Chapter 83

17.8K 281 45
                                    

Chapter 83

"Rj..." niyakap sya ni Kaella. Alam nyang yakap yun ng pasasalamat.

Humilay din si Rj agad "Tama na Kaella, baka magbago pa isip ko di na kita ibalik kay Yuan"

"Rj, Im really really sorry.."

Ngumiti lang si Rj to comfort Kaella. Alam nyang nagiguilty ito "Love is so overwhelming, kaya minsan we tend to do crazy things. Nakakagawa tayo ng bagay na nakakasakit sa kapwa"

"But since love is so overwhelming,. Hindi mo namamalayan you're doing crazy things out of selflessness. And that is the concept of letting go of the one you love,.."

Huminga ng malalim si Rj para pigilan ang luha nya. "Kaya nga ito, I am doing this crazy thing called letting go... Im letting you go for the one you love"

Hinawakan ni Kaella ang kamay ni Rj "You are a great guy Rj, and you deserve someone na kaya kang mahalin ng sobra."

Ngumiti si Rj "Dapat lang..." biro nya.

Sa totoo lang parang gusto nang magbago ng isip nya. Hindi pala talaga ganun kadali ang maglet go, kahit na pinaghandaan na nya ito.

Oo, pinaghandaan nya talaga ito. Yung proposal, its just a test kung makoconfuse ba si Kaella pero kahit anung confusion wala syang nakita.

Noong galing sya kay Yuan at nalaman na iisang tao lang si Mikay at Kaella, galit na galit sya kay Yuan for not letting him know. At hindi nya matanggap na yung mga panahon palang pinaguusapan nila yung mga babaeng mahal nila, wala silang idea na iisang tao lang pala ito.

Ayaw nya mag let go, pero anu ba ang laban nya kay Yuan? Eh sya ang mahal nito? May magagawa pa ba sya doon?

Nang bumaba si Kaella sa sasakyan. Pinigilan ni Rj ang sarili na tawagin ulit ito. Bawat lakad ni Kaella palayo sa kanya, papunta sa lalaking mahal nya, its suicide.

"Be happy Kaella..." alam nyang di na sya maririnig pa nito, pero yun lang ang request nga... Ang maging masaya ang babaeng pinakamamahal nya.

Letting go of the one you love? That's stupid.

But keeping someone who loves someone else, that's double stupid.

--------------------------

Nanginginig si Kaella habang hinahakbang nya ang mga paa nya papuntay sa bahay ni Yuan. Sa magiging lovenest nila.

Alam nyang she doesn't deserve this matapos ng ginawa nya kay Rj at kay Yuan. But she's so happy dahil minahal sya ng mga ito ng totoo.

Kaya its now time for her to do something... Its not the time for fear, because its now time to fight.

Nang nakapasok na sya sa bahay, walang tao. Wala din pati ang kasamabahay. Wala din ba si Gino?

Umakyat sya sa mga kwarto pero wala syang makita. Pati sa gallery ng bahay wala din. Bakit kung kelan naman may chance na magkaayos sila ni Gino bakit parang hindi naman sila magkatagpo.

Napailing si Kaella "Wag kang OA Kaella, baka naman may pinuntahan lang"

Bumaba sya. Malaki ang bahay para sa dalawang tao. Naisip nya tuloy kung dito sila titira at bubuo ng pamilya, dapat marami silang anak. Para masaya.

"Anu ka ba Kaella, di pa nga kayo ulit... Anak na nasa isip mo"

Pumunta sya sa kitchen, ang simple lang ng kitchen. Naexcite tuloy sya magluto dito, kahit di sya magaling magluluto pagaaralan nya ng sobra para kay Gino.

And finally, narating narin nya ang isang extension ng living area. Ito ang nakaharap sa dagat. Maganda talaga ito dahil kung titingnan mo akala mo magkarugtong ang swimming pool sa dagat.

At dito nya nakita ang Prinsipe nya. Nakatalikod ito at nakaharap sa dagat. Sya yung typical Gino na naka black pants at naka white tshirt lang.

Naiiyak sya habang palapit sya kay Gino. Pero huminto sya, at tinawag ang pangalan nito. "Gino"

Yumuko si Gino pero hindi sya nito liningon. Mas kinakabahan sya, baka napagod na si Gino sa kakahintay sa kanya. Napagod na ba ito na ipaglaban sya?

"Gino andito na ako,.. Bumabalik na ako sayo. Sorry kung.. Sorry kung natagalan." naiiyak na si Kaella. Hindi parin sya hinaharap ni Gino

Naiiyak na sya. Hindi nya kinaya ang pakikitungo sa kanya ni Gino. Siguro parusa narin ito sa kanya dahil hindi sya naghintay.

Tumalikod sya. Siguro kailangan nya muna bigyan ng time si Gino. Baka ito ang kailangan nya. Pero hindi sya susuko, ipaglalaban parin nya si Gino.

Naglakad na sya, at sa pangatlong hakbang nya... May narinig sya.

Kay tagal din nating di nagkita

Ako'y nasasabik na sayo,

Kamusta ka na, nalulungkot ka rin ba?

Sana ay kapiling kita....

Mas lalo syang naiyak. Akala nya miss nya si Gino yun pala miss na miss na miss. Hindi nya naiisip na kaya nya palang magmahal ng ganito. Nanatili syang nakatalikod, at pinakinggan si Gino

Ah---ah------ah-----ahh--

La--la----la

"Mikay?!!"

Nagulat sya at di na natuloy ang pagkanta nito. Agad syang humarap at si Gino parang hindi makapaniwala na nasa harap nya si Mikay.

"Gino..." umiiyak nyang sabi. Naka earphone pala ito kaya hindi sya nito narinig. Mabilis na humakbang palapit sa kanya si Gino at niyakap sya ng mahigpit.

"Dumating ka...." naiiyak na sabi ni Gino. Mahigpit na yumakap lang si Mikay habang umiiyak.

Akala nya wala ng pag asa, akala nya tapos na ang lahat. Pero ito sila ngayon, magkayakap. Ramdam nila na magiging malaya na sila this time.

"Anung nangyari?" tanong ni Gino matapos humiwalay kay Mikay.

"He let me go...."

Napangiti si Gino. Masaya sya na magkasama na sila ni Mikay, pero malungkot sya dahil may nasaktan sila. At yung bestfriend nya iyon.

Nagkatinginan sila sa mata ni Gino. Bakas sa mga mata nila ang saya. Naisip tuloy ni Kaella, ganito din kaya ang pakiramdam ni Penelope ng bumalik ang asawa nya?

Natawa sya sa sarili pero sa isip lang. Yung maka isip si Mikay para namang naging Penelope sya kay Gino. Ni hindi nga nya ito nahintay.

"Mikay..." napatingin si Gino sa mga labi ni Mikay.

"Gino..." she's anticipitating for something. And hindi nga sya nagkamali dahil unti unting lumapit ang mukha ni Gino sa mukha nya.

She leans forward too... Nagkatinginan pa sila kahit inch apart nalang ang mga mukha nila.

"Gi---Kaella?!" disappointed na napatingin sila sa walang awang isturbo na dumating. Si Vicky.

------------------------------

Kung sakaling kinilig kayo. Nais ko lang ipabatid na mas nauna akong kiligin bago kayo. Hahaha Natuwa ako sa eksena na to.

Anyway! Sa mga nagpapadedic na hindi ko madedic, someone informed me(Thanks sa kanya) na kailangan daw fan. Just PM me if you're still interested sa pag Dedic. Kasi sa lahat ng readers naman dedicated nag bawat chapters na to.

Malapit na matapos. Mamimiss ko kayo. T.T

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon