Chapter 33
Simula na ng Kampanya. Busy ang lahat ng pulitiko mangako sa mga kapwa nila Pinoy. Lahat busy mag pabida. Bawat salitang lumalabas sa mga bibig nila, hindi mo alam kung gaano ka totoo.
Kasabay ng pagiging busy ng mga pulitiko na kumakandidato at ang pagkabusy ng kanyang mahal na Princesa. Madalang na silang nagkikita ngayon dahil sa laging kasama si Mikay sa mga kampanya ng Papa nya sa iba't ibang lugar.
Tahimik lang na nakatingin si Gino sa nasisirang kisame ng bahay nila habang nakahiga. Iniisip nya si Mikay na halos dalawang linggo na nyang hindi nakikita at tanging sa cellphone lang sila naguusap.
Tumingin sa cellphone nya, wala paring reply ang girlfriend nya. Huminga sya ng malalim at kinuha ang unan tinakip sa mukha "Tiis pa Gino, kaya mo pa naman eh"
Nakarinig sya ng katok mula sa kanyang kwarto. "Gino, oh. di ka ba lalabas?"tanong ni Nanay Belen, "Ako maglalaba sa likod"
"Sige Nay, ako na bahala dito." lumabas si Gino at bumaba na si Aling Belen.
Tiningnan ni Gino ang paligid at nagisip ng gagawin para yung tampo nya kay Mikay ay mailipat nya sa positive energy.
"Maglilinis ako ng bahay" sabi nya.
Simula sala, hanggang kusina pati hanggang baba ay walang sawang pinaglilinis ni Gino. Day off nya nga pero para narin syang nagtatrabaho.
Biglang tumunog ang phone nya, at dali dali naman syang tumakbo. Nakita nya na nagreply na ang Princesa nya.
[Hon, Im sorry ngayon lang ako nakapagreply. Im here pala sa airport going to Palawan, may campaign si Papa doon eh. Sorry short notice lang ha. I miss you, I wish you were here]
"Pambihira, Palawan? Baka naman isang buwang sweldo ko pamasahe palang papunta doon" parang gusto nya tuloy magalit sa Palawan bakit ang layo nito. Bakit nahiwalay pa ito at naging isang malaking Isla. Ayan tuloy ang layo sa kanya ng mahal nya, gustuhin nya mang sumunod, di nya magagawa.
Nagreply sya.
[:( Malungkot ako. 2 week na tau na di nagkikita. Namimiss na kita. Pero diba sabi ko susuportahan kita sa pagiging mabuting anak mo? Kaya magingat ka nalang dyan, at wag maghahanap ng gwapo. Tandaan mo, ang nagiisang gwapo sa mundo, andito sa Masantol, at yun ay ako.]
Matapos matype ay ibinalik nya sa bulsa ang cellphone "Banat banat din kahit bad vibes." bulong nya bago nagbalik trabaho. Nagreply pa si Mikay na namimiss narin daw nya ito. At nagpapasalamat.
Matapos ang halos isang oras, napaupo sya sa sobrang pagod. Full blast ang ginawa nyang paglilinis sa bahay nila.
"Oh, naglinis ka pala?" takang tanong ni Nanay Belen.
"Opo Nay, gusto ko mapagod eh." sagot nya bago tumayo "Sige Nay, maligo muna ako."
Matapos ang tatlong pong minuto ay natapos narin syang maligo. Pakiramdam nya bago na syang nilalang dahil presko na ulit ang pakiramdam nya.
"Gwapo ka na ulit Gino.." sabi nya habang nakaharap sa salamin. Pero napailing din "Sayang Mikay, mamimiss mo ang kagwapohan ng boyfriend mo"
He chuckled. Para syang timang sa ginagawa nya. Pero nahinto ang kapilyohan nya sa isang tawag sa cellphone.
Kilala nya ang tumawag sa kanya, at hesitant syang sagutin ito. Peor sinagot nya parin.
"Hello?"
-------------------------------
Tahimik na nakamasid si Mikay sa labas ng bintana ng eroplanong sinasakyan. Nakikita nya ang ulap at sa baba ang malawak na dagat. First time nyang pumunta ng Palawan. Maraming nagsasabi na maganda daw ito, pero paano nya ito maappreciate kung ang pupuntahan nya doon ay isang kampanya. Kampanya sa maruming laro ng Pulitika.
Napatingin sya sa Papa nya. May mga inaaral ito papeles. Marahil ito na ang mga plataporma ng kanilang party list para sa Palawan.
"Kaella, anung alam mo sa Palawan?" nagulat sya sa tanong ng Papa nya.
"Palawan? Maganda raw doon. Andun ang Underground River at, I've heard na they are fighting against mining"
Napaisip si Senator sa sinabi ng anak nya. "I wanna add something dito sa Plataporma," mukhang sigurado ng ang Papa nya kaya di na sya nagsalita "Thank you Kaella"
Ngayon nya lang nararamdaman ang pagiging anak ng isang Politician. Lalo na ngayon na tatakbo bilang Presidente ang Papa nya. Pag nanalo ang Papa nya, anu kaya magiging epekto nito sa buhay nya?
Muli syang napatingin sa bintana. How she missed Gino so much. Naisip nya tuloy na ngayon nagiging matino sya, halos wala syang maibigay na time sa boyfriend. Samantalang noong sila pa ni Ranz, eh kahit nonsense ang pinupuntahan at ginagawa nila nakakasama nya ito araw araw.
Bakit ba kasi kung kelan seryoso ka na, doon naman apektado ang love life mo.
Matapos ang halos isang oras na byahe, narating narin nila ang Puerto Princesa Airport. Simple lang ito, malayo sa NAIA.
Sinalubong sila ng mga kilalang tao, ang Mayor ng Palawan na kasapi rin nila sa party list. Mga taong kinakamusta sila at nagbigay pa ng bulaklak sa kanya.
Natutuwa sya sa hospitality na pinapakita nito sa kanya. Sana lang hindi ito pamumulitika lang.
Tatawagan na sana nya si Gino para ipaalam na dumating na sya sa Palawan.
"Oh my, bakit ngayon pa."
"anung problema?"tanong ng Papa nya. Nakasakay na sila sa Van papuntang Hotel.
"Lowbat ako Pa, how can I call Gino?"
"Use my phone... Here" kinuha nya naman, she dialled Gino's number and to her surprise, out of coverage.
Dinial nya ito ulit at ganun din ulit. "Anu nanaman bang problema.?"
"why?" tanong Papa nya.
"Out of coverage"
"Baka naman may ginagawa"
Sumuko na sya sa kakadial. Kaya naisipan nyang magpahinga nalang muna bago tawagan ito ulit.
--------------------------
Hindi alam ni Gino kung anu ang mararamdaman. Nabigla sya sa mga pangyayari. Nabigla sya sa biglaang disisyon.
"Sir welcome to Philippine Pacific, bound for Palawan. Enjoy your safe flight."
Matapos nya yun marinig, naramdaman nya agad ang saya at excitement. Blessing talaga ang phone call na natanggap nya kanina.
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...