Chapter 63
"Goodmorning," bati ni Kaella sa mga kasambahay.
"G-goodmorning po"
Hindi nya alam kung anong meron, pero ramdam nya may kakaibang atmosphere sa bahay nila.
"Where's Papa?" tanong nya sa mga ito pero nagtinginan lang ang mga ito.
Kaya napailing nalang sya at tumalikod. Sya nalang ang pupunta sa Papa nya. Medyo masama din pakiramdam nya dahil hindi sya makatulog ng maayos kagabi. Napuyat sya sa kakahintay kay Gino.
"Pa? San ka pupunta?" tanong nya sa Papa nya.
Medyo nagulat pa ang Papa nya ng makita sya. Nakabihis lang ang Papa nya ng isang maong pants paired into white tshirt under a jacket. May lakad ba ito?
"Ahm,.. Kaella,... We have to talk"
Nakramdam sya ng kaba sa sinabi ng Papa nya. Ramdam nyang may problema kagabi pa, pero hindi nya pinapansin, mas pinili nyang magstay sa positive side.
Pinapasok sya ng Papa nya sa office nya at doon sya pinaupo sa may sofa at tinabihan.
Halatang anxious sang Papa nya, kaya napatingin din sya sa mata ng Papa nya at mukhang hindi rin ito natulog.
"Something happened kasi kahapon..." bumibilis ang tibok ng puso nya pero mas pinili nyang ikalma ang sarili.
"What is it Pa?"
"Nagkagulo kahapon sa Bonifacio Square, and... Nabaril si Gino and he is missing"
Hindi umimik si Kaella. Nakatingin lang sya sa Papa nya without any emotions. Hinawakan ng Papa nya ang kamay nya, "Say something Kaella"
Tumayo si Kaella. "Pa may gagawin pa pala ako, alam mo may book ako na binabasa ngayon, Homer's Odyssey. Its a beautiful greek tale"
Medyo nagulat ang Papa nya sa kinikilos nya. "Kaella, narinig mo ba ang sinasabi ko?"
Ngumiti lang si Kaella "I really have to go Pa. May gagawin pa ako"
Hindi nakaimik ang Papa nya. Mas iniexpect nya na magwawala si Kaella sa kakaiyak, pero ang maging quiet at maging distant sa reality is not what he is expecting.
He grabbed his phone and dialled someone's number. "Henry, hindi ako makakasama sa rescue team sa paghahanap kay Gino. Alam na ni Kaella and she's still in denial of the truth. And im worried kaya I can't leave right now"
[Okay, take care of your daughter first and ako na bahala dito.]
"Thank you Henry, it really means a lot to me" sabi ni Mr. President sa kanyang Vice.
Gusto mismo ng Presidente na maging hands on sa paghahanap kay Gino, kahit na malabong makita pa nila itong buhay dahil nabaril na ito. Buti nalang may mga taong sumusuporta sa kanya to take over lalo na ngayon na mas kailangan sya ni Kaella.
"Kaella?" tawag nya sa labas ng kwarto ng anak. "Anak please open the door."
Bumukas naman ang pinto, "Pa? Do you need something?"
Talagang wala kang makitang grieving emotions sa mukha ni Kaella. "Can I come in?"
Medyo nagalangan pa ang anak sa isasagot "Sure Pa"
Umupo ulit si Kaella sa kanyang table at nagbasa ulit, "Ahm Kaella, about sa sinabi ko sayo kanina..."
"Anung meron Pa?" sagot ni Kaella habang nakaharap sa binabasa.
"Gino might be... He might be gone right now" he has to do this, para malabas nya ang nararamdaman ng anak.
"You know Pa, I really love this book. Nabasa ko nga sa net na may movie pala to, maybe later ida-download ko nalang"
"Kaella..."
"Pa have you tried this book na ba? Pinagaaralan daw to sa literature pag College and History ata kapag highschool"
Patuloy parin sa pagiwas si Kaella sa katotohanan. At mas lalong nagaalala ang Ama nya sa kanya.
"Kaella... Si Gino..."
"Speaking of Gino, nakita mo na ba yung mini gallery na ginawa ko? Gino loved it. Gagawa nga rin kami sa room nya sa masantol."
Niyakap sya ng mahigpit ng Papa nya. "Anak, you have to face the reality."
"Babalik sya,.. Alam ko babalik sya." yun nalang ang nasabi ni Kaella.
-----------------------------
"Mommy., bakit kailangan mawala ng mga taong mahal, why you have to leave us? Why God allowed those things to happen?"
Yan ang tanong ng batang Kaella sa kanyang Ina. Mukha man syang bata sa kanyang anyo, pero ang isip nya ay ang edad nya sa kasalukuyan.
Nasa isang lugar sila na parang paraiso sa ganda. Ang Mama nya ay nakabihis na parang isang napakagandang anghel.
"Princess., alam mo bang God is to wise to be mistaken? He never let things to happen without any reason. Minsan hindi natin yun nakikita"
"Reasons? What reasons? To hurt me? Masaya ba sya na nakikita akong magisa?"
Her Mom touch the strands of her hair "Mag-isa?" tanong ng Mama nya "Hindi ka mag-isa Princess"
"Mag-isa ako Mom, you left me and now..." hindi nya natuloy ang sasabihin dahil naiyak na sya.
"Hindi ka namin iniwan Princess... Hanggat nandito kami...." tinuro ng Mama nya ang dibdib nya na tapat ng kanyang puso. "...hindi kami nawala"
With the hug of her Mom, she felt comforted. She felt love...
Ramdam ni Kaella how her heart beat so fast, kasabay nito ang mabilis nyang paghinga. Kaya nakaramdam sya ng takot...
Nagulat sya when she open her eyes, agad syang napabangon. Mabilis parin ang paghinga nya.
"Panaginip lang..." yan ang sabi nya pero umiiyak sya. Ramdam nya ang takot, ramdam nyang magisa lang sya.
"G-gino?" hindi nya alam bakit si Gino ang hinanap nya agad, hindi nya alam bakit punong puno ng takot ang puso nya.
"Mam? Okay lang po kayo?" nagulat sya sa natatarantang kasambahay nila na pumasok sa kwarto nila.
Hindi nya alam paano nalaman ng kasambahay nila na nanaginip sya. Pero hindi nya na yun pinansin. "Where's Papa?"
"Nasa kwarto nya po"
Agad na tumakbo si Kaella palabas ng kwarto para puntahan ang Papa nya. Pero nakita nya agad ang Papa nya na palabas ng kwarto,
"Papa..." nagulat ang Papa nya ng makita syang umiiyak. Yumakap agad sya sa Papa nya.
"Pa, punta tayo sa Masantol. Gusto ko makita si Gino"
"That's not possible Kaella,.. Gino is still missing"
Kanina lang umaga nasabi kay Kaella ang nangyari sa Bonifacio Square. At hindi yun tinatanggap ni Kaella,
"No Pa! Nasa Masantol lang sya, baka he's tired lang"
Sasagot pa sana sya sa anak ng may tumawag sa kanya. Ito ang leader ng rescue team, marahil Update ito.
"Hello"
"Mr. President, nakita na ho namin ang katawan ni Dela Rosa."
Napahigpit ang yakap nya sa anak ng marinig ang malungkot na balita.
Bakit kailangan ng anak nya na mawalan ulit ng minamahal?
-------------------------------------
Sana gusto nyo parin yung story. ^_^
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...