Chapter 19

26.2K 248 15
                                    

Chapter 19

It's been three weeks simula ng nanggaling sila sa Sto. Domingo. Three weeks nading simula ng nagkaroon ng malaking pagbabago ang samahan ni Gino at Mikay.

"Alam mo Gino gusto ko ng makilala yang sinusundo mo tuwing hapon ha..."

Naghahanda sila para sa pag-uwi, tapos na kasi ang shift nila for a day. Ngumiti lang si Gino "Makikilala nyo rin sya Mam Vicky"

"Grabe Gino, di ko naisip na magkaka-girlfriend ka na.," sabi ni Mam Vicky

"Hindi ko PA girlfriend, di PA nga ako umaamin eh..." agad na nakatanggap si Gino ng pangaasar mula sa mga katrabaho na nakarinig. Bukod sa ngayon lang na-involve si Gino sa usapang babae, talagang bagong-bago sa kanila ang ngiti ni Gino.

"Naku umamin ka na, baka mahuli ka pa." singit naman ni Earl "Teka Brad, maganda ba? Eh kasi parang dalawa palang yung kilala kong napatulala ka sa ganda eh, yung bestfriend mong si Melissa at si Mikaella Madrigal."

Napatawa ng malakas si Gin, walang kaalam alam yung mga katrabaho nya na yung babaeng kinababaliwan nya ngayon at yung Mikaella Madrigal na kilala nila ay iisa. Nakakawindang talaga!

"Mas maganda pa kaya si Mikay ko kesa dyan sa Mikaella na yan." natatawa nyang sabi. "Gusto ko na talaga makilala yang Mikay na pinagmamalaki mo Gino, iba ang dating sayo eh... Ngiti mo palang halatang deads na deads ka dyan sa Mikay eh" sagot naman ni Mam Vicky. "At nagpapagwapo ka pa talaga ha..."

Nagpapagwapo talaga si Gino, lalo na ngayon at suot nya ang damit na bigay ni Mikay. Kamukhang kamukha ito ng namantsyahan ni Mikay, pero mas lalong naging favorite nya ito dahil galing ito kay Mikay.

"Ipapakilala ko sa inyo pag girlfriend ko na..." sagot ni Gino with a grin "Sige, aalis na ako. Naghihintay na ang Princesa ko eh"

Umalis na sya kahit pa naririnig nya ang mga asaran ng mga katrabaho para sa kanya. Nakangiti sya naglalakad papunta sa sakayan.

Three weeks na simula nung galing sila sa Sto. Domingo. Madami nagbago matapos yun, at gusto ni Gino ang pagbabago na yun. Katulad ngayon, susunduin nya si Mikay sa trabaho; tatlong linggo na nyang ginagawa to.

After almost 30 minutes, narating na nya ang shop. At pagpasok nyang nakita nyang nagliligpit na ng gamit si Mikay. "Andito na ang sundo ng Princesa..." napalingon agad si Mikay kay Joma na kakapasok lang kasabay si Gino na kakapasok lang sa shop.

Isang magandang ngiti ang isinalubong ni Mikay kay Gino. "Kuya Joma, pakisabi kay Aling Rosa umalis na ako ha"

"Sige Kuya Joma, alis na kami.." Paalam ni Gino, habang palabas sila sa shop "May gusto ka ba munang puntahan?" tanong nya kay Mikay

"Daan tayo ng mall... Nagugutom na kasi ako." sagot ni Mikay, biglang kinabahan si Gino. Baka magyaya ito sa mamahaling restaurant "Uy Mikay ha, wala akong pera, hanggang jollibee lang. Baka kung anu-anu nanaman ang gusto mong pasukan." paalala ni Gino. Natawa si Mikay sa reaksyon ni Gino "Opo, kahit burger steak, ok na sa akin"

"Oh, anu pang hinihintay natin? Tara na!" Dahil gutom na si Mikay, sumakay nalang sila ng jeep para mabilis. Habang nakasakay sa jeep, bahagyang sinanadal ni Mikay ang ulo sa balikat ni Gino "Nagugutom na talaga ako."

"Bakit hindi ka kasi nag-merienda?" tanong nit okay Mikay "Si kuya Joma kasi eh, nakakawili magkwento, kaya hindi ako nakapag break."

"Di bale malapit narin tayo..." Hindi rin nagtagal narating din nila ang mall. Pumunta agad sila sa Jollibee. Matapos magorder ay humanap sila ng pwesto at kumain.

"Nakakatakot ka magutom Mikay, parang pati kutsara kakainin mo" Hinampas nya ng mahina sa kamay si Gibo na umiinom lang ng float, busog daw kasi ito "hindi naman, gutom lang talaga."

"Hindi ka nahiya sa akin Mikay? Sa gwapo kung 'to kakain ka lang ng ganyan sa harap ko" She swallowed first before nagsalita "Hoy Gino ang yabang mo. Kahit na I lost my poise while eating, maganda parin ako."

"Wow, parang ako pala. Gwapong gwapo parin kahit anong mangyari... Parang bagay nga tayo eh" pabulong lang ang huling linya na sinabi ni Gino. "Ha? Anu yun?" agad na tanong ni Mikay.

"Ah wala, sabi ko dalian mo para makapasyal pa tayo..." hindi na nagtanong ulit si Mikay, siguro nga hindi nya rin talaga narinig.

Matapos ang ilang oras, naisipan ng dalawa na mag window shopping. Kung saan saang store sila pumapasok. Minsan nangti-trip, minsan naman mag-aasaran lang. "Uy Gino bili tayo nito.." napatingin si Gino sa hawak ni Mikay. Isa itong customized dog tag na pwedeng icustomize.

"Magkano ba yan?" tanong ni Gino "250 lang po Sir" sagot ng babae.

"Ang mahal naman nyan" reklamo ni Gino "Ang kuripot mo talaga.. Ay teka., bibili tayo pareho tayo, pero kanya kanyang bayad." suggestion ni Mikay "Hindi naman ako mahilig sa ganyan...." bwelta ni Gino.

"Please Gino,. Please... If you don't wanna wear it, its ok, you can keep it naman." Just by looking at her face, napapalambot na agad nito ang puso ni Gino, kaya may magagawa pa ba sya? "Sige na nga..." he sighed. Bakit ba di nya kayang tiisin si Mikay.

"Ok Kuya, dalawa... Engrave mo this..." inabot ni Mikay ang dalawang kapiraso ng papel na may nakasulat na "Mikay" at "Gino"

Nang matapos "Wow.. This is great!!" excited na sabi ni Mikay ng mahawakan ang dog tag na may naka engrave na pink na "Mikay" Si Gino naman napatingin sa hawak na dog tag. "anu naman gagawin ko dito?" Hinila iyon ni Mikay mula sa pagkakahawak ni Gino "I'll keep it."

"Ha? Akala ko ba tig-isa tayo?" napangiti sya, ang dami kasing alam ni Mikay, pero every idea na naiisip nya, all her craziness, kayang kaya nyang sakyan, because it can make him happy too "Yeah,. I'll keep yours, and you'll keep mine"

Inabot ni Mikay kay Gino ang dog tag nya, "Keep this Gino. I hate my name Mikay sa totoo lang, but what I love with that name is the distinction na ikaw ang nagbigay sa akin ng pet name na yan"

Napangiti si Gino. Unti unti na nyang nakikita ang totoong Mikaella Madrigal. Masaya sya na malaman na kahit papano ay may halaga sya kay Mikay. "Sana nga Inday nalang ang ipinangalang ko sayo eh" pang-aasar ni Gino

"Hay naku Gino... Halika na nga," hinila nya si Gino palayo sa shop. Nabayaran narin naman nila yun eh.

Hindi akalain ni Gino na mararanasan pa nya ang ganitong klase ng saya. Simula kasi ng mawala ang Nanay nya at talikuran sila ng Tatay nya, namuhay na sya sa kalungkutan. Naging madali sa kanya ang husgahan ang lahat ng mga kauri ng Tatay nya.

-----------------------------------------

For more info you can reach me through the following account:

Twitter: @agentofsmile

Facebook: agentofsmile@gmail.com

Instagram: @agentofsmile

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon