Chapter 39

21.7K 226 35
                                    

Chapter 39

Tahimik lang si Mikay and Gino sa sala. Nakahiga si Mikay sa unan nakapatong sa lap ni Gino. Napagod sa kakaiyak, mas naging madrama pa sya sa kay Gino na hanggang ngayon di parin nya alam yung dahilan bakit nagkaganun ito.

Tahimik lang na nilalaro ni Gino ang buhok ni Mikay. Walang nagsasalita sa kanina pero si Mikay may gusto syang malaman perp hindi nya maitanong. Lilipas nanaman ba ang araw na 'to ng hindi nya alam ang isang bagay na nakakasakit kay Gino.

Kanina, bumigat talaga ang loob nya ng sigawan sya ni Gino. Para kasing nakalimutan nito na sya ang girlfriend, hindi sya ang kaaway. Lalo na noong pinaalis sya ni Gino, pakiramdam nya napakawalang kwenta nyang girlfriend kaya nagbreakdown talaga sya.

"Sa San Vicente, doon ako lumaki kasama ang Papa at Mama ko." nagulat sya ng biglang magsalita si Gino. Pero pilit syang kumalma, baka kasi magbago ang isip ni Gino.

"Magaan ang buhay namin doon, hindi naman sa kasing yaman nyo kami pero masasabi kong may pera kami"

"Perpekto ang tingin ko sa buhay ko, pati sa mga magulang ko. Kahit na yung Papa ko tuwing weekends lang namin nakakasama..."

Nanatili lang si Mikay sa pwesto nya. Tahimik na nakikinig "Laging sinasabi ni Mama na intindihin ko si Papa, nagtatrabaho kasi sya para sa kinabukasan ko."

"Kaya nga si Papa ang favorite kong superhero noing bata ako" medyo nagkacrack na ang boses ni Gino.

"Nuong 10th birthday ko, sobrang excited ako kasi kasama ko sa pagplano ang Papa ko." huminto ng saglit si Gino "Pero hindi dumating si Papa"

"Hindi ako nagalit sa kanya, kasi sabi ni Mama may inasikaso lan daw na mahalagang bagay."

"Pero simula noon, halos dalawang linggo ng di umuuwi si Papa. Lagi ko tinatanong si Mama, sabi nya may inaasikaso lang"

"Hanggang sa isang araw, may isang matandang babae ang pumunta sa bahay at sinaktan si Mama."

Doon na napatayo si Mikay at tumabi ng maayos kay Gino, hinawakan nya ang kamay nito "Narinig ko na, pangalawang pamilya lang pala kami"

Pilit na nilalabanan ni Gino ang mga luha nito, nahahalata nya ito sa tono ng boses ni Gino. "Tinanong ko si Mama kung totoo ba yun? Na anak lang ako sa labas.,"

"At inamin ni Mama ang totoo, pero sabi nya wag daw ako magalit kay Papa. Mahal nya daw kami, kaya hindi ako nagalit sa kanya kahit ang dami-dami ko ng rason para magalit sa kanya"

Umiiyak na si Gino kaya todo sa pagcomfort si Mikay. "Hinihintay ko parin si Papa. Wala namang masama kung magiging Pangalawang pamilya kami, ang mahalaga may Papa ako"

Napayuko na si Gino at tuluyang umiyak. He cleared his throat bago nagpatuloy "Pero hindi dumating si Papa. Hanggang sa na-ospital si Mama."

"Sabi ng doctor may Cancer daw sya, anu namang malay ko sa Cancer Mikay?" sumandal si Mikay sa balikat nya na parang yakap nya si Gino ng pagilid.

"Pero alam mo Mikay naniwala parin ako na si Papa ang makakatulong sa amin, dahil alam nyang hindi pwedeng mawala ang Mama ko"

"Pero alam mo noong pumunta ako sa bahay nila, malaki ang bahay nila at marami silang bisita, birthday pala ng Lolo ko. Nagpakilala ako bilang Apo nya, pero hindi sya naniwala. Hanggang sa nagkaharap ko si Papa."

"Dahil may mga bisita, tinanong ang Papa ko sa harap ng maraming tao. At doon,.."

Yumuko si Gino, "Doon nya akong unang itinanggi, sinabi nya sa harap ng mga tao doon na hindi nya ako kilala."

Umiyak ng umiyak si Gino. He is like a lost kid. In all these years parang ngayon nya lang nalabas lahat ng sama ng loob ng meron sa dibdib nya.

"Mikay anu bang meron sa akin at walang gustong tumanggap sa akin?"

"Gino, don't say that please." naiiyak narin si Mikay "Ako tanggap kita, kahit anung mangyari di kita iiwan."

Yumakap lang si Gino kay Mikay. She's like a sanctuary to him, lahat ng sakit, lahat ng bigat sa loob nya, nawawala basta andyan si Mikay.

-----------------------

Madaling lumipas ang oras. And ngayon si Gino nanaman ang nakahiga sa lap ni Mikay with a pillow. Napagod ito after crying so hard matapos sabihin ang nakaraan nito.

Hawak ni Gino ang isang kamay nya while the other ay nasa buhok ni Gino at nilalaro ito.

Parehong gumaan ang pakiramdam nilang dalawa. Kahit na mas pinili ni Gino na ilihim nalang kung sino ba ang tunay nyang Papa. Anu pa ba ang point kapag sinabi nya?eh hindi naman sya kinikilala, baka makasira pa sya ng buhay ng iba.

"Mikay?" tawag ni Gino

"Hmmm?"

"Gwapo padin ba ako sa paningin mo kahit mukha na akong uhuging bata sa kakaiyak?"

Napatawa si Mikay ng bahagya "Syempre naman, ikaw ang pinaka gwapong lalaki sa buhay ko after my Papa"

"Mahal mo parin ba ako kahit na umiyak na ako ng todo sa harap mo?"

Ngumiti si Mikay "Mas mahal kita ngayon"

Everything that had happen ngayon lang, alam nyang it will make a difference sa buhay nila, sa relationship nila.

Ngayon lang naramdaman ni Gino ang security na someone is willing to owned you, that someone out there is willing to love you despite of all the insufficiences na meron ka.

"Gino?"

"Hmmmm?"

"Naisip ko lang, you were 10 when you faced all the sadness in your life...."

"Oo, bakit?" tanong ni Gino.

"Haven't you realized na Im 9 when I lost my Mom, it means, that same year, we were both tormented by unexpected events in our lives."

Napatango si Gino na parang ngayon nya lang rin narealize lahat "And fate brought us together, so we can face everything together"

Ngumiti si Gino "Wow! Parang tula lang ah,"natatawa nyang sabi "Pero gusto ko yan, hindi rin ako lalayo sayo. Kung saan ka, doon din ako"

---------------

I have a news: Balik Slum Area ako

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon