Chapter 67
"Im Yuan Olivarez..."
Nanatili lang nakatitig si Kaella sa mukha ng lalaking nasa harapan nya. Hindi nya alam kung namamalik mata lang ba sya o talagang kamukha ni Gino ang nasa harapan.
Resemblance in not a right word kung ikukompara ito kay Gino. Photocopy is the perfect word. From the lips, to his pointed nose, to his eyes...
"Baby are you okay?" doon sya natauhan. Kasama nya pala si Rj.
"Are you sure na okay ka lang? Namumutla ka..." napatingin ulit sya sa lalaking nagsalita, si Yuan. Pati boses ay kuha nito, may unting pagbabago lang dahil very masculine na ang boses nito compare to Gino.
She tried to calm herself. Kagit na nanginginig na ang tuhod nya, pinilit nyang iayos ang sarili nya.
"Ah, nagutom lang ako." simpleng sagot nya.
"Robi anu ba yan, minsan ka na nga lang magpakilala ng magandang babae, pinapagutuman mo pa."
"Hindi ah, ahm..." parang natense naman si Rj. Nahiya sya sa sinabi ni Yuan.
Kumapit na si Kaella sa braso ni RJ "H-hindi, its my fault actually, hindi ako kumakain sa tamang oras"
"Kasalanan mo nga," sagot ni Yuan "Ganito nalang, you'll find a place and ako na maghahatid ng food niyo"
"Thanks bro" sabi ni RJ bago inalalayan ang girlfriend sa isang malapit na table.
"sabi ko naman sayo baby eh... Hindi ka kasi kumakain ng maayos" malambing na sermon ni RJ
"Yeah," yun lang nasagot ni Kaella at napahawak na ang palad nya sa noo nya.
Seven years nyang hinintay na makitang muli ang mukha na yun kahit alam nyang impossible, seven years syang humiling na kahit magparamdam lang o kahit multuhin pa sya, basta makita nya lang ang mga mukhang iyon, ayos lang.
But right now? Yun yung mukhang matagal na nyang hinihintay na makita, pero yun din ba yung taong gusto nyang makasama?
Sino ba si Yuan Olivarez? Bakit magkamukha sila ni Gino? Bakit?... Naguguluhan na sya sa sobrang daming tanong sa isip nya.
Naramdaman nyang may yumakap sa kanya mula sa gilid. "Nahihilo ka ba? Sandal ka sa balikat ko"
Hindi na sya umangal, wala ng panahon ang isip nya na umangal dahil masyado na itong naguguluhan. Kaya sumandal nalang sya kay RJ habang nakayakap ito sa kanya from the side.
"Sweet ka pala bro?" bigla namang dumating si Yuan na may dalang orange juice at inabot sa kanya "Kaella, here..."
Humiwalay na si Kaella kay Rj, medyo nakaramdam kasi sya ng hiya. Na pakiramdam nya may masasaktan...
'Kaella, he's not Gino, he is Yuan kaya hindi sya masasaktan"
Maya-maya dumating na ang dalawang waiter na nagserve ng food nila. "Kaella, kumain ka ng mabuti ha... First time lang magpapakilala nitong bestfriend ko ng girlfriend nya, so dapat inaalalagaan ko rin"
Nawalan sya ng gana sa inaasta ni Yuan. Nadisappoint sya dahil mukha lang ni Gino ang nakuha ni Yuan, kasi kung pati puso ni Gino nakuha nya, alam nyang hindi sya hahayaan nito na alagaan ng iba. Namiss nya tuloy ang pagiging possesive ni Gino.
Wala sa sarili nalang na kumain si Kaella. Pinilit nyang kumain to divert her attention. Gusto nyang isipin na mas masarap ang pagkain kesa sa iniisip nya about Gino ang Yuan.
"Well, if that project would benefit many Filipinos then why not diba?"
"That's great man, hindi mo pagsisisihan na naging part ka ng housing project na to" sabi ni RJ "Right baby?"
"Ha?"
"Nagenjoy kumain ang baby ko" lambing pa ni Rj. "..pumayag na si Yuan na maging Architech for free"
"Really?" tumango naman si Yuan.
"Oh My Goodness" yan nalang nasabi ni Kaella sa isip bago ngumiti para hindi mahalata na napressure sya.
Makakasama nya everyday for almost ilang months si Yuan dahil sya ang Architech nito. Makakasama nya ulit ang nagmamay ari ng mukha ng lalaking pinakamamahal nya na si Gino.
-------------------------
"What happened?" tanong ni Vicky.
Nagmamadali itong pumunta sa unit ni Kaella kahit na almost midnight na. Pinasundo nya ito sa driver nya dahil kailangan nya ng kausap.
Nadatnan nya si Kaella na nakaupo sa sofa, habang naka-de kwatro hawak ng isang kamay ang kanyang ulo. Parang stress na stress ito.
"Check it out" turo nito sa laptop na nakalagay sa isang center table.
Kinuha agad ito ni Vicky. Nakalagay ito sa browser isang biography ng isang kilalang architech, si Yuan Olivarez.
"Yuan Olivarez, born on June 12, 1998. The head architech of Olivarez and Assiociates." nagsimula ng nagbasa si Vicky loudly.
"Olivarez moved with his family to Australia when she was 8 years old, where he was raised in a Filipino good manners and spirit."
Medyo nawiwierdohan si Vicky sa binabasa nya, hindi nya magets ang lahat.
"He obtained his Architechture degree from University of Sydney in Australia, graduating with Magna Cum Laude"
Tumabi na si Vicky kay Kaella bitbit ang laptop "Pinapunta mo ako dito sa Unit mo para ipabasa ang bio ni Yuan Olivarez?"
Tumango si Kaella, "You scroll up..."
Kahit na nagtataka, ginawa parin ni Vicky. At nang makita nya ang larawan ni Yuan Olivarez, halos mapamura sya.
"My ghad Kaella, tama ba tong nakikita ko?"
"I had the same question nung nakita ko sya kanina.."
"What?!" tanong ni Vicky "Nagkita kayo? As in harapan?"
"Oo, he's RJ's bestfriend" napasapo si Kaella sa dalawa nyang palad. "Naiinis ako sa sarili ko..."
"Bakit? Anu bang naramdaman mo?"
"I felt the same feeling, kapag nakikita ko si Gino" hindi na napigilan ni Kaella ang maiyak. Kanina nya pa ito gustong gawin.
"Tinanggihan nya ang Housing Project diba?" tanong ni Vicky. Umiling si Kaella as an answer.
"Tinanggap na nya?!" gulat na sabi ni Vicky "Bakit? Was it because of you?"
"Of course not!" sagot nya "Inexplain kasi ni RJ yung Vision and Mission ng Program, nagustuhan nya"
"Alam mo Kaella, baka initial reaction lang yan nangyayari sayo. Ako din nga kinilabutan, gusto kong isipin si Gino sya, pero nakita ko si Gino sa...." hindi nya naituloy ang sasabihin
Umiyak lang si Kaella. "Malay mo, the next time na magkita kayo, iba na reaction mo."
"Hindi ko alam"
Hindi na nya naiintindihan ang nararamdaman, she misses Gino so bad na parang gusto nyang puntahan si Yuan para yakapin. But in a same way, naiinis sya dahil alam nyang hindi iyon si Gino.
At hindi nya alam kung magiiba pa ba ang reaction nya pag nagkita ulit sila ni Yuan, because what she's feeling right now is a very familiar feeling na matagal na nyang pilit na kinakalimutan. Pero mukhang hindi na nya nagawa.
-----------------------
Hello friends! Thank you sa mga matibay na natira. hahaha
Camille yung Matira Matibay natin!! hahaha
Anyway, thank you sa mga reaDEARS ko. Sensya na isa lang, Im so busy right now eh. Pati bukas, but ill try kahit isa makapag UD.
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanficAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...