Chapter 87
Nalulungkot ang Presidente dahil ang kaibigan nya ay makukulong. But this Country needs justice. Kahit bestfriend nya pa ito, kailangan nitong pagbayaran ang mga nagawa.
Pero kung kinakailangan nyang ilakad, mababa lang ang sintensya sa kaibigan gagawin nya. Sumuko ito at gumawa ng paraan para tuluyang mawala na ang Radical Group.
Inaamin nyang nakaramdam sya ng galit ng malaman na kabilang sa grupo ang kaibigan. Ito ang grupo na nagpapatay sa asawa nya, kaya yun ang naging initial na reaction nya.
Pero nang makita na nilagyan ng posas sa kamay ang kaibigan at nang naglalakad na ito palabas ng Malacanang, with all the cameras flashing to capture the moment, nakaramdam sya ng awa.
Nasa bungad na sila at andoon naghihintay amg sasakyan ng NBI kung saan isasakay si Henry. Hindi nya napigilan ang sarili na lumapit sa kaibigan, he tapped his shoulder.
"I am so proud of you Henry. Nakagawa ka man ng mga kasalanan, but I am telling you, you saved this Country from falling."
Napangiti si Henry. Para bang sa buong buhay nya ngayon lang sya nakagawa ng tama. Kaya mas lalong lumakas ang loob nya na harapin ang lahat,.. Everything that he deserve.
Nang humarap sya papunta sasakyan ng NBI, isang putok ang kinagulo ng lahat. Karamihan ng reporter ay nagtakbuhan to save themselves, ang mga pulis naman ay agad na naghanap ng pinanggalingan ng putok.
Walang ibang nasaktan maliban sa isang tao, si Henry Alvarez.
-----------------------------
"Diba Mikay magpapaliwanag ako sayo pagkatapos ng lahat ng ito..."
"Pagkatapos nyong patayin ang Papa ko?!"
"Mikay!! Hindi..." di na nya natuloy ang sasabihin dahil isang malakas na putok ng baril ang narinig nila.
Pareho silang natigilan. Pareho nilang inisip ang kanilang mga Ama. Hahakbang na sana si Mikay papunta sa pinanggalingan ng putok, ilalabas na sana si Henry at ihahatid sa kulungan ng barilin ito ng isang hitman na hindi alam kung nasaan.
Pero napigilan sya ni Gino si Mikay "Delikado doon Mikay, hayaan mo na akong pumunta doon."
Inilayo ni Mikay ang braso kay Gino "Alam mo Gino, hindi ko na alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko ngayon"
Hindi agad naka imik si Gino sa sinabi ni Mikay. Nasaktan sya na ganun kabilis mawalan ng tiwala sa kanya si Mikay. Pero he has to face everything, marami syang nilihim dito and every action has its own consequences.
Hindi na nya napigilan si Mikay na tumakbo, kaya nga dali dali narin syang sumunod. Alam nyang si Lady G ang may pakana nitong lahat.
"Pa!" sigaw agad ni Kaella ng makapasok. Ligtas ang Papa nya, pero may dalwang tao ang may tama ng baril. Si Henry at ang gun man na maaring nagbalak na pumatay sa Presidente.
"Pa!!" dali daling lumapit si Gino sa Papa nya. Nakamulat pa ito pero bakas dito ang sakit na nararamdaman nya sa pagkabaril.
"Pa, dadalhin kita sa hospital." sagot ni Gino.
"Anak baka ito na kabayaran ng mga kasalanan ko" Henry is just using his remaining strenght para makapag salita.
"No!!" tumaas na ang boses ni Gino at binalak na buhatin ang Ama para ihatid sa sasakyan. Gusto nyang sumigaw dahil walang tumutulong sa kanya, pero ayaw na nyang mag sayang pa ng lakas, ibubuhos nalang nya ang pagligtas sa Papa nya.
Sinubukan nyang itayo ang Papa nya pero isa pang putok ng baril ang narinig nila....
...Pero hindi na ito kay Henry tumama.
------------------------------
"Mikay, alam mo ba na buong buhay ko, wala akong ibang gustong gawin kundi mahalin ka."
"...hindi ko sinasadya na saktan ka, hindi ko sinasadya na magsinungaleng, hindi ko sinasadya na iwanan ka..."
"...Pero minsan, you have to lie to someone not just to keep them with you but to keep them secured."
"Seven years na malayo sayo, it's seven years of agony. Nakikipaglaban ako kahit kay kamatayan, makabalik lang sayo."
"...Pero parang hanggang dito nalang"
"Gino!!!" sigaw ni Mikay ng makabangon sya. Nagulat sya, panaginip lang pala.
Napatingin sya sa paligid, nasa isa syang kwarto at nang makita ang sarili nakasuot sya ng hospital gown.
"Anak, okay ka lang ba?" nagaalalang tanong ng Papa nya.
"Pa bakit andito ako?"
"Nahimatay ka sa kakaiyak ng... Ng mabaril si Gino"
Doon nya naalala ang lahat ng nangyari. "Pa si Gino,..." dali dali syang tumakbo palabas.
Sinubukan pa syang pigilan ng Papa nya pero hindi na nito nagawa,
"Gino... Wag mo akong iwan" iyak ni Mikay habang tumatakbo.
She keep on repeating those lines, nagsisisi sya for not trusting Gino. Hindi na nya kayang mawala pa ulit si Gino.
"Saan po ang room ni Gino Dela Rosa?, Gino Alvarez, o Yuan Olivarez.,."
Parang nagulat pa ang nurse sa nurses station. "Ah r-room 144"
Dali dali syang tumakbo. At nang marating, nakita nya si Jao, ang Mommy ni Jao pati narin si Julia. Kasama nila si Henry na naka wheel chair pa at nakabenda ang sugat.
Gusto nyang manlumo. Lalo na ng makita ang mga ito na umiiyak sa isang tao na nakatakip na ng puting kumot. Huli na ang lahat. Huling huli na ba talaga?
Tulad ng dati, wala syang lakas ng loob na harapin ito. Tumakbo sya na umiiyak palayo roon. Hindi na ba sya pwedeng maging masaya? Hindi na ba sila pwedeng maging masaya ni Gino? Parusa ba ito dahil hindi sya ngtiwala kay Gino?
Nagulat sya ng makabangga ng isnag tao. "Kaella?"
Napayakap sya kay Rj. "Rj, si G-gino" umiiyak nyang sabi.
Agad naman syang inalo ni Rj "Kaella,.. Be strong."
Iyak lang ng iyak si Kaella "Things happen for a reason,. And this reason is for us to changed"
Iyak lang sya ng iyak habang nagsasalita si RJ. "Napunta ka sa Masantol for you to change, and you did."
"and I believe may reason din why it has to happen."
Umupo silang dalawa sa waiting area sa alley. Wala parin syang tigil sa pag iyak.
Change? Yan ang sinasabi ni Rj sa kanya. Anu ba yung babaguhin nya?
Naalala nya nanaman kung paano sya nagduda kay Gino. Paano sya kabilis na nagduda kay Gino. Halos patayin sya ng guilt sa puso nya, bakit nya ba nagawa kay Gino ito.
"Kaella, gusto mo bang sumama? Nagtext si Jao, idadala na daw sa Morgue."
Mabilis syang napiling. Hindi nya kaya. Ayaw nyang makita si Gino sa ganung kalagayan. "Hindi kita pwedeng iiwan dito"
"Hindi ko kaya.... Sige na... Maglalakad muna ako"
Naglakad na si Rj. Pakiramdam nya magisa nanaman sya. Naisip nyang sundan nalang si Gino kung nasaan sya. Baka sakaling sa kabilang buhay ay maging masaya sila.
Napayuko sya, hindi na nya alam ang gagawin nya. God gave her another chance pero pakiramdam nya sinayang nya lang lahat yun. Umiyak sya habang nakayuko.
"Anu bang ginagawa mo dito? Bakit dito ka pa nagiiiyak... Mukha kang baliw. Naka hospital gown ka pa"
Napatingala si Kaella sa gulat.
"Gino!!"
"Oh bakit parang nakakita ka ng patay?"
Hindi na nakapagsalita si Mikay sa pagkagulat. Totoo ba ang nakikita nya? Anu ba ang nangyayari?
---------------------------
Epilogue na!!
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...