Chapter 7

33.5K 391 12
                                    

CHAPTER 7

"Thank you for coming Mam..."

Someone tapped Gino's shoulder, "Gino, alas kwatro na oh, pero umaapaw parin ang energy mo.."

"Masaya lang ako Mam..." sagot ni Gino kay Mam Vicky na Manager nila.

"Mukhang may nagpapasaya na kay Gino ah..." inaasar pa sya ng mga katrabaho nya. Madaling araw na kaya nagagawa pa nila magkwentuhan dahil unti lang ang customer.

"Wala naman Mam,. Ewan ko, basta masaya lang ako..." nakangiting sabi ni Gino.

"Gino ang swerte naman ng magiging girlfriend mo, gwapo ka na, masipag pa..." that's Kiray, katrabaho nya.

"Kayalang wala pa ako nakikitang babaeng pwedeng maging girlfriend eh..."

"Baka naman may nakita ka na, ayaw mo lang pansinin..." si EJ yun, kasamahan nya rin sa trabaho.

Natigilan sya, bakit sa sinabi ni EJ mukha ni Mikay ang unang nagflash sa isip nya? Napailing nalang tuloy si Gino, bakit sa lahat ng babae ang maiisip nya, yung pinaka ayaw nya pa.

Mabilis na lumipas ang oras, 6am ang out ni Gino sa fast food. Kaya ng mag alas sais na ay nag handa na sya pauwi. Bibili pa kasi sya ng pandesal.

Umaga na pero ang saya parin ni Gino. Hindi nya alam ang dahilan, pero pag naiisip nya si Mikay ay di nya mapigilan na mapangiti. Ayaw nya si Mikay, actually ayaw na ayaw, ayaw nya sa mayayaman pero hindi nya alam bakit may something kay Mikay na kahit papaabo nagpapa gaan ng pakiramdam nya.

------------------------

Maagang nagising si Mikaella. Sa totoo lang talaga masakit ang likod nya dahil sa kama na hinihigaan nya, tapos napakainit pa kapag bandang alas singko na ng madaling araw.

Pero sa kabila ng lahat ng yun, masaya syang nagising. She checked her phone, inoff nya pala ito kahapon pa dahil tumatawag ang papa nya. Ngayon nya lang binuksan.

Sunod sunod na mensahe ang natanggap nya. Mostly ng messages ay galing sa Papa nya. Yung iba galing kay Ranz, doon nya lang naalala na hindi pa pala sya nakikipagbreak dito. Pero tinatamad sya magtext dito eh,

Binuksan nya ang message galing sa Papa nya.

[Anak, don't hate me for doing this. Its for your own good]

[I miss you Princess,. I hope you're doing fine there]

[You're not answering my call.]

[Don't turn off your phone..]

[I love you my Princess that's why I have to do this.]

Napangiti sya sa mga messages ng Papa nya. She missed him too. Its been 9 years since she lost her Mom physically and when she lost her father emotionally.

Mas pinili nyang hindi muna magreply. Kasi kahit papano, nagtatampo parin sya sa Papa nya. Pero naiisip nya rin kung hindi sya nagrebelde wala sya dito, pero hindi sya magrerebelde kung hindi sya iniwan sa ere ng Papa nya.

Huminga sya ng malalim para pigilan ang sarili sa nabubuong emosyon dahil sa mga naiisip. She woke up with a happy heart and di nya sasayangin ang araw na 'to.

Lumabas sya ng kwarto at nakitang nagbabasa ng newspaper si Aling Belen. "Mikay, kain na..."

Ngumiti sya at umupo sa tabi ni Aling Belen. Napatitig sya sa ulam, dahil hindi nya alam kung anong luto iyon. Kaya nagtanong na si Aling Belen "Sardinas yan na may itlog, hindi ka ba nakain ng sardinas?"

"Hindi pa ako nakakatikim ng sardinas ever eh..."

Naibaba ni Aling Belen ang Newspaper "Talaga? Sige ipagpiprito nalang kita ng itlog"

"wag na po" pigil ni Mikay "...gusto ko po syang tikman"

"Sigurado ka Iha?"

"Opo..."

Maganang kumain si Mikay. Nasarapan talaga sya. Malasa ito, at talaga masarap. Hindi nya akalain na may masasarap palang ganitong pagkain. Sa tv lang kasi nya nakikita ang sardines, at minsan sa grocery.

"Mikay, mamamalengke ako... Gusto mo bang sumama?" tanong ni Aling Belen.

"Sige po..."

-----------------------------------------

"Nay?"

"Mikay!"

Kakauwi lang ni Gino. Pero wala syang nadatnan sa bahay nila. Bumaba sya ng bahay nila at may nakitang nakatambay sa gilid ng bahay nila.

"Tol, nakita mo ba yung Nanay ko?"

"Gino namalengke, kasama ng boarder nyo... Ang ganda talaga ng chickas na yun no? Ang ganda ng legs, ..."

Napakunot noo sya sa sinabi ng kabitbahay nya "Bakit? Ano bang suot?"

"Ang ikli ng short, kitang kita ang legs na maganda..."

"Pwede ba tigil tigilan mo ang pangbabastos kay Mikay..."

"Tol nagtatanong ka lang naman ah... Sumagot lang ako"

"Sinagot mo ang tanong ko, siningitan mo naman ng kamanyakan mo"

Hindi na nya hinintay na sumagot pa ito, dumiretso nalang sya sa palengke. Kailangan nyang tulungan ang nanay nya, at bantayan ang bisita nya.

Nasa palengke na sya. Maraming tao, maingay. Kaya nga hindi nya nakita agad ang Nanay nya at si Mikay. Lakad lang sya ng lakad until finally.

Pero hindi nya alam kung matutuwa sya sa nadatnan nya...

Si Mikay nakikipagtalo sa isang tindera. Habang si nanay Belen ay pinipigilan ito at halatang nahihiya na.

"You know what kung anong problema sa inyong mahihirap? Hindi kayo marunong magisip. You don't know how to that brain of yours. Ang tanong, meron nga ba?"

Minura sya ng isang tindera, at ng isa pang tindera. She just smiled sarcastically and walk away. Nakita lahat yun ni Gino sa malayo. Nadisappoint sya sa sobrang panget ng ugali ni Mikay.

Papunta sa gawi nya si Mikay. At alam nyang mapansin sya nito, napahinto ito saglit at tumingin sa kanya. Pero agad din itong naglakad palabas ng palengke. Hindi nya alam ang totoong nangyari, pero ano man ang dahilan, walang karapatan ang isang Mikaella Madrigal na maliitin ang mga tulad nyang mahirap.

"Oh Gino, nakita mo ba si Mikay?"

"Bakit mo pa nay hahabulin ang taong mukhang ayaw naman tayo makasama?" he coldly answered his mother.

"Anak kahit anu pa man, pananagutan natin si Mikay sa ama nito...." sagot nya kay Gino bago nagmamadaling humabol.

Apart of him wants to run and look for Mikay. But the other part is on contrary. Dahil sa ginawa ni Mikay, naalala nya ang nakaraan. How he and his real mother suffered sa mga kamay ng mga taong minamaliit lang ang mga tulad nila.

--------------------------------

"Nasaan na ba ang batang yun..." nagaalalang sabi ni Aling Belen.

Kanina pa ito nag-aalala kay Mikay dahil gabi na hindi pa ito umuuwi. Nang tinawagan nya ang cellphone nito, nalaman nyang hindi pala nito dala, iniwan nya pala ito sa kwarto.

"Nay, lumayas na si Mikay... Ayaw nya sa atin, wala na tayong magagawa doon.."

"Gino, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Oo nga ayaw nya sa mga tulad natin, pero hindi sya pusa na hahayaan mong maglayas nalang ng ganun..."

Nanahimik nalang si Gino. Hindi nya mapaliwanag ang nararamdaman nya. Pero alam nyang yung galit sa puso nya, andoon parin.

After almost two (2) hours, nakapagtanong tanong na si Aling Belen sa kung saan, pero wala syang napala. Kaya nga umuwi nalang sya, at labag man sa loob ni Gino, inako nalang nya ang paghahanap dahil nalang rin sa Nanay nya.

"Aling Belen..."

Napalingon si Aling Belen sa pinanggalingan ng boses. Si Mikay, nakatayo, "Naku Mikay.... San ka ba galing?"

Lumapit si Aling Belen kay Mikay. "Ano bang nagyari sayo Iha?"

Pero hindi sumagot si Mikay, niyakap nalang nya si Aling Belen.

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon