Chapter 70

17.9K 181 19
                                    

Chapter 70

Naramdaman nyang hinawakan ni Gino ang kamay nya habang nasa sasakyan sila. Napangiti sya agad. Ganun talaga si Gino everytime na nasa byahe sila, gusto ni Gino na hawak nito ang kamay nya.

Napamulat agad si Kaella. Napanaginipan nya si Gino. Si Gino ang madalas nyang kasama sa mga byaheng ganito at naalala nya how Gino held her close to him.

Pero isang bagay ang naramdaman nya. Napatingin sya sa katabi. Mahimbing itong natutulog. Automatic na napatingin sya sa kamay nya.

Ramdam nyang nagtayuan ang mga balahibo nya ng makita na magkahawak kamay sila ni Yuan. Napatingin ulit sya sa katabi at tulog parin ito.

Ibinalik nya ang tingin sa kamay na kahawak kamay ni Yuan. Inobserbahan nya ito, sino ba ang humawak sa kanilang dalawa? Sya ba o si Yuan?

Pero base sa kamay nilang magkahawak, kamay ni Kaella ang nasa taas. At hindi masyadong nakahawak si Yuan sa kanya, kaya possibleng sya ang humawak sa kamay nito.

Nagulat sya ng maramdamang humigpit ang hawak ni Yuan at nagmulat ito. Napatingin ito kay Kaella, halatang nagulat din ito ng bahagyang mapatingin ito sa kamay nilang magkahawak.

Parang napaso na naghiwalay ang mga kamay nila at kanya-kanyang iwas na tumingin sa bintana.

"Nakakahiya ka Kaella..." pang tutuya nya sa sarili. Sya ang humawak ng kamay ni Yuan? Paano nya nagawa yun? Dahil ba sa panaginip nya na si Gino ang kasama?

Halos ayaw nya ng lumingon kay Yuan sa kahihiyan. Naiinis lang sya sa sarili.

Tumagal pa ang byahe ng dalawang oras. At dahil halos apat na oras na silang nasa byahe, ay huminto sila sa isang stop over.

"Mam, Sir... Magpapahangin lang ako ng gulong, dito po muna kayo kumain."

"Sige Manong..." sagot ni Yuan.

Bumaba sila ng sasakyan. May mga kasabayan silang mga bus na nag stop over din.

"Anung gusto mong kainin Kaella." tanong ni Yuan kay Kaella habang hindi sila makapili ng bibilhin.

"Ah.. Kahit anu..." sagot ni Kaella, nahihiya parin kasi sya kay Yuan.

"Ale, may 'kahit anu' po ba kayo dito?" tanong ni Yuan sa Tindera, ngumiti at umiling naman ito.

"See? Walang kahit anu dito, so pumili ka na ng gusto mo. Kesa tatagal pa tayo dito."

"Fine!" sagot nya at kinuha ang bibingka at inabot sa Ale.

Naiinis sya kay Yuan kaya inirapan nya ito. Ang sungit pala ng lalaking ito. Kung maka asta parang close sila.

"Drinks..?" tanong ni Yuan

"Kung anu sayo..." yun nalang sinagot nya.

Naglakad si Kaella malapit sa bilihan ng mga souvenier, baka mabara ulit sya ni Yuan eh. Maya-maya lumapit na si Yuan bitbit ang box ng bibingka at Puto at dalawang shake ng buko. Inabot ito sa kanya.

"Ayaw ko ng buko.," sabi ni Kaella.

Ayaw nya talaga ng buko dahil may two hours pa silang byahe at kapag nagbuko sya, iihi sya ng iihi.

"Kanina, tinanong kita kung anong gusto mo. Sabi mo kung anu ang akin. Kaya binilhan kita ng buko shake because this is what I want and now magrereklamo ka na ayaw mo?"

Halatang nainis si Yuan. Pero hindi magpapatalo si Kaella. Kung sungitan ang gusto nya, lalaban si Kaella.

"ayaw ko nga ng buko..."

"You buy your own drink..." sabi ni Gino at tinalikuran na sya nito. Nauna na itong sumakay sa sasakyan na naghihintay na.

"Kung si Gino yan, hindi nya ako pagagalitan agad..." reklamo nya sa isip, talo sya sa kasungitan ni Gino. Pero agad din syang natigilan.

Gino again? Napatingin ulit sya kay Yuan na nakasandal sa sasakyan habang inienjoy ang buko shake. Mukha lang talaga ang nakuha nya kay Gino.

Mas lalo syang nangulila kay Gino. Naisip nya na sana andito si Rj, minsan kasi kapag andyan si Rj, madali nyang mapaniwala ang sarili na masaya sya.

Isang bottled water nalang ang binili nya. Bumili pa sya ng iba pang food, baka kasi hindi na sya bigyan ng pagkain ni Yuan.

Sumakay sila ulit sa sasakyan at nagbyahe. Tahimik lang silang kumakain. Ramdam ni Kaella na nagbabantayan sila.

"Manong bibingka oh.." nagkatinginan sila dahil sabay silang nagsalita.

"Sige po Mam, Sir, mamaya nalang po" sagot ng driver.

Buong byahe naging tahimik sila. Pareho silang nakikinig nalang ng music separately.

After ilang oras, narting narin nila ang bahay ni Don Juanito. Ito ang nagdonate ng ilang hektaryang lupa para patayuan ng mga bahay.

"Goodevening Don Juanito," bati ni Kaella sa matanda.

"Naku mga apo buti naman maayos kayong nakarating..." nag mano pa si Kaella "Ito na ba ang nobyo mo iha?"

Nagkatinginan sila ni Yuan sa sinabi ng matanda. "Hindi po" sagot ni Kaella.

"Sya po ang Architech ng project, si Yuan Olivarez po, bestfriend po ni Rj, yung boyfriend ko po"

"Magandang gabi po Don Juanito." bati ni RJ.

"Hindi pala ito ang nobyo mo, sayang bagay pa naman kayo" nagkatinginan sila ulit pero agad ding nagiwasan "Halika na at maghapunan na tayo. Alam kong napagod kayo"

Masayang naghapunan ang mga ito. Ipinaghanda talaga sila ng matanda ng lahat ng masasarap na pagkain like seafoods at gulay.

Pareho silang naentertain ng matanda, pero andun parin ang awkward feeling between them.

"Ito ang magiging kwarto nyo!" turo ni Don Juanito sa iisang kwarto.

"Sa iisang kwarto po kami?!" gulat na tanong ni Kaella.

Napangiti si Don Juanito "Hindi, ang bahay kasi na ito magkakasama ang mga kwarto maliban sa kwarto naming ng yumao kong asawa, yan ang mga kwarto ng anak namin, parang isang kwarto lang pero hiwalay hiwalay naman yan"

Pumasok sila sa kwarto, limang kwarto pa ang nasa loob, may sala sa labas ng mga ito. Para itong isang panibagong bahay.

"Ayaw kasi ng asawa ko ng maingay, kaya ganyang ang ginawa nya sa mga kwarto ng bata para dyan na sila maglalaro."

"Ito ang kwarto mo Yuan,.." turo sa isang kwarto "Ito naman ang sayo Kaella" sa katabing kwarto ito ni Yuan.

"Thank you Don Juanito," sagot ni Yuan. Kasunod nun si Kaella naman ang nagthankyou.

"Oh sya, maiwan ko na kayo..."

Hindi nagpansinan ang dalawa at sabay na pumasok sa kani-kanilang kwarto.

Mabilis na dinalaw ng antok ang dalawa. Napagod sila sa nahabang byahe na ginawa nila.

Pero muli nanaman syang dinalaw ni Gino sa panaginip. Sa panaginip nalang ba sila magkikita ni Gino?

Sana hindi..

---------------------------

Malaput na! As in!

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon