Chapter 66

17.8K 190 49
                                    

Chapter 66

"Are you sure na ayaw mo ng mag dinner?" tanong ni Rj.

"Im sorry, pagod na talaga ako. I wanna take some rest." sagot ni Kaella.

"Without having a dinner?"

"Maybe cereal nalang..."

"Anu yun? Breakfast!" sagot ni Rj "Kumain na kasi tayo."

"Rj, please... Pagod talaga ako" pakiusap ni Kaella. Mapilit talaga si Rj minsan,.

"Sige na nga., just promise me na kakain ka sa Condo ha." sagot ni RJ. "Wait, kukunin ko lang yung kotse"

Napatingin sya kay RJ na naglalakad palayo papuntang parking lot. Marami silang difference ni Gino, pag dating sa pagiging sweet, maalaga at mapagmahal.

But the problem is, kahit ganun si Rj, hindi same ang reaction ni Kaella katulad kay Gino before.

Napapikit si Kaella "Stop compairing Rj to Gino." nang iminulat na nya ang mga mata "Hindi na babalik si Gino"

Sakto naman dumating si Rj at sumakay na sya sa kotse. Napatingin sya kay Rj, naalala nya ang madalas na sabihin ni Vicky.

"You are being unfair with him"

Pati nga ang Papa ni Kaella nung pinakilala nya si RJ as boyfriend, tinanong nya agad si Kaella privately kung talaga bang handa na sya sa relationship.

Syempre ang sagot nya 'OO' She has to look stronger than yesterday, kaya kailangan magmukha syang masaya sa lahat.

Maya-maya pa ay nakarating na sya sa Condo building na tinutuluyan nya.

Bumaba si Rj para pagbuksan sya ng pinto. " Thank you.,"

Aalis na sana si Kaella ng pigilan sya ni Rj "Ngayon na turn down mo ang offer ko na dinner., but tomorrow, hindi ka na pwedeng tumanggi."

Ngumiti nalang sya "Opo,. Pasensya ka na ha, pagod talaga ako"

"I understand"

The way na tumingin si Rj sa kanya, alam nyang mahal na mahal sya nito. Pero hindi nya kayang ibalik ang same intensity ng pagmamahal nito.

Unti-unting lumapit ang mukha ni Rj sa kanya, alam nyang hahalikan sya nito. Ready na ba sya? Ready na ba syang ibigay ang first kiss nya kay Rj?

Sabi nila, kiss don't lie. Baka pagtapos syang halikan ni Rj baka malaman narin nya o marealize na mahal nya rin ito.

Palapit na ng palapit ang mukha nito ng... "Im sorry"

Bakas sa mukha ni Rj ang lungkot, pero pinilit nitong ngumiti "Maghihintay ako Kaella"

She's 25 years old na, and alam na nya ang tama at mali. Malaki na sya to decide for her own lalo na pag dating sa pagibig, pero bakit pag dating kay Rj laging may mali?

Nang marating nya ang unit nya, patamad syang umupo sa sofa at pumikit. Nahihiya sya kay Rj dahil alam nyang nasasaktan nya ito ng paulit ulit.

Rj doesn't know anything about Gino. Nang mawala si Gino, sinabi nya sa Papa nya na wag ng banggitin si Gino sa kahit anung paraan. Hindi sa ayaw nya na itong maalala, ito lang kasi ang way nya to lessen the pain.

Kaya si RJ? Ang alam nyang huling naging boyfriend ni Kaella sa si Jao pa.

Inopen nya ang cellphone nya, since wifi zone ang unit nya, dito na sya sa phone nagchicheck ng emails. Lalo na kung sa mag nasolicit nya na support from businessman para sa housing project.

Maraming emails na natanggap nya, about work lang mostly. Pero one email ang talagang kinagulat nya.

[Hey beautiful, uuwi kami dyan ni Juli next week. Sana naman makipagkita ka sa amin, buong College life mo hirap kaming ireach ka, sana this time hindi na]

Galing ito kay Jao. Jao left seven years ago, sa California na sya magaaral. Hindi din nito alam bakit biglaan nagdecide ang Papa ni Jao ng ganun, pero sinunod nalang ito ni Jao.

Si Julia naman sumunod after two years, kaya magkasama talaga sila.

Si Julia and Jao ang nagpapaalala sa kanya how she used to be happily in love. Dati, apat silang masayang magkakasama. Nagtatawanan sila ng parang wala ng bukas.

Napahawak sya sa cheeks nya na basa na ng luha. Akal nya ubos na ang luha nya, hindi pa pala.

-----------------------

"Rj, akala ko we'll be having a dinner?"

"Oo, dito tayo kakain" sagot.ni Rj

"Eh parang may party, hindi naman tayo invited."

Hinarap sya ni RJ "Diba namomroblema ka dahil hindi pumayag si Mr. Olivarez? Ito ang sagot sa problema mo. Ipapakilala kita sa best Architech in town"

"Sino?"

"Edi si Olivarez..."

"Akala ko ba hindi pumayag?"

Ngumiti si Rj ang hold her right hand "Malay mo.magawan natin ng paraan, lalo na kapag nakita nya ang best friend nya."

Hinila sya ni Rj. Bestfriend? Bestfriend nya yung Olivarez? Bakit hindi nakwento sa kanya? At bakit natanggihan sya nito?

"Ayun sya," turo ni RJ.

Naka black suit ito na kahit nakatalikid ay bagay na bagay sa kanya. Every gestures nito, parang isang hunk na titilian ng mga babae.

Napailing sya when she realized na she is checking him out kahit nakatalikod.

"So kapag sikat na architech na dapat nakakalimot na ng bestfriend?" sabi ni Rj sa nakatalikod na lalaki.

Humarap ito at nagulat kay RJ. "Bro! What are you doing here?!"

"I invited myself, kasi my own bestfriend doesn't care about inviting me"

"Stop the drama bro, hindi bagay sayo" natatawang sabi ng bestfriend ni Rj.

"Oh may kasama ka?"

Si Kaella, nanatili lang nakatitig sa lalaking nasa harap nya. Hindi nya alam kung nananaginip ba sya or what, pero hindi nya makakalimutan ang mukha na ito.

"This is Kaella, my girl..."

"Nice meeting you Kaella..." magalang na sabi nito sa kanya, habang sya ay nakatitig lang.

"I am Yuan Olivarez," pakilala nito.

--------------------------------

Last Update for this day. Sana nagienjoy pa kayo magbasa, 66 chapters and malayo layo pa sa ending. hahaha

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon