang kamay nya lalo at nalaman nya na malapit na sila sa bahay nila Gino. Nang makita nya ang maraming nakapark na sasakyan, hindi na nya alam ang gagawin nya.

It took her 15 minutes bago sya bumaba. Habang naglalakad sya, halos hindi nya maihakbang ang mga paa dahil sa panginginig. Nang makita na nya ang bahay nila Gino sa kalayuan, nakita nya na maraming tao dito, may ilaw na ginagamit lang sa mga funeral,

Hindi nya alam kung bakit di nya kinaya, basta ang alam nya lang hindi nya kayang makita si Gino sa sitwasyon nya ngayon.

"Kaella?" napalingon sya sa likod nya. Si Mam Vicky ito ang dating katrabaho ni Gino.

Mas lalo syang naiyak kaya niyakap nalang sya nito. "Hindi ko kayang makita si Gino..."

"Kaella, lahat tayo hindi kayang makita si Gino sa ganoong sitwasyon. Pero alam mo, dapat kayanin natin para makapag paalam tayo sa kanya"

Umiling lang si Mikay, ayaw nyang magpaalam. Hindi nya kaya?

Nagpaalam sya kay Mam Vicky kaya bumalik nalang sya ng sasakyan. "Mang Romeo umuwi na po tayo"

Mas gugustuhin nya pang manatili sa isip nya ang ngiti, tawa at ang buhay na si Gino kesa sa mas lalo syang masaktan kapag nakita ang sitwasyon ni Gino ngayon.

--------------------

Im pressured! Ramdam ko kayo from last chapter. But I have to take a stand, hindi ko lang to basta naisip, naisip ko na to even before pa magsimula ang story na to.

I hate tragic endings, just hokd on to that. So please don't hate me for doing this, hindi pa naman tapos eh. Not even close.

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon