Chapter 18

26.4K 278 16
                                    

Chapter 18

"Alam mo ba Gino, sana pinanganak na rin ako ng tulad mo. Wala naman akong pakialam kung mayaman o mahirap eh, mas gusto ko ng masayang buhay..." He chuckled "Alam mo, kapag nalaman mo ang totoong buhay ko, hindi mo sasabihin yan"

Napatingin si Mikay kay Gino "Alam mo, ikaw ang dami mo ng alam tungkol sa akin..." Hindi pa tapos si Mikay sumagot na agad si Gino "Hindi kaya, unti palang..."

"Atleast kahit unti meron kang alam, e ako? I know nothing about you..."

"Walang interesting sa buhay ko Mikay." maikling nyang sagot.

"kailangan ba interesting ang buhay mo bago mo sabihin sa mga kaibigan mo?" Bahagya syang tumawa "Hindi ako sanay na nagkikwento ng personal na buhay sa ibang tao," nahihiya nyang sagot

"Sige, ganito nalang.... You'll tell me something na katumbas ng alam mo sa akin" Napatingin si Gino kay Mikay. Iniisip nya kung papayag ba sya sa kundisyon nito. Hindi kasi sya sanay na nagsasalita ng tungkol sa buhay nya. "Pleeeeaaaaase Gino..." Napangiti nalang si Gino, hindi nya alam anong meron kay Mikay at di nya magawang tumanggi. Ganun ba sya ka inlove si Mikay. He took a deep breath first..

"Ahm... Wala na akong mga magulang," nagulat si Mikay sa narinig. Dahil alam nyang si Aling Belen ang Nanay nito. Marahil nahalata ni Gino ang reaksyon ni Mikay "Nagtataka ka siguro... Malayong kamag-anak ko na si Aling Belen, pero talagang kinupkop nya ako, 9 years old ako noong namatay ang Mama ko."

Napayuko si Gino, mukhang hindi talaga ito sanay na mag open up sa ibang tao. "Siguro Mikay yun nalang muna... Saka na yung iba." ginalang naman yun ni Mikay. "Halika na, baka hinahanap na tayo ni Ninang, at malamang wala na si Aling Nena.doon"

"Yeah, and kung nandoon pa sya, maybe hindi na Politics ang topic nila diba?" medyo pabirong sabi ni Mikay, napangiti si Gino, atleast wala ng bakas ng galit sa aura nito.

Naglakad sila pabalik sa bahay ni Mang Atong. Doon sila magpapalipas ng gabi, dahil mamayang madaling araw na ang alis nila pabalik ng City. "Teka Gino, diba may trabaho ka? Paano yan, ilang araw ka ng absent."

"Wag mo ng intindihin yun, naka-leave naman ako ng isangg linggo eh. Kaya ok lang yan"

"Wow Gino, I'm impressed, nag leave ka just to follow me here?"

Natawa si Gino."Hindi kaya..."

"Hoy ang daya mo ha, ako umanin na kanina na I lied. Ikaw naman..."

"Hindi naman ako nagsinungaling eh..." natatawnag sagot parin ni Gino.

Hinampas sya ni Mikay sa may braso "Ikaw, napaka sinungaling mo. Eh namumula ka na nga dyan, idedeny mo pa." Mas lalong namula si Gino na naging dahilan para mas lalo syang asarin ni Mikay. "Sige na, suko na ako!" hingal na sagot nya.

"Hindi talaga ako nagsinungaling. Dahil hindi ko naman talaga alam bakit ako sumunod, kung anong dahilan...." Huminto sya sa paglalakad at umingin sa mata ni Mikay "Ngayon alam ko na kung bakit..."

Naghihintay lang si Mikay ng sagot ni Gino "...alam kasi ng Dios na iiyak ka ngayon, kaya pinapunta nya ako dito para damayan ka..."

*****

Tahimik na nakapikit si Gino. On the way na sila pauwi ng City. Walang paglagyan ang saya nya, na katabi nya ngsyon ang babaeng mahal nya.

Finally, inamin nya rin sa sarili nya na mahal nya si Mikay. Noong makita nya kasi itong umiiyak, at nung nalaman nya ang mga pinagdaanan nya, mas lalong tumindi ang kagustuhan nyang alagaan si Mikay.

Minulat nya ang mga mata nya, natutulog na si Mikay. Isinandal nya ito sa balikat nya, at hinawakan ang kamay nito at ipinikit muli ang mga mata para matulog.

Hindi pa naman sila ni Mikay, at hindi padin sya nanliligaw, ni hindi nga alam ni Mikay na gusto sya nito eh. Pero kahit ganun, masaya parin si Mikay nung malaman nyang "she felt secured when he is around"

Pambihira, sinong hindi kikiligin doon? Kahit siguro pinakamacho sa buong mundo kikiligin kapag nakarinig ng ganung salita galing sa babaeng mahal nya.

*****

Lumipas pa ang oras, hindi namalayan ni Gino na sa sobrang saya nakatulog na sya. Doon naman napamulat si Mikay, nagulat sya ng makitang magkaholding hands sila ni Gino. Napalingon si Aling Rosa at ngumiti sa kanya. Alam nya ang ibig sabihin ng ngiti na yun, alam nyang may kilig sa ngiti na yun.

Unti-unti nyang nilayo ang ulo nya sa pagkakasandal sa balikat ni Gino. Hindi nya maiwasan na titigan si Gino. Ni sa panaginip, hindi sumagi sa isip ni Mikay na may iba pang taong gusto syang damayan sa nararamdaman nya. Ang ex boyfriend nya kasi ang huling dumamay sa kanya at nung umalis ito, pakiramdam nya mas lalong walang natira sa kanya.

Hindi nya alam kung anong meron kay Gino. Gwapo, Oo syempre. Pero mabait, minsan lang. Base on her observation ay madalas masungit si Gino. Pero anong meron kay Gino bakit sa kabila ng lahat at si Gino parin yung magpapangiti, magtatanggol at mag aalaga.

"Are you the reason why I don't wanna meet Migs?" pabulong na sabi ni Mikay.

---------------------------------

For more info you can reach me through the following account:

Twitter: @agentofsmile

Facebook: agentofsmile@gmail.com

Instagram: @agentofsmile

Facebook Page: Agentofsmile

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon