Chapter 58
Patapos na ang warm up ni Gino and Jao. Ready na sila for series of training for the day. But, katulad nga ng sabi ni Mikay at ng ibang readers,...
"Sa Kwento na to, MARAMING EPAL"
Tulad ng bagong dating sa court, si Ranz Medriano and ex boyfriend ng girlfriend ni Gino. Napakunot noo agad sya ng makita ang epal na mukha nito...
"Andito pala ang girlfriend ko eh..."
Napakunot noo agad si Gino. Bakit ba tong lalaking to ay punong puno ng kayabangan sa katawan? Parang noong una silang nagkita sa fastfood. Kapag naalala nya kung paano pumupulupot na parang sawa ang braso ng Ranz na to sa katawan ni Mikay, umiinit talaga ang ulo nya.
May mga kasama pang alipores itong Ranz, at lahat sila lumapit sa kinaroroonan ni Mikay. Agad din namang lumapit si Gino at Jao to protect their Princess.
"Bro mapapalaban ata tayo ah..." bulong ni jao habang naglalakad sila
"Bakit? Papatalo pa tayo?"
Isqng ngiting tagumpay palang nagkaintindihan na silang dalawa,. Syempre hindi sila magpapatalo, hinding hindi.
"Mga brad, may training kami dito and nakiusap kami sa management na gagamitin namin ang court for a day"
Syempre dapat magalang din ang Intro ni Jao. Hahayaan na nilang iprovoke sila na magalit. Pero sa kabaitan nila halatang nakikipaglokohan lang sa kanina ang grupo ni Ranz.
"Alam mo BRAD,.. wala akong pakialam sa nararamdaman nyo. You can play all you want, basta ako..." umupo sya sa tabi ni Mikay at inakbayan sya nito.
"Ako dito lang sa tabi ng girlfriend ko..." inilayo agad ni Gino si Mikay kay Ranz. Halata naman ang pagkagulat ni Ranz.
"Wow, kaella, baby... Over protective naman yang body guard mo" pangaasar nito.
Nagsalita naman agad si Jao "Nagpunta kami dito for a training, hindi para sa basag ulo."
"Wow naman,. Pati itong Prince charming mo babe oh, napaka overprotective." tumayo ito at lumapit kay Jao para tingnan ito sa mata sa mata.
"Pero kahit na overprotective ka pa... Akin lang si Kaella, hindi mo sya makukuha."
Jao twitched his lips into a smirk as an answer. Sya parin pala ang pinagseselosan ni Ranz, so hindi pala sya updated.
"Hindi ako kay Jao, and mas lalong I'm not yours!!" lumapit si Mikay kay Gino and reached for his hand "kaya wag mo na akong tatawaging 'babe'"
Nakangangang nakatingin si Ranz sa magkaholding hands na si Gino at Mikay. And Kaella is so thankful na hindi naman ganun kabobo si Ranz, nakuha naman nito ang gustong iparating ni Mikay.
Nagtatawanan ang grupo ni Ranz sa pangunguna ni Ranz Medriano, also known as Mr. S.A. Tan, as in SATAN. "Kaella, ito ang pinagpalit mo sa akin? Itong payatot na to?"
"Oo, ako nga yung payatot na ipinalit sayo? Mas gusto kasi nya ang payat nga, may height naman,.."
Halatang napikon agad si Ranz sa sinabi ni Gino. Kaya lumapit sya kay Gino at tinulak ito mula sa dibdib. "Mayabang ka na? Ha?"
Nagpipigil lang si Gino dahil nakita nyang nagalala si Mikay at ng tingnan nya ito parang nagsasabi na "wag na patulan"
"Teka teka... You look familiar!" tumingin sya ulit kay Mikay in disbelief "Pinagpalit mo ako sa crew ng Mcdo?"
"Anu namang masama kung crew nga ako nagtatrabaho?" madiin na sabi ni Gino. Si Jao naman nagaabang lang ng sapakan, nagpipigil nadin sya eh.
"Masama brad, dahil hindi kayo bagay... Hindi pumapatol si Kaella sa mga katulad mong hampas lupa."
"Ranz anu ba, umalis ka na nga." naiinis na sabi ni Mikay.
Hindi naman sya pinansin ni Ranz. "Alam mo brad, ihanda mo na ang sarili mo, pinaglalaruan ka lang ni Kaella"
Kitang kita sa mukha ni Gino ang pagtitimpi, gusto na nyang wasakin ang mukha ni Ranz. "Pera lang naman pinagkaiba namin ah. Ikaw tumatanggap ka lang, ako pinagtatrabahuan ko."
"Ang lakas ng loob mo na magmayabang sa lahat, eh sa Nanay mo lang naman ang takbo mo kapag may problema ka diba? Para kang uhuging bata na kaawa awang lumalapit sa Nanay mo"
Nagtawanan silang lahat, at napakalakas naman ng tawa ng barkada ni Ranz. Alam kasi nila na may katotohanan ang sinabi ni Gino. Nakita nila ito the day na nakulong si Ranz with Mikay dahil sa illegal drag race.
Sinamaan nya lang ng tingin ang mga ito. "Manahimik nga kayo!" sigaw nya sa mga kasama.
"Tama na yan," awat ni Jao "Bakit hindi nalang tayo maglaro? Magkanap ka ng kasama mo at lumaban kayo sa amin ni Gino"
Nagtinginan pa si Ranz at ng mga kasama nya. Nakatingin ito sa matangkad na kasama bago nagsalitang "Game..."
"Okay Game!!"
Halatang mas gusto irevive ni Ranz ang ego nya na nasira dahil sa 'Mamas boy' thing. Kaya rin ito pumayag, at pinili nya ang matangkad na kasama nya.
Shooting lang ang game nila, first 20 points at ang matalo lulusot sa ilalim ng nanalo.
"Bro, ayaw ko lumusot ha... Kaya wag tayong papatalo" sabi ni Jao.
"Ngayon palang, alam ko ng tayo ang panalo"
Nagsimula na ang laro. Naging mainit ang laban, hindi dahil magaling si Ranz kundi magaling ang kasama nitong maglaro. Si Ranz halos hindi makakuha ng points, madalas pa madapa at madulas.
Pigil sa tawa nalang sila dahil baka mas magkaaway pa. Pati mga kabarkada nito parang nahihiya na, paano yung leader nila lampa.
"Hindi ako lulusot dyan!!" sigaw ni Ranz. Malamang talo sila eh.
"Bakla ka ata eh, di ka marunong tumupad sa usapan." pangaasar ni Gino
"Hoy ikaw"panduduro ni Ranz kay Gino "Ikaw na hampaslupa ka, manahimik ka."
Ngumiti lang si Gino ng maganda "At yung hampas lupa na to, ito yung nakatalo sayo"
Nagtawanan pa si Gino at Jao at nagapir pa. Si Mikay at Julia ay nakikitawa rin. Mukha kasi talagang bata si Ranz, puro yabang lang pala.
Nagulat nalang sila ng sinuntok ni Ranz si Gino. Mabilis naman napatayo si Mikay, pero nagulat sya sa nangyari.
"Bro, next time galingan mo sumuntok. Bilisan mo yung kamao mo, para hindi ka masupalpal"
Dinuro nalang ulit ni Ranz si Gino at Jao "Makakaganti rin ako sa inyo?"
Matapos nun ay umalis na sya na talunan. Walang kalaban laban.
"Grabe naman kalampa ng ex mo Mikay!" tawa ng tawa si Gino kanina pa, dalawa sila ni Jao na walang tigil sa kakatawa.
Nasa sasakyan na sila pauwi ng Malacanang, nasa iisang sasakyang nalang sila. At inaalala ni Gino at Jao kung gaano kalampa si Ranz.
"Hoy kanina kayo tawa ng tawa, baka kabagin na kayo nyan" singit ni Julia. Magkatabi sila ni Kaella sa back seat.
"Alam mo brad, dapat regaluhan natin yun si Ranz ng damit eh, may tatak na 'Distancia Amigo, Disgracia Sigurado'"
Mas lalo silang nagtawanan. Napailing nalang ang dalawang babae sa likod.
"Magkapatid nga siguro tong dalawang to" yan nalang nasabi ni Kaella.
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...