Chapter 54

18.7K 178 20
                                    

Chapter 54

"Gino!!!"

Kanina pa sigaw ng sigaw si Mikay sa loob ng Van na pinagsakyan sa kanya. Nanginginig sya sa takot dahil napapaligiran sya ng ilang lalaki na naka bonnet ng black.

"Gino!!"

"Anu ba?! Manahimik ka nga dyan..." sigaw ng lalaki na nasa front seat.

"Pakawalan nyo nalang ako, please"

Narinig nyang tumawa ang lalaki sa likod nya "Anu kami? Baliw? Hirap na hirap kaya kaming makuha ka, masyadong magaling magbantay yang boyfriend mo"

Umiiyak na si Kaella sa sobrang takot "Anu bang kailangan nyo? Money? Magbibigay ang Papa ko for sure, just., just let me go"

"Buhay mo ang kailangan namin Madrigal!!"

Mas lalo syang natakot sa narinig. Hindi rin mawala sa isip nya ang nangyari sa kanya when she was 8 years old. Kung yung Mommy nya nga ay di nakaligtas? Sya pa kaya?

"Anton, tawagan mo na nga si Boss, sabihin mo hawak na natin si Madrigal"

Nakita nyang agad na ginawa ito ng Anton na katabi nya. Tinitingnan nya sa cellphone kung sino ba ang dinadial nito, pero...

"Takpan nyo ang mata at ang bibig nyan!" utos ng lalaking nagdadruve, nakita nya siguro ang pagtingin nito.

Piniringan sya ng lalaking kumuha sa kanya, at nilagyan pa ng panyo sa bibig. Tanging iyak nalang ang nagawa ni Kaella. So she close her eyes and pray na sana may magligtas sa kanya.

Just after a breath of prayer na ginawa nya, something happen...

"Bakit ka huminto?" tanong ng lalaki sa katabi nya.

-----------------------------

"Ganun ba dapat katagal?!" sigaw ni Gino. Nasa bahay sya nina Kapitan, humingi sya ng tulong.

May malapit na station ng mga Military sa Magsaysay, pero isang oras pa ang ibabyahe nila. Ang mga Puli naman ay dalawang oras pa ang ibabyahe.

"Iho pasensya ka na, pero talagang bumabyahe pa ang mga pulis makapunta lang dito sa Magsaysay.

Napapikit nalang si Gino. Kung kailang kailangan nya ng Pulis ngayon pa ito wala. Hindi pwedeng mapahamak si Mikay, gagawin nya ang lahat maligtas lang si Mikay.... Pero paano?

Lumabas sya ng bahay ni Kapitan at nagdecide na hanapin si Mikay magisa. Hindi sya pwedeng maghintay nalang, maraming pwedeng mangyari sa bawat takbo ng oras. Isipin palang ni Gino ang maaring gawin kay Mikay ng mga kumuha sa kanya, sobra sobrang takot na ang nararamdaman nya.

May mga papunta narin daw na Militar, kayalang natatagalan parin si Gino kaya kailangan nyang umalis. Lahat ng PSG ni Mikay ay kasalukuyang ginagamot ni Mam Susan at ng iba pang manggagawa sa Satellite clinic nila.

Sila kasi ang na tear-gas kaya kailangan nila ng oxygen. At kakaunti lamanh ang pasilidad ng nasabing Clinic. Kaya mas lalong napipressure si Gino dahil sya nalang magisa, yung mga hinihintay nya, hindi nya alam kung ilang oras pa darating.

Nilibot nya ang mata nya sa paligid, nasa kaliwa nya ang isang bundok at nasa kanan nya ang dagat. Saan sya magsisimula?

"Lord tulong po..." he silently whisper a prayer.

-------------------------

"Bakit ka huminto?"

"pumutok ang mga gulong natin..."

Magsasalita pa sana ang katabi nyang lalaki ng isang Itim na Van nanaman ang huminto sa harap nila. Lumabas ang mga lalaki at pinaputukan ang mga kasama nya.

Halos mamatay sya sa bawat dugo na nakikita nya. Halos mabaliw naman sya sa takot na baka pati sya ay tamaan.

May isang lalaking sumilip, nakabonnet din ito ng itim "Sino kayo?!" yan ang tanong nya kayalang hindi maintindihan dahil sa nakalagay sa bibig nya.

"Sumama ka nalang sa amin..."

Another kidnapper ba to? Yan ang nasa isip nya, hindi na nya alam kung saan nya ilalagay ang takot na nararamdaman nya, masyado na kasing umaapaw.

Sinakay sya sa itim na Van. May mga lalaking sakay din ito at may mga hawal na mga baril. Two kidnappers in a row?

"Boss hawak na namin si Madrigal..." narinig nyang sabi ng lalaking kumuha sa kanya mula sa kabilang Van.

Ilang Boss ba ang meron ang mga taong to? Ilang boss ba ang gustong mapahamak si Mikay? Ganito ba talaga maging anak ng isang Presidente.

"Caloy! Tuloy ang plano..."

Halos manlaki ang mata nya, "Caloy?" pero hindi nya masabi ng maayos dahil sa nakalagay sa bibig nya.

Nakita nyang lumingon ito sa kanya. At alam nyang si Caloy na nakilala nya kanilang at ang Caloy na ito ay iisa.

"Hmm,.. Hmm" pumapalag palag si Mikay. Kahit pagod na sya, gusto nyang lumaban. Naisip nya si Gino, sana pala nakinig nalang sya rito.

-----------------------------

Ilang oras na naghahanap si Gino. At ni anino ni Mikay wala syang nakita, lahat ng natanungan nya ay wala ding alam.

"Bundok nalang ang di ko pa nalilibot"

Nasa bahay na sya ngayon nina Mang Domeng. "Gino delikado, hayaan mo na ang mga Militar na ang gumawa"

"Mang Domeng hindi pwede, kailangan andoon ako. Sigurado akong natatakot na ngayon si Mikay, at kailangan nya ako"

"Gino, natawagan na namin ang Presidente, magpapadala pa sya ng mga tao"

Napayuko si Gino, a part of him is ashame of what had happened, hindi nya naingatan si Mikay ng maayos kaya nasabi ito.

"Mang Domeng, pupunta po ako ng bundok"

"Gino dumidilim na...."

"Opo dumidilim na, at alam kong mas natatakot si Kaella ngayon"

Gagawin si Gino ang lahat mailigtas lang si Mikay. Kahit na ikapahamak pa nya ito.

"Mam Kaella!!!"narinig nyang sigaw ni Roger. Isa sa PSG at unang nakaligtas.

Agad na tumakbo si Gino ng makita si Mikay na naglalakad. Umiiyak ito, at may panyo sa mga bibig.

Nang makalapit si Gino ay agad na tinanggal nya ang tali na gumagapos sa kamay ni Mikay bago tinanggal ang panyo sa bibig. Niyakap nya ng mahigpit si Mikay na halos maiyak narin sya.

"Mikay nakikilala mo ba sila? anung ginawa nila sayo?" tanong ni Gino kay Mikay.

Umiiyak lang ito "Im fine..."

"Mikay, wag kang matakot. Sabihin mo, anong ginawa nila sayo?"

Yumakap nalang uli si Mikay kay Gino. "They kidnapped me, and another group of men ang kumuha sa akin, the whole time nakasakay lang ako sa Van. And sa huli ibinaba nila ako dyan sa may kanto"

Medyo naguguluhan si Gino. Dalawang grupo ang kumuha sa kanya? Pero saka na nya ikaklaro ito, alam nyang natatakot parin si Mikay.

"Tahan na Mikay,.." yakap ni Gino. "Ligtas ka na."

Maraming mga bagay ang magulo ngayon. Maraming tanong ang dapat masagot, at yun ang gagawin ni Gino. Sya mismo ang maghahanap ng sagot.

------------------------------------

Asthma Attack last night,. hahaha. Thanks to Camille sa pag goodnight last night. Sobrang nanghihina na ako kaya di naka pagreply kaya ayan special mention ka friend....

Malapit na tayo sa half mga kapatid!!

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon