Chapter 48
Mabilis na lumipas ang panahon, more than a month na simula ng 18th birthday ni Mikay. Naging usap usapan ang pagkakaroon ni Kaella ng isang boyfriend na taga Masantol. Pero ang kagandahan nun ay may media control ang Papa nya, kaya walang masabi ang media na hindi maganda tungkol sa issue na yun. That's the price of being a President.
"Gino, okay naman kay Papa eh"
"Mikay wag ka ngang makulit, hindi nga tayo pwedeng maglalalabas ngayon. At paano naging okay agad sa Papa mo eh di ka pa nakakapaalam?"
Pinipilit ni Mikay si Gino na pumunta ng Sto. Domingo, matapos kasi ang Inauguration ng Papa nya bilang Presidente ng bansa ay gusto nya magunwind pero ayaw pumayag ni Gino.
"Anu bang problema at ayaw mong lumabas, legal narin naman ang relationship natin sa lahat, and if you are worried about the media, magagawan naman yun ng paraan. At kung si Papa iniisip mo edi magpaalam tayo."
"Hindi tayo papayagan, kaya Mikay wag ka ng makulit, hindi tayo pupunta kung saan mang lupalop ng bansa. Tapos ang usapan. Kumain ka na..."
Nasa Garden sila ng Malacanang. Dito sila nagmimerienda, dinalhan ni Gino si Mikay ng chocolate cake dahil nagki-crave daw ito ng cake.
"Bakit ba ayaw mo? Matagal na kitang niyayaya, kahit nga pagma-mall lang ayaw mo. Lagi nalang tayo dito sa garden ng MalacaÑang."
Naiinis si Mikay dahil hindi lang isang beses tumanggi sa kanya si Gino. Simula kasi ng official na naihayag na Presidente ang Papa nya ay kakaiba na ang kinikilos ni Gino. Naging mahigpit ito sa kanya nagiging dahilan ng madalas nilang pagaaway.
"Pagtatalunan pa ba natin 'to?"
"Oo!Pagtatalunan natin to as long as hindi mo sinasabi what's the reason bakit ganyan ka na"
"Maraming rason Mikay, at kung iisa-isahin ko, matatagalan lang tayo kaya kumain ka na"
"Alam mo Gino yan ang problema sayo, ang dami dami mong hindi sinasabi sa akin"
"Wala naman akong tinatago eh... anong sasabihin ko?!" nagaaway na talaga sila.
"Yung dahilan bakit nga ganyan ka na! Dati naman game ka kahit saang lakaran"
"Yun ba gusto mong malaman? Okay.... Delikado para sayo na labas ka ng labas. Kilala ka ng buong Pilipinas, paano kung may mangyaring masama? At isa pa next week na ang pasukan mo diba? Maghanda ka nalang..."
After birthday ni Kaella ay sakto naman opening na ng enrollment sa dating school ni Kaella. Madali naman syang tinanggap ni Mr. Romero dahil sa nakita nyang pagbabago kay Kaella.
Tahimik na tumitig si Mikay kay Gino bago nagsalita "Fine! Ngayon palang magreready na ako for school,.. Kaya wag narin tayong magkita"
"Mikay!" tawag ni Gino dahil nagwalk out na ang girlfriend.
Hindi na sya kinausap ni Mikay simula ng makapasok ito sa kwarto. Talagang nagtatampo ito, pero hindi nya naman ginusto ang magtampo si Mikay eh. Nagaalala lang sya para dito
Matagal ng naging struggle ni Gino ang pagtatampo ni Mikay. Ayaw nya naman talaga na nagaaway sila, napayuko napang sya. "Gino trabaho mong alagaan si Mikay" bulong nya sa sarili.
FLASHBACK
"Tito pinatawag nyo raw po ako?" Sabi ni Gino pagkapasok palang sa office ng Presidente.
"Oo,.. Maupo ka Gino."
Dalawang linggo na matapos ang 18 birthday ni Kaella. Halos isang linggo din nagtrend sa social networking site ang relationship ni Kaella sa isang taga Masantol. Maraming kinilig, maraming negative reactions at marami ring wala lang.
Magkaharap na si Gino at ang Presidente "May ipapakita ako sayo.." inilabas ni Alberto ang isang long envelop. Kinuha ito ni Gino at binuksan.
Puno ito ng mga papel. "Basahin mo..."
Binasa ni Gino ang lahat nga nasa papel. At bawat basa nya alam nyang tumatayo ang balahibo nya. Ngayon lang sya nakabasa ng mga ganung death threat.
Pero isang sulat ang pinakakinatakutan nya.
"INGATAN MO ANG PRINCESA MO, BAKA SYA ANG ISUNOD NAMIN SA MOMMY NYA"
"Alam nyo po ba kung kanino galing ito?" tumayo si Tito Alberto at naglakad papaunta sa harap ng bintana. "Dalawang taon na akong nakakatanggap ng mga death threat. Pero ngayon ako mas nabahala ng idamay nila si Kaella.. Hindi ko alam kung sino ang mga 'to"
"Bakit po hindi nyo paimbestigahan?"
Hinarap nya si Gino, "Gino hindi ko alam kung sino ang totoo kong kakampi, natatakot ako mag risk dahil pwedeng mapahamak si Kaella"
"Pero kayo po ang Presidente ng bansa., hawak nyo lahat."
"Tama ka Gino, hawak ko ang lahat... But that doesn't mean na everything is under my control"
"Pero po diba napakulong nyo na ang may gawa ng krimen sa asawa nyo?"
"Gino, malaking sindikato ang nakalaban ng lolo ni Kaella. Iilan lang ang napakulong ko..."
Magulo talaga ang buhay sa pulitika, pero hindi dapat yun ang iniisip nya. Dapat ang iniisip nya ay ang kaligtasan ni Mikay sa magulong mundo na meron sya.
Tumayo narin si Gino "Tito may magagawa po ba ako?"
Hinawakan ni Tito Alberto sa balikat si Gino "Ikaw ang kailangan ko ngayon Gino."
"Guard my daughter, keep her away from any harm"
FLASHBACK ENDS
Isa lang naman ang gusto ni Gino eh, ang maging ligtas parati si Mikay. Pero matigas ang ulo ng girlfriend nya, madalas nitong ipilit ang gusto. Hindi nya alam kung anong gagawin, ayaw nyang ipaalam kay Mikay ang tungkol sa death threat dahil alam nyang matatakot lang ito.
----------------
Gusto ko tong tapusin ng mid April. :D
Enjoy!
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...