Chapter 24
He took her in his arms and protect her with his body and with all the cameras flashing and with their unending questions. She opened her eyes para tingnan ang knight and shining armour nya.
"Migs..." Hindi nya alam paano nangyari ang lahat, all she knows naka sakay na sya sa kotse nito.
"Eyah, I'll take you home..."
"Yes, take me home... Ihatid mo ako sa Masantol." sagot ni Mikay kay Migs.
"Eyah, delikado..."
Hindi nya maexplain ang nararamdaman, a part of her misses Migs so much, and a part of her is so thankful that he came, but she knows that there's a place in her heart that is looking for someone, wishing and hoping na sana ito ang kasama nya ngayon.
"Eyah are you ok? You want me take you to hospital? My Gad, you look so pale." nagaalalang sabi ni Migs
"Im fine, just take me to Masantol..." Napailing nalang si Migs while driving "You know what? Until now I can't believe na you're in this situation."
Hindi umimik si Mikay. Ang dami daming pumapasok sa isip nya. Alam nyang dapat matuwa sya na malapit na syang bumalik sa buhay nya bilang Areeyah Mikaella Roxas Madrigal. Babalik na sya sa tunay na palasyo nya. Pero bakit hindi sya masaya?
"Don't worry, nandito na ako. Everything will be fine na," sabi ni Migs.
*****
Minsan kung kelan nagmamadali ka at may kailangan na kailangan kang gawin, doon naman hindi nakikisama ang pagkakataon.
Yung masisiraan yung sasakyan na sinasakyan mo, magtatraffic, may mag-aaway na magiging dahilan na mastranded ka. Yan ang nangyayari kay Gino.
"Manong pakibilis naman po..." sabi na sa driver ng Jeep na sinasakyan nya.
"Kung gusto mo ng mabilis, magtaxi ka..." yun ang sabi sa kanya ng driver. "Kung pwede lang Manong, kanina pa..." pabulong na sagot ni Gino. Hindi rin nagtagal, narating nya rin ang shop. Pero nagsisi alisan na ang mga reporter.
"Naku umalis na si Kaella... Saan naman kaya sila pumunta?"
"Sila?" pabulong na sabi ni Gino sa sarili. Pero hindi na sya nagsayang pa ng oras, dali dali syang sumakay ng taxi at umuwi sa Masantol. Alam nya na nasa Masantol si Mikay, sana nga hindi sya magkamali.
Nang makarating sya sa bahay, nagtaka sya at may isang sasakyan sa harap ng bahay nila. Inisip nalang nya na sa Papa ito ni Mikay.
Hinarang pa si Gino ng mga kapitbahay nito ng napakaraming katanungan.. Kaya nahirapan syang makapunta ahad sa bahay nila. "Uy Gino... Si Mikay pala..." hindi na natuloy ang mga sinasabi ng mga kapitbahay nya na mukhang excited na excited na makakuha ng chismiss.
Dali dali syang umakyat sa bahay. "Mikay?!"
Para syang napako sa kinatataRyan sa nadatnan nya. Isang lalaki ang kayakap ni Mikay. Nakita nyang humiwalay si Mikay sa lalaki, at doon lang nasilayan ni Gino ang mukha ng lalaki.
"Ahm.. Gino, this Migs.. My--" hindi na natuloy ni Mikay ang sasabihin. Nakita rin ni Gino na nagoffer ng kamay si Migs for a shake hands..
"Hi..." mabilis na sagot nya "Sige, pahinga muna ako," bago pumasok sa kwarto ng hindi pinapansin si Migs.
Nagulat si Mikay sa reaction ni Gino. Hanggang ngayon ba masama parin ang loob nito. Hindi ba nito nabalitaan ang nangyari sa kanya? Wala na ba itong pakialam sa kanya?
"ah, Migs, ipapasundo narin ako ni Dad sa mga tao nya mamaya, you can go home na." tumawag na kasi ang Dad nya na susunduin na sya.
"bakit di ka nalang sumama sa akin? Those men were stupid, hindi ka nila agad natulungan." Sagot ni Migs. "Safe naman ako eh," sabi ni Mikay.
Huminga ng malalim si Migs, "Sige, here..." may inabot si Migs kay Mikay, isang cellphone "just text me or call me kung may problem ha..." Nagaalangan na tinanggap yun ni Mikay. Pero ayaw narin kasi nyang tumagal pa ang usapan kaya tinggap narin nya ito.
Nang lumabas si Migs, agad na pumasok si Mikay sa bukas na kwarto ni Gino. Nadatnan nya ito nakaupo sa kama habang nasa mukha ang pareho mga kamay. Para bang ang laki ng problema nito.
"Mikay... Kaya mo yan.." pag encourage ni Mikay sa sarili.
"Gino.," tumingala ito, walang bakas ng kahit anong emosyon ang mukha nito.
"Aalis ka na pala mamaya, iligpit mo ng maayos ang mga gamit mo"
"Gino, I can leave tomorrow if you want me to..." sagot ni Mikay
"Sumama ka na sa mga tao ng Papa mo mamaya.," tumayo ito at akmang tatayo pero pinigilan syang umalis ni Mikay.
"Gino, galit ka ba sa akin?" tanong ni Mikay.
"Hindi..." akama ulit syang aalis pero napigilan nanaman ni Mikay. Agad na sumagot si Mikay. "Kung wala bakit ilang araw kang nawala ng di manlang ako kinausap, tapos ngayon papaalisin mo nalang ako basta.."
"Eh aalis ka naman diba? Anong gusto mo pigilan kita?" Agad nas inagot ni Mikay ang pasigaw na sagot ni Gino.
"Oo!! Gusto ko pigilan mo ako." Napatingin si Gino kay Mikay, pero pareho silang natahimik dahil sa maikling sagutan nila.
After several minutes of silence, lumabas si Gino sakwarto at umupo sa maliit na sofa. Sumunod naman si Mikay at nadatnan nya si Gino na nakayuko habang sinasabunutan ang buhok. "Gino—" magsasalita na sana si Mikay pero nagsalita si Gino.
In his cold voice, "Hindi ka para dito Mikay, tapos na ang tatlong buwan; malaya ka na maging si Mikaella Madrigal."
Uminit ang ulo ni Mikay sa sinabi ni Gino "You know what Gino? You're so unfair. If you have problems with me then tell me; sabihin mo bago ako umalis."
"Wala akong problema sayo."
"Wala?!" naiinis narin si Mikay sa.asal ni Gino. Marami syang iniisip tapos ganun pa ito makitungo sa kanya "Oh wait, you want me to say it for you?"
Hindi umimik si Gino, tumingin lang ito kay Mikay, kaya nagsalita na si Mikay "Ganyan ka 'cause your jealous, ganyan ka kasi ayaw mo akong umalis, ganyan ka because.... Because you live me..." Hinarap sya ni Gino "Gusto mo ba talagang marinig ang totoo?" sabi ni Gino
"Just say it.,"
"Oo nagseselos ako, Oo ayaw ko na umalis ka, pero hindi naman yun pwede diba? At anu nga palang karapatan kong magselos?!" nakita ni Mikay paano namumula si Gino habang seryosong nagsasalita. Ok na sana kung namunula dahil sa kilig, pero hindi eh mukhang sa galit.
"At gusto kita? Mikay galit ako sa mayayaman, galit na galit.., pero pagdating sayo..." huminto si Gino and took a deep breath. Maybe asking for some courage para sa kasunod nyang sasabihin.
"Mikay, hindi lang naman kita gusto eh.... MIKAY, MAHAL KITA!!!"
For more info you can reach me through the following account:
Twitter: @agentofsmile
Facebook: agentofsmile@gmail.com
Instagram: @agentofsmile
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...