Chapter 32
"Naku sino naman ang may gawa sayo nyan?" nagaalalang sabi ni Aling Belen kay Gino habang ginagamot ang sugat sa gilid ng labi.
"Mga nangti-trip lang Nay," simpleng sagot ni Gino.
"Anu ba namang nasa isip ng mga taong gumawa nyan" bigla namang nagring ang cellphone ni Aling Belen "Naku Gino, ayan na ang nobya mo..."
"Nay sinabi mo?" sabi ni Gino na may pagaalala habang nagriring parin ang cellphone.
"Hindi na maganda ang pakiramdam ko kanina dahil alas dyes na wala ka pa, kaya tumawag ako sa kanya, naku tiyak nagaalala na yan"
Kinuha nya ang cellphone "Ako nalang ang sasagot"
He pressed the answer button para sagutin ang tawag "Hello Mikay"
[My Ghad Gino, what happened at ngayon ka lang nakauwi?!]
"Wag ka ng magalala, nagka abirya lang, pasensya ka na hindi kita natext"
[Abirya? And teka, yung cellphone mo out of coverage. I've been calling you kanina pa]
"Relax lang mahal na Princesa,. Okay na okay na ako" sakto naman napatingin si Gino kay Nanay Belen na napailing lang.
[Yeah I know, pero gusto kong makita ka... Im here na sa Cebreros]
Ang Cabreros ang isang Barangay na malapit sa Masantol "ha?! Wag na... Okay na okay na ako"
[Too late,. Im on my way. See you nalang] binaba na agad ni Mikay ang tawag to end the conversation.
"Anu daw ang sabi?" tanong ni Nanay Belen
"Papunta na daw dito eh..." napailing sya "Sabi ko na wag na pumunta eh"
"Bakit ba parang ayaw mong pumunta ang nobya mo rito?" tanong ni Aling Belen "May tinatago ka ba? Bukod dyan sa pasa sa mukha mo"
Hindi sya nakasagot agad "Wala po ah" tumayo sya "Sige Nay, magbibihis lang ako ng damit"
---------------------------
Nagaalala si Mikay kanina pa sa boyfriend. Ilang oras narin kasi nya itong hinihintay na magtext. Nagulat nalang sya ng tinawagan sya ni Aling Belen at hinahanap din si Gino.
Nang malaman nya na hindi pa umuuwi si Gino ay sobra syang hindi mapakali. Maya't maya ang tawag nya kay Nay Belen para sa update pero wala parin eh, kaya nga nagdecide sya na puntahan nya nalang sa Masantol.
Bigla namang naring ang phone ni Kaella "Hello Pa?"
[where are you? Andito na ako sa bahay aylt umalis ka daw?]
"Yes Pa, Gino is missing kanina kaya sabi ko pupuntahan ko nalang sa Masantol si Nanay Belen. Im sorry Pa kung hindi ako nakapag paalam."
[Ganun ba? So anu.ng balita ngayon kay Gino]
"Nakarating na rin daw, pero Pa Im still going ha, I wanna check on him eh. It won't be too long"
[Ok, you take care Princess..]
"Ok Pa, thanks"
Ilang minuto pa ay narating na ni Mikay ang Masantol. Nang huminto ang sasakyan ay agad syang umakyat sa bahay nila Gino.
"Nay? Gino?"
"Oh Iha, andito ka na pala.." bati ni Nay Belen "Halika umupo ka muna, nagbibihis pa si Gino"
Bigla namang lumabas si Gino "Oh ayan na pala"
"What happened?!" nagaalalang sabi ni Mikay ng makita ang pasa at sugat sa nay labi.
"Wala to..," lumapit sya kay Mikay na parang nanglalambing "Hug mo nalang ako para mawala ang sakit"
Si Gino ang yumakap kay Mikay dahil si Mikay hindi talaban ng lambing ni Gino dahil sa pag-aalala. Lumayo sya sa yakap ni Gino.
"Anu ba talaga ang nangyari?"
Lihim na napahinga ng malalim si Gino at lihim na napatingin kay Nanay Belen na nakating din sa kanya. Agad ding bumalik ang tingin nya sa girlfriend. "Nanakawan ako, nanlaban ako kasi kukunin nila ang cellphone ko, paano pa kita matitext nyan..."
"Kung hindi ako pumunta dito? May plano ka bang sabihin sa akin ang nangyari?"
Hindi sya nakasagot agad "Sorry Mikay, mas nag-alala lang ako na baka mas mag alala ka."
"Malamang magaalala ako, the last conversation na meron tayo was six hours ago, and I can't reach your phone, malamang magaalala ako"
Hinawakan ni Gino sa kamay si Mikay. Sumunod naman ito kaya magkatabi na sila sa sala "Sorry talaga Mikay, hindi na mauulit. Please, wag ka na magtampo"
Nilalambing na nya si Mikay para hindi na sila tuluyang mag-away, may pagkakamali din naman sya eh.
Nagpakawala rin si Mikay ng buntong hininga "Okay fine, basta ha, wag mo ng uulitin. Dahil pag inulit ako, ako na ang sisira ng mukha mo"
Nagtawanan naman sila. "Kumain na ba ang Princesa ko?" tanong ni Gino
"Hindi pa nga eh..."
"Oh, dito ka na kumain." sabi nya at bumaling sa Ina "Nay nakapagluto po ba kayo? Nadali kasi pati pinamili ko kanina eh"
"Sabay na kayo kumain, habang naliligo ka kasi nagluto ako ng pritong isda. Kasya yun sa inyong dalawa"
Si Gino ang nagtatangal ng tinik ng isda na kinakain ni Mikay. Baka daw kasi matinik ito. "Dapat kumain ka ng marami,"
"Ako nalang Gino..."awat ni Mikay.
Umiling lang si Gino na may halong pagpapacute, "Hayaan mong pagsilbihan kita Mikay"
"Hay nakayo, nabugbog ka na at lahat, bumabanat ka parin"
"Aba syempre Mikay." sagot ni Gino "Pag dating sa mahal kong Princesa, walang sakit sakit sa katawan."
Napangiti nalang si Mikay. Nawala na ang init ng ulo nya. Kaya masaya silang kumain, parang hindi 11pm kung magtawanan ang dalawa,.
"Aalis na ako, hinahanap na ako ni Papa"
"Halika, hatid na kita."
Tahimik silang bumaba at tanging kaya lang ang magkahawak. Para silang parehong may naiisip.
Nang makababa sila humarap si Mikay, hinawakan nya ang mukha ni Gino "Please Gino, take care of yourself. Kahit para sa akin lang"
Ngumiti si Gino. Hinawakan nya ang kamay ni Mikay na nasa mukha nya. "Mikay, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Pangako yan. Gagawin ko ang lahat, wag ka lang masaktan; wag ka lang mawala sa akin"
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...