Chapter 69
"Don't do this to me Vicky.." reklamo ni Kaella.
"Ayaw ko din gawin sayo to Kaella, but,.. Kaella, family always comes first and kailangan ako ng Papa ko ngayon"
Naiintindihan naman ni Kaella si Vicky eh. Kahit sya ang nasa sitwasyon nito, yun din ang gagawin nya. Nagkasakit kasi ang Papa nya at hindi maganda ang lagay.
Ang problema nya, She doesn't know how to survive in the presence of Yuan, alone... As in ALONE.
Napatingin sila sa parating na sasakyan. Isa itong black Honda civic. "Yan na ba yung Yuan?"
Hindi na sumagot si Kaella, nagaabang sya ng taong baba sa sasakyan. Alam nya kasing ito ang sasakyan ni Yuan.
"Oh my... Kinakabahan ako." bulong ni Vicky. Halatang naiexcite na kinakabahan si Vicky.
Lumabas si Yuan sa sasakyan. Napanganga naman si Vicky "Ang gwapo nama---"
Halos mapamura si Vicky nang tanggalin ni Yuan ang rayban shades nya. "G-gino..."
Hinawakan naman si Vicky "He's Yuan" bulong ni Kaella kay Vicky. Marahil nabigla talaga ito sa nakita.
"Goodmorning ladies..." magandang bati ni Yuan. "Am I late?"
"Just in time..." casual na sagot ni Kaella. She's now more prepared to face Yuan compare sa huling pagkikita nila.
"Anyway, this is Vicky, my secretary and friend.," pakilala ni Kaella.
Kinamayan ni Yuan si Vicky, "Nice meeting you Vicky" wala sa sariling tumango lang si Vicky.
"Are coming with us?" nakangiting tanong ni Yuan kay Vicky.
"Ah-" tumingin muna si Vicky kay Kaella. "H-hindi, kasi my father is sick,."
"Is he gonna be okay?" tanong ni Yuan.
Tumango si Vicky "Yeah"
"That's good..." sagot ni Yuan.
"Goodmorning..." napalingon sila sa nagsalita. Its RJ, may bitbit itong mga pagkain.
"Wow bro, Mcdo... Namiss ko yan" masayang salubong ni Yuan kay RJ.
"Hindi to para sayo bro. Para to sa girlfriend ko" sagot ni RJ. Natawa nalang si Yuan.
"Di ko naisip na may sweetness din pala dyan sa pagkatao mo" pangaasar ni Yuan.
Inakbayan ni RJ si Kaella, "Sweet kaya ako, diba baby?"
Ngumiti lang si Kaella and touch RJ's face "Oo naman.," sagot nya.
Si RJ at si Yuan ang nagligpit ng mga gamit sa sasakyan. Si Vicky naman, inayos ang mga papeles na dadalhin ni Kaella.
"Kaella, yung papers na kailangan mo andito sa blue folder na ha. And nadouble-check ko na rin pati mga permits, settled na"
Kinakausap ni Vicky si Kaella na nakatingin sa magkaibigang si Yuan and RJ. Nagkikwentuhan ito habang umiinom ng tubig.
Kaya pala hindi pinapakinggan ni Kaella si Vicky, busy sa kakatingin sa dalawa.
"Sibo bang tinitingnan mo? Yung boyfriend mo? O yung kamukha ng ex boyfriend mo?"
Doon lang natauhan si Kaella. Napalingon sya kay Vicky na napapailing nalang sa kanya. "Alam ko Kaella hindi madali ang sitwasyon mo ngayon. At alam kung naglalaro parin sa isip mo na sya si Gino."
"Favorite nya ang McDo..." sabi ni Mikay habang nakamasid parin sa dalawa.
Iniharap ni Vicky si Kaella sa kanya. "Kaella, alam ko na mahal na mahal mo si Gino. Pero kung imamaster mo ang paghahanap at kakaiisip kay Gino na matagal ng nawala, makakasakit ka lang ng ibang tao."
Hindi umimik si Kaella. Pero nagets nya ang point ni Vicky. Napatingin sya ulit sa kinaroroonan ng magkaibigan, but this time kay RJ na sya nakatingin.
Mahal na mahal sya ni Rj, at simula ng hinayaan nya ang sarili nya na papasukin si Rj sa buhay nya, binigyan nya na ito ng role sa buhay nya. Ang role na naiwan ng pinakamamahal nyang si Gino.
Maya maya, ready na silang umalis. Nasa sasakyan si Yuan. Isang Montero Sports ang sasakyan nila. Si Kaella naman kasama si RJ. Si Vicky kasi umalis na.
"Baby, pasensya na talaga hindi ako makakasama... Conflict sa sched ko eh"
Hinawakan ni Kaella ang kamay ni RJ. Halatang natigilan ito, first time kasing si Kaella ang naginitiate.
"Its okay,.. I'll be fine."
Malapad ang ngiti ni RJ. Halatang napasaya ito ni Kaella, "Tatawagan nalang kita, and update me ha, para naman pag may problem makatulong ako."
Ngumiti si Kaella "Opo"
She's now trying to be fair with RJ. Tama si Vicky, si RJ ang palaging andyan nung nawala si Gino. And now na dumating lang si Yuan, nakuha na agad nito ang atensyon ni Kaella. And that's not fair with RJ.
Magkaholding hands na naglakad si RJ at Kaella papuntang sasakyan. Niyakap sya ng mahigpit ni RJ ng makarating sa sasakyan.
"I love you..."
"Love you too..," sagot ni Kaella. Naramdaman nyang napahigpit ang yakap ni RJ sa kanya.
Nagpaalam na si Rj at sumakay na sya sa sasakyan. Pagpasok nya tulog si Yuan. Kaya nagsimula na silang magbyahe para makarating ng maaga.
Wala pang thirty minutes, nagring ang phone ni Yuan. On her peripheral view nakita nya na sinagot ito ni Yuan.
"Jannelle? Wow, is this really you?" tanong ni Yuan na halatang masaya.
"Of course I missed you." sagot ni Yuan. Hindi alam ni Kaella bakit uminit ang ulo nya.
"Sure, sure... You are very much welcome sa bahay ko." sabi ni Yuan.
Bahay? Bakit pupunta ang Janelle na yun sa bahay ni Yuan? Diba sabi nya wala itong love life?
"Nice plan, Im excited na..." hindi na naka tiis si Kaella.
"Will you please minimize your voice? Nagpapahinga ako eh" mataray na sabi ni Kaella. Napatulala naman si Yuan sa pagkagulat.
"Ah... Ahm honey... Tatawagan nalang kita later ha, nasa business trip ako" sabi ni Yuan sa kausap sa phone
Nakita nyang binaba na rin ni Yuan ang cellphone. "Sorry..." sabi nito.
Hindi na sya nagsalita, uminit talaga kasi ang ulo nya kaya ganun nalang ang inis nya kay Yuan. Napapikit si Kaella, bakit yun yung reaction nya? Hindi dapat ganun eh.
--------------------------
Sorry, late UD. Birthday kasi ng friend ko, and since pareho kaming hinihika, nagbabad kami sa dagat, grabe okay na ako ngayon. Sana magtuloy tuloy.
God bless!
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...