My Slum Girl Princess' Special Chapter 4

15.8K 208 20
                                    

Special Chapter 4

Time flies so fast when you're inlove.

Seven months na ang nakalipas since Julia and Jao's wedding. And just three days ago, innanounce na ng dalawa that Julia is four weeks pregnant.

Si Gino at Mikay naman, busy sa nalalapit na kasal nila. One month and 1 week from now na ang kasal nila kaya medyo napipressure na sila lalo na si Mikay.

Sa loob ng seven months marami silang hinarap. Like issues about Rj and Mikay. Issues na pinalaki lang ng media.

Nakakatawa ngang isipin na minsan wala naman talagang problem sa mga taong involve, but the issues is about people's reaction. How they exaggerate everything.

Ang galing galing kasi masyado ng mga taong gumawa ng kung ano-anong issues, ano-anong stories. Bakit hindi nalang sila naging wattpad writer, baka sakaling mapakinabangan pa ang pagiging chismosa nila.

Gusto na nga nilang pabayaan but everything has a limitation. And media has crossed over the said limits. Ganun nga siguro kapag sikat.

But love is always the winner. Thanks to Rj dahil sya ang nagsalita sa media nang ma interview sya dahil magiging cover sya sa isang business magazine. At sya ang nagexplain na walang problema between them. Na lahat natapos at nagsimula ng maayos.

Hindi na nya sinabi ang details pero lahat ng sinabi nya were enough for chismosang madla to shut their mouths. Love wins.

In seven months naman, naging denial si Rj na she's dating Gretchen Sanchez. Pinsan ni Julia. Madalas kasi silang nakikitang magkasama.

One time nga nagkasalubong pa sila nila Gino sa mall. Minsan naman nakasabay nina Julia sa restaurant. At sabi ni Vicky si Gretchen daw ang kadate ni Rj noong summit for land developers.

Bakit ganun? Kapag true love laging dinideny? Pero kapag laro laro lang ang bilis aminin, ang bilis mapasagot. Nakakabaliw talaga minsan ang pagibig.

Speaking of nakakabaliw. Malapit na talagang mabaliw si Gino and Mikay. Their upcoming wedding is very close to destruction, why?

"Gino we have a problem here, bakit parang di ka affected?"

"Anong gusto mong gawin ko? Sabayan kita sa kakadakdak?"

Kanina pa walang tigil sa kakadakdak si Mikay, well actually two weeks na, tumataas lang ang intensity as time goes by. Siguro dahil sa pressure. Two days ago, namatay ang magulang ng Chef na nakuha nila na magki-cater ng food for reception.

And after that, binalita naman sa kanila na yung choir ng isang sikat ng school na kinuha nila for their wedding ay one month na nasa quarantine dahil galing sila ng Hongkong for a mini concert.

And they need to be in the quarantine dahil may kumakalat na virus sa Hongkong. Para mapigilan ang pag spread sa bansa, lahat ng galing sa HongKong must be in the quarantine.

At just 45minutes and 20secs ago, kakabalita lang sa kanila na halos lahat ng damit for their maid of honors ay kailangan ng repair dahil nagkaproblema sa cutting.

"And what do you want me to do? Tumahimik at maglaro ng temple run sa cellphone like you? That's crazy"

"Crazy?" sagot ni Gino "Mikay you've been talking since last week, lahat pinapagalitan mo. Ang init init ng ulo mo kahit sa akin. So naisip ko na maybe you need time to speak it all out.... pag wala ka ng masabi, doon nalang ako magsasalita. So you could hear me"

"Paano ako hindi magsasalita? Eh you're not helping me here,"

"Wow naman Mikay" sagot ni Gino in disbelief "Not helping? Diba sabi ko sayo maghanap na tayo ng bagong choir, pati bagong Chef, may inoffer pa nga si Julia pero mapilit ka sa Chef na gusto mo, eh hindi nga pwede. Anong gusto mong gawin ko? Buhayin yung namatay nyang kaanak?"

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon