Chapter 17

27.4K 296 33
                                    

Chapter 17

Dahan dahang nag inat si Mikay ng kanyang mga kamay, kagigising nya lang at halos ayaw nyang bumangon dahil sa sobrang lamig sa lugar. Nasa mataas na bahagi kasi ang Nipa Hut na tinuluyan nila. Tumingin sya sa mga katabi nya, wala na.

Magkakatabi silang natulog sa magkakaibang manipis na single foam. Wala kasing kwarto ang Nipa Hut kaya sa sahig silang lahat natulog. Bumangon si Mikay at bumaba mula sa hagdan ng Nipa Hut. Doon nakita nya si Gino na nakasuot ng jacket at si Aling Rosa na nasa harap ng isang batong kalan.

"Mikay, gising ka na pala, lika na at nang maka umagahan na..."

"Opo," tumingin sya kay Gino, hindi sya pinapansin nito dahil inasar nya ng inasar nang malaman na talagang sumunod sya para kay Mikay.

"Hey Gino, in fairness ang arte mo... Para kang babae kung magtampo." sabi ni Mikay

"Manahimik ka nga Mikay, nananahimik na nga ako dito eh" sagot ni Gino habang sinasalin ang kape sa mga baso.

"Naku, kayong mga bata kayo magkakapikonan nanaman kayo nyan" singit ni Nay Rosa.

"Kape na po tayo," yun nalang sinagot ni Gino.

"Aling Rosa, wala po bang gatas? Hindi po kasi ako nagkakape eh.." tanong ni Mikay

"Naku walang gatas dito, hindi na ako bumibili dahil sumasama ang tyan namin dito kapag naka-inom kami ng gatas." paliwanag ni Aling Rosa.

"Mahal na Princesa, bawal ang maarte sa bundok at masarap 'tong kape na 'to. Basta kapeng Benguet masarap"

"Kapeng Benguet?" tanong ni Mikay

"Naku Mikay, paborito talaga ni Gino ang kape ditto sa amin, subukan mo, maganda naman sa katawan yan eh" sabi ni Aling Rosa.

Kumuha sya ng isang maliit na tasa, "Wow ang bango ah..." iinom na sana sya ng pigilan sya ni Gino. "Hindi ko pa yan nalagyan ng asukal," may kinuha si Gino sa bulsa ng jacket nya "Ito ilagay mo para mas masarap"

"Cadburry?" tanong ni Mikay. "San mo yan nakuha?"

"Dyan lang napulot ko sa tabi-tabi" sagot nito "lagyan mo ng isang bar, para mas masarap at medyo matamis." Parang naguguluhan si Mikay. Ngayon nya lang kasi talaga ito masusubukan. "Akin na nga, ako na.. Hay naku, minsan talaga Mikay may pagka slow ka no?"

"Di lang umimik slow na agad?" sabi ni Mikay habang pinabayaan si Gino itimpla ang kape nya. "and kung slow ako, bakit gets ko kaagad na you came here for me..." Si Aling Rosa natatawa nalang sa kanila. Inabot ni Gino kay Mikay ang kape "Oh, uminom ka nalang ng kape, para ikaw ang mainitan hindi yung ulo ko ang pinapainit mo"

"So it means you're admitting na you really came for me..." nagulat si Gino sa sinabi ni Mikay, kaya agad nya itong binweltahan "Hindi kaya,. Bakit ko naman gagawin yun? Namiss ko lang tong Sto. Domingo," sagot nya.

Nagkibit balikat si Mikay "Ok sabi mo eh..." humigop sya sa kape nya bago nagsalita muli "Pero alam mo Gino, Im happy that you're here" Natigilan si Gino at napatingin kay Mikay. Mukhang seryoso ito sa sinabi nya parang bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso nya, napangiti sya. "Talaga Mikay?"

"Oo naman, syempre nay katulong kami magbuhat ng mga naharvest na bulaklak." agad na nagbago ang expression ng mukha ni Gino. Yun lang pala yun.

"Oh mga anak, sumama kayo doon sa gulayan ni Atong, pinsan ko yun.. Para may maiuwi tayo sa Manila." singit ni Aling Rosa bago pa magkapikunan ang dalawa ulit. "Nay may mga fruits ba doon?" excited na sabi ni Mikay.

"Oo naman Mikay, masipag magtanim ang mga yun" bumaling sya kay Gino "at dalhin mo si Mikay sa ilog mamaya, maganda ang tanawin doon" tumango lang si Gino.

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon