Chapter 26
Hindi alam ni Gino kung paano sya nakasurvive sa araw araw na pamumuhay. Masyado syang nasanay na andyan lang si Mikay, papagalitan nya, aasarin nya, tatarayan sya, kukulitin sya, magaasaran sila, masaya sila; masayang masaya.
Mararanasan nya pa kaya yun ngayon na wala na si Mikay, ni hindi nagpaparamdam, kahit kamusta lang... Siguro masaya na ito sa ex-boyfriend nyang hilaw. Isipin nya palang na kasama nya yun parang mababaliw na sya.
"Oh Gino, tulala ka dyan.. Birthay mo pa mandin..." sabi ni Aling Belen "Wala Nay, may naisip lang po ako..." sagot nya rito.
"Anak, si Mikay nanaman ba?" nagaalalang tanong ni Aling Belen
"Nay, bakit ko naman po iisipin yung taong di na tayo naaalala..." sagot ni Gino na may pagsisinungalen at pagtatampo.
"Anak baka busy lang, alam mo naman na tatakbo ang Papa nya sa pagkaPresidente..."
Hindi na umimik si Gino. "Halika na at mag-umagahan, may labahan pa ako at magaasikaso pa ako ng mga lulutuin."
Hindi rin nagkulang si Aling Belen sa pagaalaga kay Gino simula ng umalis si Mikay. Ang laki kasi ng pinagbago nito, sinubsob ang sarili sa trabaho, minsan naman nagkukulong lang ito sa kwarto. Kaya nga ngayong birthday nito, gusto nya kahit unting salo-salo lang sa bahay nila mamayang gabi.
"Mareng Belen,.." narinig nilang tawag ni Aling Marian na papasok na sa bahay nila. "Oh Marian, napadalaw ka..."
"Diba birthday ni Gino? Andyan na ang videoke na request mo. Naku excited na ang nga kapitbahay." Nagulat si Gino, and alam nya sila-sila lang ang magsasalo-salo. "Nay, anong videoke?"
"Yung pwede ka bang kumanta, masaya yun"
"Nay naman, alam ko din na pwedeng kumanta doon. Kayalang bakit may ganun pa? Mahal yun ah..." sagot ni Gino
"Anak naman, birthday mo wag ka na magkuripot!" bigla namang dumating si Mona. "Aling Belen, handa na ang videoke para mamayang gabi." paalam ni Mona bago bumaling kay Gino "Uy Gino alam mo may Pusong Bato sa videoke na na-rent namin, kantahin mo ha?"
Kung masamang tao lang talaga sya, natulak na nya sa hagdan si Mona. Lakas mangtrip eh... "Hay naku, ewan ko sa inyo, may trabaho pa ako." Umalis nalang si Gino para magtrabaho. Doon nya nalang uubusin ang oras nya para matapos na ang araw na 'to.
Di rin nagtagal nasa fastfood na sya. Lahat ng mga katrabaho nya ay masaya syang binabati. Nagpapasalamat lang sya.
Lumipas pa ang ilang oras "Gino ang sipag ah... Ganyan ba talaga pag birthday?" bahagya syang napatawa sa hirit ni Romeo habang nagma-mop ng sahig. "Kailangan eh,.." yun lang sagot nya
"Bakit mo naman kailangan? Eh diba busted ka nga ni Madrigal? Eh bakit sipag-sipagan ka pa?"
Tumingin sya ng masama kay Romeo "Gusto mo ikaw ang ilampaso ko dito?" madiin nyang sabi "Ito naman si Birthday boy, highblood agad... Chill- chill din bro" agad na sabi ni Romeo.
"Ang dami namang pakialamero sa mundo, ipagdidiinan pa na.." huminto sya, dahil maging sya hindi nya masabi na nabusted sya "Ah basta." bulong nya
Mabilis na lumipas ang oras, walang patid ang pagtatrabaho ni Gino. Gusto nyang mapagod para pag-uwi, matutulog nalang sya at pag gising nya bagong araw na.
"Oh Gino, anu pang tinatayo mo dyan? Uwian na ah.," tanong ni Mam Vicky nang makita si Gino na nakatayo lang parang di alam kung saan pupunta.
"Ayaw ko pang umuwi eh,. Kasi si Nanay, nagpavideoke pa..." She tapped Gino's shoulder "Alam mo Gino, mahal ka ni Aling Belen kaya nya ginawa yun, ang kailangan mo lang gawin ay umuwi para mapakita na naappreciate mo yun"
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...