Chapter 46
'Time to face your adulthood with a beautiful smile' a piece of advice from her father. On the way na sila sa hotel kung saan gaganapin ang birthday celebration nya.
"May mga press sa labas ng hotel, ngumiti ka lang and don't worry hindi sila allowed inside the hotel" sabi ng Papa nya sa kanya.
Ngumiti si Kaella "Thankyou Pa"
Mas pinili ng Papa nya ang private celebration dahil daw sa minsan lang ang 18th birthday ng kaisa-isa nyang anak at hindi sya papayag na masira ito ng isang magulong mundo ng pulitika.
Huminto ang black limo na sinasakyan nilang mag-ama. Kaella is expecting press sa labas ng hotel pero hindi nya iniexpect na its like in hollywood. Doon nya lang naalala, sya nga pala ang anak ng bagong Presidente ng bansa.
"Are we good to go?" tanong ng Papa nya. Tumango naman sya bilang sagot. Ngumiti ito as encouragement for her bago naunang lumabas ng sasakyan.
Flashes of cameras strikes kahit ang Papa palang nito ang bumaba ng sasakyan. He opened the car's door for her daughter and camera flashes doubled this time. Kumapit si Kaella sa braso ng Papa nya habang naglalakad sa red carpet.
"Pa isn't too grand?" tanong ni Kaella. Princess kasi ang theme ng kanyang debut party.
"Para sayo my Princess, I will do anything" napangiti lang si Kaella sa sagot ng Papa nya at nagpatuloy sa paglalakad.
She's happy naman ngayon na birthday nya, its just that... She knows she can be happier kapag andito si Gino. Pero naisip nya, kailangan nyang maging masaya para sa effort ng Papa nya.
Nabawasan narin ang tampo nya kay Gino, naintindihan narin nya na there are some things na hindi mo makukuha. Mga bagay na gusto mo, pero hindi pwede. Well at least sila parin ni Gino diba?
The best gift na natanggap nya, yun ay ang assurance ng pagmamahal ni Gino. And whatever circumstance, yun ang pang hahawakan nya.
Before nakarating ng ballroom hall kung saan gaganapin ang main party- nakita na nya kaagad ang apat na taong pinaka importante sa buhay nya- ang mga lolo at lola nya from both sides ng magulang.
Agad syang lumapit kahit na nakahills sya, ay nagmamadali syang lumapit para mayakap ang mga ito. Alam nyang umuwi ito para sa Inauguration ng Papa nya pero mas inagahan nila para sa birthday ni Kaella.
"I missed you..." medyo naiiyak pa si Kaella. The last time kasi na nakita nya ito sa personal ay noong nag-one year ang death anniversary and that was a long time ago.
"Naku, iiyak pa ata ang Princess natin eh.," comfort ng Lolo nya.
"Kaella,.. Apo ko, ang ganda-ganda mo" sabi ng isa nya pang Lolo.
"Syempre Lolo, mixture ng Roxas and Madrigal... Maganda talaga dapat" biro pa nya.
"yeah, that's true..." sagot ng Lola nya, at pinunasan ang luha sa mata ng Apo "Kaya nga stop crying na..."
Nakangiti syang nagpunas ng luha mula sa mga mata. "Kasi kayo eh, you surprised me"
"Papalampasin ba namin ang birthday ng nagiisa naming apo?" sagot ng Lola nya.
"Dapat lang hindi... Magtatampo talaga ako if you did."natatawang sagot ni Kaella. "Sige na po, let's get inside."
Natawa sila to lighten up the mood. "Hinihintay ka na ng mga bisita mo"
Muli syang humawak sa Papa nya. Nauna ang mga lolo at lola nya at partner partner silang pumasok. Napaisip si Kaella, sana andito si Gino para makilala na nila si Gino.
Pero wala eh... Wala si Gino.
Pagkapasok palang nila namangha na agad si Kaella sa ganda ng venue. Marami ng tao na andoon and mostly kilalang tao. Andoon ang mga kaibigan sa business world ng Papa ni Kaella kasama ang mga anak nito pati narin ang mga kasama ng Papa nya sa pulitika. Pati ang pinakasikat na young actor na si Billy Fernandez nasa birthday nya, isa sa magsasayaw sa kanya.
Hinatid sya ng Papa nya sa harap kung saan sya uupo. Para talaga syang totoong Princesa sa ganda nito. Matapos nun ay naglakad ang Papa nya papunta sa microphone.
"Friends..." bati ng Papa nya sa mga bisita "18 years ago, I prayed for happiness for me and my loving wife..."
"And God gave me my daughter" bahagya pa itong lumingon sa kinaroroonang ng anak. "That was one of the happiest moment na naranasan namin ng wife ko."
"And when I saw her face after delivery, I say I little prayer... 'Lord, make her like her Mom'.. And as she grow up, I know in my heart na God answered my prayer. My only daughter Mikaella is just like her mom"
Huminga ng malalim ang Papa nya "Well, so much for that drama. Simula palang umiiyak na ang Princesa ko." natawa pa ang bisita maging si Kaella.
"My Princess must have a prince right?" medyo napakunot ng noo si Kaella, Prince? Si Jao? Yes, maybe for tonight, but not in real life. Nabother tuloy sya na this might compliment things.
"Let's all welcome... My daughter's boyfriend.." napalingon agad si Kaella sa pintong lalabasan ng escort nya, nakita nya na andun si Jao nakatayo. Napatingin sya ulit sa Papa nya pero hindi ito nakatingin sa kanya.
"...my daughter's Prince..."
"Gino Dela Rosa."
---------------------------------
Sorry ilang araw ako absent. My visitor kasi ako and some wedding preparations.
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...