CHAPTER 1
"Goodmorning Mam Kaella, " bati ni Aurora, isa sa mga katulong nila. Habang si Mikaella umupo lang sa harap ng mesa for breakfast.
"Where's Papa?" tanong ni Mikaella.
"Maaga pong umalis, may meeting daw po sa Senado." sagot ni Aurora.
Napataas nalang sya ng kilay. Magisa nanaman syang kakain sa napakahaba nilang dining table.
"Diba sabi ko pancake ang breakfast ko,.. Bakit ito ang inihanda nyo?" mataray na tanong ni Kaella.
"a-ah.. Ahm, bago palang po si Nena, ang bagong tagapagluto." paliwanag ni Aurora.
"Bago? Pakitawag nga yang nena na yan..." Mikaella
Maya-maya ay lumabas na si Aurora kasama si Nena "ahm.. Mam, pinatawag nyo raw po ako."
Tiningnan nya mula ulo hanggang paa si Nena "Bakit ito ang agahan ko?"
"ahm... Kasi po,. Ah.." tumingin muna si Nena kay Aurora "Hindi ko po alam na hindi po pala kayo kumakain ng bacon, hotdog at eggs" paliwanag ni Nena.
"Hindi mo alam?! Pumasok ka sa trabaho ng di mo alam ang gusto ng pinagsisilbihan mo?" sigaw ni Kealla. Wala syang pakialam kahit na alam nyang mas matanda sa kanya ang sinasagot nya.
"Magluluto nalang po ako ng pancake nyo..." sagot ni Nena.
"So hihintayin pa kita?!" tumayo si Kaella, "nawalan na ako ng gana.." at umalis.
Nine years na ang nakalipas matapos ang malungkot na insidente sa buhay ni Mikaella. Nagbago ang lahat matapos nun, bagamat nakaligtas ang kanyang ama, ay parang wala paring natira sa kanya dahil naging busy ito sa paglutas ng kaso sa pagpatay ng kanyang ina.
At matapos ang limang taon, nabigyan din ng hustisya ang kanyang Ina. At dahil doon, nakilala ang ama nya sa buong bansa. At di nagtagal, napagisipan nitong pumasok sa politika. Kaya ngayon ay isa na itong Senator.
After 30 mins ay narating na ni Kaella ang school nya. Nasa 12th grade na si Kaella. Halos six months pa lamang sya dito sa Carmen's High Academy.
Galing sya sa St. John Academy, doon sya nagstart ng Senior High nya. Kayalang natanggal sya dahil sa nahuling may kasamang lalaki sa CR.
"Kealla, pinapatawag ka ni Mr. Romero sa Director's Office.
Si Mr. Romero ang Director ng school. At alam nya kung bakit sya pinapatawag nito.
Tumayo sya at naglakad papunta sa office. Ni hindi manlang nagpasalamat sa kaklase nya.
"Kaella, babe... How are you?" that's Ranz. Anak ng isang businessman. Sikat sa Academy, at 1week na nya itong boyfriend. But NOT because she's inlove with him, napagtripan nya lang. May pakinabang naman ito sa kanya eh.
"Im fine, kakausapin lang ako ni Mr. Romero..." sagot nya na parang hindi naman masaya na nakita ang boyfriend.
"Ganun ba..." bahagyang hinila sya nito mula sa bewang nya "Mamaya ha...." bumulong ito sa kanya. Nginitian nya lang ito bilang sagot.
Makalipas pa ang ilang minuto ay narating nya na ang Director's Office. Walang bati-bating pumasok sya sa Office. Napailing nalang si Mr. Romero.
"Goodmorning Miss Madrigal..." sarkastikong sabi ng Director. At ngiti lang ang isinagot ni Kaella, at umupo sa upuang nasa harap ng Director's table.
"Miss Madrigal, alam mo naman kung bakit pinatawag kita.." Mr. Romero
"Yes Sir, and I will never say sorry to that girl.." sagot ni Kaella.
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...