Chapter 25
"Oh Gino... Tulala ka nanaman." tanong ni Mam Vicky.
"Mam, nabusted kasi yan ni Mikaella..." pang aasar ni Romeo sa kanya. Sama lang ng tingin ang iginante ni Gino.
"Alam mo Gino, di parin ako makapaniwala na yung Mikay mo at yung Mikaella ay iisa.." sabi ni Mam Vicky "...sabagay, noong una mo nga yung nakita tinamaan ka talaga."
Hindi sumasagot si Gino kaya nga nahampas sya ni Mam Vicky sa balikat "Uy Gino, move on na, Masyado kang nagpapadala eh. Anu ba kasi nangyari?"
"Wag nyo ng itanong..." sagot ni Gino. Ayaw nya ng alalahanin paano nadurog ang puso nya kay Mikay.
Bigla namang may sumingit sa usapan, si Romeo ulit "Mam Vicky, kasi pagkasabi ni Gino na mahal nya, ayun... Im sorry lang ang natangap na sagot"
Nabato naman ni Gino ng maliit ng cup si Romeo "Alam no ang chismoso mo talaga..."
"Tama na yan" awat ni Mam Vicky "Oh ikaw Gino, baka naman kasi may karugtong pa yung Im sorry... Anu ba talagang nangyari?"
"Ganito kasi yan..."
FLASHBACK
"Hindi lang naman kita gusto eh, MIKAY, MAHAL KITA!!!"
Parang nawala ang bigat sa dibdib ni Gino. Sa wakas nasabi na nya, ngayon, sagot nalang ang aabangan nya. Tumingin sya sa mukha ni Mikay, hindi nya mabasa ang nasa isip nito. Hindi ito nakangiti para magmukhang kinikilig, at mas lalong hindi ito mukhang galit. Gusto nyang malaman ang totoong nararamdaman nito pero ang labo ng nakikita nya ngayon.
Sa sobrang kaba nya, naglakad sya paalis sa harap ni Mikay. "Gino...."
Halos lumabas ang puso nya sa dibdib ny ng tawagin ni Mikay ang pangalan nya. Para syang hahatulan na.... Humarap sya at nakitang nakatalikod padin si Mikay sa kanya.
"Im sorry..."
Nang marinig nya yun mula kay Mikay, wala ng salita pa ang lumabas sa bibig nya. Malungkot na bumamaba nalang sya, palabas ng bahay nila"
Napailing si Mam Vicky, "Masakit nga yan..." sabi ni Mam Vicky matapos marinig ang totoong nangyari.
"Mam, wag mo ng pagdiinan, ang sakit na nga eh..."
"Gino, darating din ang panahon na makakalimutan mo yang nararamdaman mo sa kanya, diba kay Melissa nawala din agad..."
Gusto pa magsalita ni Gino, gusto nyang sabihin na mas masakit itong pagkabigo nya kay Mikay, mas masakit kesa noong kay Melissa.
Maya-maya umuwi na si Gino. Kinakabahan sya, pinapanalangin nya na sana andun pa si Mikay. Kahit alam nyang hindi sya mahal ni Mikay, gusto nya parin itong makasama.
Dahan dahan syang pumasok sa bahay nila. Tahimik masyado ito. Parang tikbok lang ng puso nya ang naririnig. Nakita nyang sarado ang kwarto ni Mikay. Gusto nyang malaman na kung nandito pa ba ang Princesa nya. Dahan dahan nyang ibinukas ang pinto ng kwarto ni Mikay.
Napayuko sya habang nakasandal ang noo sa pinto sa kanita nya, wala na ang mga gamit ni Mikay. Iniwan na nga sila ng Princessa nya, sumama na ang Princesa nya sa hari, kasama ang totoong Prinsipe nito.
Lumakad sya papasok sa kwarto ni Mikay. Umupo sya sa kama nito. Napayuko sya habang nakapatong ang noo sa mga kamay. Ramdam nya ang lungkot ang sakit. Yung huling naranasan nya ang lungkot na to ay noong iniwan sya ng Tatay nya at napatay ang Nanay nya.
"Gino anak..." alam nya kung kaninong boses yun.
"Nay iniwan nanaman ako..."
*****
Mag-isang naglalakad si Mikay sa garden ng bahay nila. Gumagaan ang pakiramdam nya sa mga bulaklak na nakikuta. Going back to her life before being Mikay, ayaw nya ng bulaklak, but since the day na nagtrabaho sya sa flower shop nagbago ang lahat.
Napalingon sya sa paligid nya. She's back to her true palace. With a life like a real Princess. But she's longing for something, she seem so incomplete.
Naaalala nya tuloy when she provoked Gino to say what's inside his heart. Pero when he blurted it out to her, hindi nya alam bakit sobrang kaba ang naramdaman nya, and to her surprise, "Im sorry" lang ang nasabi nya.
"Gino, Im really sorry... Im not really sure of my feelings..." sana yan ang nasabi nya kay Gino. Pero talagang hanggang 'I'm sorry' lang ang nasabi nya.
"There you are..." napalingon sya sa nagsalita. Ngiti ang isinagot nya rito "Are you ok now Eyah?"
"Migs... Im fine" yun lang nasabi nya.
"I've been texting and even calling you kanina pa, pero di ka ngarereply."
"Sorry, I left my phone kasi sa room eh. Hindi narin ako nasanay na may cellphone" sagot ni Kaella with a chuckle.
"Talagang pinahirapan ka ni Tito sa buhay mo sa Masantol ah.."
"Hindi naman, I actually enjoyed it." napangiti nalang si Migs.
"You know what, you've changed a lot." Komento ni Migs. "I never expect to see here in your garden, you flowers diba?"
She laugh. "Yes, I hate flowers...but that was before. I fell inlove with them for the past three months na ito ang source of income ko." Migs smiled at what she said, she's totally different now.
"Kung alam ko lang, edi sana I brought you some flowers, I never had the chance when we were still together because you hate them." She smiled at him.
Together, that was the word that caught Kaella. She loves hearing the word noong sila pa ni Migs, she truly loved him but right now bakit kaba na ang nararamdaman nya. Kinakabahan sya sa mga susunod na sasabihin ni Migs.
Niyaya ni Kaella na umupo si Migs sa isang bench sa garden nila. Nang makaupo sila, hinawakan ni Migs ang kamay nya, bumilis naman ang tibok ng puso nya sa kaba. "Kaella, it been a week na simula ng makauwi ka, and I guess its time for us to talked about.., about us"
Kanina together, ngayon naman us, Pero bakit ganun, wala ng spark, wala ng magic, at wala na ring fireworks. She don't literally believe in those but she knows that there's always an unexplained or some strange feeling of happiness and excitement kapag kasama mo yung taong mahal mo, pero bakit wala syang maramdaman ngayon kay Migs? But the feeling gave her wisdom to search and know her real feelings. Tinitigan nya sa mata si Migs.
When they were still together, everytime tititigan nya si Migs sa mata, ramdam nya na mahal na mahal nya ito, na parang she can't live another day without him. But this time, it's different, totally different.
Patuloy lang sa pagsasalita si Migs, habang sya patuloy lang sya pagtitig ka Migs. All around her seems quiet, lahat ng lumalabas sa bibig ni Migs, it's just like a murmurs na hindi nya maintindihan. All she can hear is her heart.
Parang sa DSLR cameras, you keep on adjusting the lense from blurry vision to a very clear one- that's she's experiencing right now, finally she knows whom she really love.
She's inlove with Gino. She loves him; she wants to be with him. Pero bago pa sya makapagsalita, she heard something that really caught her "Wait! What did you say?!" gulat na tanong nya kay Migs. Her mind is polluted of Gino. Kaya hindi sya makapagfocus sa sinasabi ni Migs.
"Your not listening" Migs groans, he took a deep breath "Just let me gather another batch of courage..." kitang kita ni Kaella yung tense na mukha ni Migs. Para itong bata.
"Just say it again Migs..." pakiusap nya. Gusto nya lang naman iassure kung tama ba pagkakarinig nya sa sinabi nito.
ƚtb
For more info you can reach me through the following account:
Twitter: @agentofsmile
Facebook: agentofsmile@gmail.com
Instagram: @agentofsmile
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...