Chapter 55

19.1K 205 16
                                    

Chapter 55

"She's suffering from fatigue right now. That's normal naman eh, just give her time to rest and make sure na andyan ang support system nya and kayo po yun Mr. President" sabi ng Family doctor nila.

Halos kakarating lang nila from Magsaysay, hindi na nga sila nag land tavel dahil baka hindi safe kaya pinasundo nalang sila ng Helicopter. Dahil sa pagaalala ng Papa ni Mikay ay pinacheck nya agad ito sa doctor to make sure na everything is fine.

"Thank you Doctor... And pasensya ka na dahil medyo late na naisturbo pa kita."

"Its okay Mr. President." hinatid na ng Papa ni Mikay ang Doctor sa labas at tanging si Gino nalang ang naiwan sa kwarto. Lumapit sya kay Mikay at umupo sa kama.

He took her hand at hinalikan ito. Kung aalalahanin nya ang takot na nararamdaman nya kanina, sobra syang nagpapasalamat at naligtas si Mikay. Hindi nya kasi alam ang gagawin kung mapahamak ito.

Napalingon sya sa pinto ng makarinig ng katok "Gino, halika muna sa office, magusap tayo"

Tumango si Gino at humarap kay Mikay. "Swetdreams Mikay" bulong nya bago hinalikan si Mikay sa noo.

Matapos nun ay sumunod na sya sa office ng Presidente. Ang totoo nyan kinakabahan sya, pakiramdam nya kasi sya ang nagkulang kaya nangyari iyon kay Mikay.

"You seat down Gino"

Pakiramdam ni Gino para syang isang normal school boy nw pinatawah ng Principal dahil sa kasalanang nagawa.

"About sa nangyari kanina---"

Hindi na pinatapos ni Gino ang sasabihin nito "Sir, sorry po at napabayaan ko si Mikay"

Mr. President smile a little, "Gino, don't blame yourself sa nangyari. Minsan talaga akala natin in control tayo sa lahat ng bagay, pero hindi pala. I understand you"

Nakuha agad ni Gino ang ibig sabihin nito. Marahil mini-mean nito ay ang nangyari sa asawa nya years ago.

"Actually pinatawag kita dahil sa sinabi ng investigators awhile ago..." panimula ni Mr. President.

"Dalawang group of kidnappers ang gumawa nito kay Kaella. The first one, yung nakawhite na van, nakita sila na wala ng mga buhay, 50km away sa bahay nila Mang Domeng"

Nakikinig lang si Gino "Wala ng cellphone or anything na nakita sa Van maliban sa mga katawan nila. Yung Van unregistered. Malinis ang pagtatrabaho..."

"About sa pangalawang kumuha kay Kaella, wala pang masyadong details dahil hindi pa nakakapagbigay ng testimony si Kaella."

Hindi na kasi pinilit pa nito na magsalita si Kaella agad-agad dahil sobra-sobra na.ang napagdaan nya in a day.

"Sabi po ni Mikay, byahe lang ng byahe ang ginawa nila paikot ikot... Sa huli ay hinatid po sya nito sa kanto papunta kela Mang Domeng"

Napahinga ng malalim si Mr. President, "Maybe isa to sa strategy nila to confused me,..."

"Pero possibleng hindi rin po, possible na magkaibang grupo ang mga iyon na may magkaibang pakay kay Mikay. Pwedeng isa doon kakampi at isa doon kaaway. Pwedeng pareho rin silang kakampi."

Napaisip si Mr. President "Tama ka Gino, pero isa sa gumugulo sa isip ko ay kung sino ba ang nasa likod ng lahat ng 'to?"

"Diba po hindi naman lahat nakakaalam ng pagpunta ni Mikay sa Magsaysay? Pero bakit nasundan kami?"

Napatingin lang ito kay Gino, naghihintay ng kasunod na sasabihin "Pwede pong malapit sa inyo ang may kagagawan nito"

--------------------------

Its been two days simula ng nakabalik sila sa Malacanang, yung first day, halos buong araw na nagpahinga si Mikay kaya ngayon lang sila ulit nagkita ni Gino.

"Pa naman... Ikukulong nyo ako sa Malacanang? Ang laki kaya nito"

Nagrereklamo si Mikay sa Papa nya dahil sinabihan sya nito na hindi muna sya pwedeng lumabas sa loob ng isang buwan. Papakalmahin muna nila ang lahat.

"Kaella, para to sayo..." sagot ng Papa nya.

"Tama yun Mikay, para sayo rin ito kaya sumunod ka nalang" pagsang ayon ni Gino.

"Edi paano tayo lalabas nyan? Lagi nalang kitang hihintayin dito after ng work mo sa fastfood?"

Nagkatinginan ang Papa ni Kaella at si Gino "Hindi mo pa pala nasasabi Gino"

Nagtaka naman si Mikay "Ang alin?"

Ngumiti ang Papa ni Kaella "Nagresign na si Gino sa fastfood and I asked him to be your personal bodyguard. And he said yes"

Literal na napanganga si Mikay sa narinig "Talaga?" tanong nya sa dalawa at nakangiti naman itong tumango.

"Yey!!"masayang sabi ni Mikay bago niyakap si Gino ng sobrang higpit.

"Ehem" napahiwalay si Mikay when she heard her father na nagclear ng throat.

"Sorry Pa, nacarried away lang..." medyo nahihiyang sabi ni Mikay. Si Gino naman medyo namumula kaya natawa nalang sa kanila ang Presidente.

"Ngayon mas mapapadalas ang pagsasama nyo, the only request na meron ako is for both of you to become responsible sa pag gamit ng oras nyo. Be responsible enough to know your limitations. Mga bata pa kayo"

"Yes Pa... Promise." sagot ni Kaella.

"Makakaasa po kayo Sir..."

Marami ng opportunity for Gino to do his mini investigation via observation. Magiging kasama kasi si Mikay sa napakaraming event na kasama ang Papa nya. At yun ang gagamitin ni Gino para malaman nya sino ba talaga ang nasa likod ng mga kaguluhang ito.

Minsan kinakabahan sya dahil he's just 19 year old guy na boyfriend ng anak ng Presidente, anong alam nya sa investigation sa mga ganitong bagay. Pero isa lang ang naisip nya,

Mas maganda ngang isipin nilang bata pa si Gino, na isa lang syang typical na teenager na walang pakialam sa mga kagulahan na nangyayari. With that, hindi sya madaling paghihinalaan.

Mahirap? Oo, mahirap talaga. Pero para kay Mikay gagawin nya. Para sa Princesa nya, maghihirap sya.

"Hoy, anong iniisip mo dyan?"

Napabalik sya sa katinuan sa tawag ni Mikay "Ha? Ako? Oo, okay lang ako"

"Anung okay? Alam mo bang kanina pa malayo ang iniisip mo..."

"Ah ganun ba? Sorry Mikay, iniisip ko kasi kung anong cellphone ang bibilhin ko eh..."

"Bibili ka ng phone?"tanong ni Mikay.

"Oo, nabilhan ko narin si Nanay ng Washing Machine eh, naisip ko na bumili ng bagong cellphone..."

"Sige, ako ang pipili..."

"Ayaw ko nga, baka hindi ko pa maafford yang pipiliin mo"

"May mga mura naman, hanap tayo sa net." kinuha ni Mikay ang laptop.

Totoo namang bibili sya ng bagong cellphone, hindi yun biro. Naisip nya kasi na magagamit nya yun para alamin ang background ng mga taong gusto nyang hanapin. Wala naman kasi syang laptop at hindi naman magandang idea na makikigamit sya ng kay Kaella.

Lihim syang napangiti "Pambihira, super hero na ata ako. At isa lang ang goal ko, ang mapanatili.ang kaligtasan ng Princesa ko."

-----------------------------------

Natatawa ako minsan sa mga pinagsasabi ng mga characters ko. Ewan ko bakit naisip ko ang mga iyon. hahahaha

Im good na pala, thanks sa inyo dahil hindi na ako sinumpong ng hika. Siguro nga dahil sa intense ang UD ko last time. hahaha

Have a nice day. God bless.

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon