Chapter 75
"Ang bobo mo Gino.." sagot nya sa sarili.
Paulit ulit na sinasabi yan ni Yuan sa sarili simula ng mahuli sya ni Kaella ng totoo nyang pagkatao. Hindi nya nadepensahan ang sarili, ni hindi nya nagawang pagtakpan ang nagawa. Hindi nya kayang magsinungaling kay Mikay.
Gabi na, pero hindi parin sya makatulog. Si Kaella di na sya kinakausap. Nagpahatid nalang ito ng pagkain sa kwarto, masama daw ang pakiramdam nito. Pero alam nyang ayaw syang makita nito.
Napapikit si Gino. He was so consumed by his jealousy. He was so consumed by pain, dahil hindi na sa kanya si Mikay, nasa bestfriend na nya... And that's the reason kaya naging careless sya sa kilos nya kanina kaya nalaman ni Mikay ang katotohanan.
Tumayo sya ng kama at tumayo sa harap ng bintana. Binuksan nya ng buo ang sliding window ng kwarto. Kailangan nya ng masarap na hangin, kailangan nyang huminga.
Pero hindi nya nagawa yun ng makita ang dahilan bakit mababaliw na sya ngayon. Nakita nyang si Mikay nakatayo patalikod sa kanya, habang yakap ang sarili, marahil nilalamig ito.
"Mikay, bumalik na ako,... Nagkataon lang na kay Rj ka na. Sa bestfriend ko"
------------------------------------------
Tahimik lang na nagpapahangin si Kaella sa garden ni Don Juanito. Kailangan nya ng hangin to breath. Kailangan nya ng kahit anong bagay na pwedeng makapag pagaan ng pakiramdam nya.
She's in pain,
She felt betrayed by the guy she loves the most,
And naiinis sya, nagagalit sya. All these years? Lahat ng iyak nya, lahat ng lungkot, lahat ng yun ay para pala sa taong hindi naman talaga nawala.
Bakit kailangan pa nyang paabutin ng halos ilang taon?
Nagulat nalang sya ng may naglagay ng jacket sa kanya. Paglingon nya, its Yuan-- no its Gino. Iiwas sana sya pero agad syang hinawakan nito.
"Magusap tayo..."
She look at him with a mocking face "Why? Are you trying to justify yourself or what? Trying to deny the truth?"
"No.." mahinang sagot nito "But, Kaella... Mikay..." napapikit ng madiin si Kaella when she heard 'Mikay'
"...Mikay, hindi to dapat makalabas sa lahat. Can you keep it first?"
"Bakit?" tanong ni Kaella.
Napagusapan nila ni Vicky na ilihim ito for now, pero ngayon gusto nyang malaman bakit ito nagawa ni Gino. Bakit kailangan nya pa ng identity ni Yuan.
"Kaella,. For the good of everyone." simpleng sagot ni Yuan.
"Good of everyone? Papaikutin mo ba kami sa mga kamay mo? Anu bang trip to Gino?"
"Hindi ito isang trip lang Mikay, kasi kung trip lang to.. Hindi ko gagawin lahat ng pagiingat, makabalik lang sayo ng buhay."
Hindi sya nakasagot sa sinabi ni Gino. Nakikita nya sa mukha nito ang galit, ang lungkot, ang sakit.
"Bumalik si Ulysses for Penelope, but sad to say Mikay... Hindi ako si Ulysses, at hindi ka si Penelope. Kasi nung bumalik ako may iba ka ng Prinsipe."
Hindi sya makasagot sa sinabi nito. Tulo lang ng tulo ang mga luha sa mata nya, naalala nya ang pangako nya rito na maghihintay sya like waht Penelope did. Pero akala nya, akala nya patay na ito....
Nakita nyang umiiyak narin si Gino. Gusto nyang yakapin ito pero hindi nya magawa, gusto nyang sabihin "Its okay, Im still here loving you"
Pero hindi iyon ganun kadali. Everything is complicated, everything is not according to what they want. Every move nila, may masasaktan.
"Hindi ko man natupad yung pangako ko na hindi kita iiwan,." dugtong ni Gino habang umiiyak. "May isang pangako akong pilit na tinutupad araw araw..."
Hindi sya makapagsalita. Naghihintay nalang sya ng kasunod na sasabihin ni Gino. "Yun ay yung pangako ko na kahit anong mangyari ikaw lang ang mamahalin ko"
Naglakad palayo sa kanya si Gino. Kanina lang sya ang galit dito, pero ngayon nakita nya na wala syang karapatang magalit dito.
"Lahat ng nalaman mo, just keep it first. Sa tamang panahon, malalaman mo rin ang lahat. Malalaman din ng lahat ang totoo. Just wait for the right time."
Naglakad na ito palayo sa kanya. At hindi nya magawang pigilan ito kahit gusto nya pa, hindi nya magawang sundan ito. Tiningnan nya nalang ito palayo sa kanya.
Hindi nya alam paano sya nakaakyat sa kwarto nya, pero ang alam nya ngayon nasa kwarto na sya tahimik na umiiyak. After everything na nalaman nya? Parang hindi na kakayanin ng puso nya.
Masakit malaman na yung pinaka iingatan nyang pagibig, mawawala nalang dahil sa isang maling desisyon.
-------------------------
Hindi namalayan ni Kaella na nakatulog na pala sya. Nakatulugan na nya ang kakaiyak. Napatingin sya sa ceiling ng bahay, naisip nya si Gino. Bakit nga ba sya magagalit kay Gino? Mahal nya naman ito, at mahal din sya nito.
Dali dali syang bumaba para puntahan si Gino sa kwarto. All she want to do right now is to set aside any complications, to set aside all the questions, to set aside even the pain.
Ang gagawin nya lang ay mahalin si Gino. Gusto nya ito mayakap ng mahigpit,
Pag dating sa kwarto ay wala ito. Kaya dali dali syang lumabas.
"Don Juanito? Asan po si Gino?" medyo nagulat pa ito sa kanya bago sumagot.
"Lumabas, at maglalakad lakad daw muna.." tumakbo na sya kaagad para puntahan si Gino.
Hindi pa sya nakakalayo sa bahay, nakita na nya ito. Napahinto sya at napatingin sa mukha ni Gino na ngayon ay nakatingin na rin sa kanya.
Lalapit na sana sya dito, ng biglang dumating.
"Baby surprise!!" its Rj.
Napatulala sya kay Rj na nakangiti sa kanya. Lumapit ito sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.
"I miss you..." lihim syang tumingin kay Gino na nasa malayo, malungkot na nakatingin sa kanila.
Hindi ba pwedeng maging malaya nalang sila ni Gino na magmahalan? Hindi ba pwedenh sila nalang? Wala ng iba.
Nakita nalang nyang malungkot na tumalikod si Gino at umiwas sa kanila.
"I miss you..." sabi ni Kaella habang sa malayong Gino nakatingin.
------------------------
Hello to Ma. Cristina Jaylo. Thank you for the support.
And sa lahat,.. Thanks dahil grae support nyo kahit maraming mali sa story na to. And kahit itong chapter na to, may mga mali. hehehe
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...