Chapter 16
"Ok! Isa! Dalawa! Tatlo!"
Matapos ng tatlo sabay-sabay silang nagtulak ng jeep. Isa si Gino sa nagtutulak. Matapos kasi nya bumaba ng bus ay sumakay sya ng jeep dahil ito lamang ang nagbabyahe papuntang Sto. Domingo.
Halos isang oras ng nakabaon sa putik ang isa sa mga gulong ng jeep, kaya tulong tulong silang nagtulak. Wala namang magawa si Gino dahil itong jeep lang na to ang nagbabyahe papunta doon. Ang Ninang Rosa nya kasi ay may isang 4x4 ma Dodge Ram, kaya ngayon lang sya nakapag commute papuntang Sto. Domingo.
"Woooooooh!!" sigaw ni Gino ng naalis nila ang sasakyan sa putik. Sumakay silang lahat, at Gino bumalik sa pwesto nya, isa kasi sya sa mga nasa taas ng jeep.
Halos pitong oras na syang nagbabyahe, at medyo naiinis na sya, parang gusto na nyang sumuko dahil sa sobrang hirap.
"Brad, malapit na ba?" tanong ni Gino sa lalaking tulad nyang pasahero rin ng jeep.
"Oo brad malapit na..." parang ayaw na nyang maniwala sa lalaking kasakay nya, pangatlong tanong na kasi nya ito sa loob ng limang oras na byahe gamit ang jeep, atiisa lang ang sagot nya. Huminga sya ng malalim dahil sa pagod "gaano ba kalapit ang salitang malapit sa inyo?"
Iba kasi ito sa dinadaan ng mga private na sasakyan, kaya may mga ibang daan na di nya talaga alam. Tulad ng dinadaanan nila ngayon.
Pagkalipas ang isa pang oras, huminto ang jeep. "Brad, ito na ang Sto. Domingo..."
Napatingin sya sa paligid, "eh brad hindi naman ito ang Sto. Domingo na pupuntahan ko ah..."
"Oo, Sta. Isabel ito eh, pero ayan..." may tinuro si Manong na daan, "yan ang daan papuntang Sto. Domingo."
"Maglalakad pa ako?!" sigaw ni Gino.
"Pasensya na brad, talagang hanggang dito lang ang mga pasahero pa Sto. Domingo."
Wala na syang nagawa kundi pasukin ang maliit na kalye, well actually kalye is an understatement, mukhang mas papasa ito sa salitang kagubatan.Walang bahay na madadaanan, puro puno lang, napakakitid pa ng daan "Sa kagubatan na ata ang punta ko eh.."
Lakad lang sya ng lakad, sobra ng basa ng pawis ang likod nya, at marumi pa ang damit nya. May hawak syang mahabang tungkod dahil baka may ahas pa syang makasalubong. Hindi naman sya takot sa ahas, pero kung nasa ganitong sitwasyon, matatakot ka sa ahas.
Hingal na napayuko sya habang nasa tuhod ang parehong kamay, "Tama pa ba ang dinadaanan ko?" tanong sa sarili. Kabisado nya ang Sta. Isabel dahil madalas sya ditto, pero ngayon, hindi na nya alam dahil bago sa kanya ang daanang ito.
"Ito ang napapala mo Gino... masyado kang pabigla-bigla..!" sermon nya sa sarili. Naiinis sya kaya naihahampas nya ang kahoy na bitbit sa mga dahon na nakaharang.
Matapos ang ilang oras, "Narating din kita.." familiar na sa kanya ang kinaroroonan nya, kahit alam nyang medyo may kalauyan pa sya s bahay ng Ninang nya ay talagang naging kampante sya ng makitang nasa familiar na lugar na sya.
Nagpatuloy pa sya sa paglalakad ng ilang minute at sa wakas, narating din ang lugar na hinahanap. Pinasok nya ang bakuran ng Ninang nya, at sa hindi kalaRyan may isang babae syang nakita na nakahiga sa duyan habang nakapikit ito.
"Nakakagutom, nakakapagod, at nakakainit ng ulo, pero kapag nakita ko na pala sya, gagaan nalang bigla ang pakiramdam ko na parang sa kapit bahay lang ako nanggaling. No sweat.
*****
Nakaupo sa isang duyan si Mikay, nagpapahinga sya dahil matagal din syang umikot ikot sa farm, hindi pa nga nya natatapos. Ipinikit nya ang mata dahil gusto nya talaga magpahinga, lalo na at di naman sya nakatulog ng maayos.
Napatingin sya sa relo, ala sais na. At muli ay ipinikit nya ang mga mata nya, pero agad nya ring minulat. Nagulat kasi sya when she saw Gino's face flashed in her mind. Hindi lang isang beses yun nangyari kay Mikay, madalas iyon nangyari sa kanya nitong mga naka raang araw.
Ipinikit nya ulit ang mata nya, at halos mapatalon sya when she heard a voice "Akala ko pa naman trabaho ang pinunta mo ditto, yun pala bakasyon" she saw Gino infront of her, pero hindi agad tinanggap ng isip nya na totoo ang Gino na nasa harap.
"Hay naku, I must be hungry kaya ganun nalang naiisip ko" Ipinikit nya ang mata at iniling ang ulo na parang inaalis ang kung anong imahinasyon ang meron sya. Pakiramdam nya kasi nahihibang na sya. At sa dami-dami ng imahinasyon si Gino pa talaga.
"Nakakita ka nan g gwapo, pipikit ka pa?" agad na napamulat si Mikay sa nagsalita. "Gino?!" Nakita nya si Gino nakatayo sa harapan nya wearing his wide smile. Hindi nya alam if it's real or daydreaming?
"Oh, para kang nakakita ng multo?"
"Gino? Ikaw talaga yan?" tanong ni Mikay?
"Hindi, hindi... si Nay Belen 'to..." sarkastikong sabi ni Gino "anu ka ba Mikay, malamang ako to..." Mikay look at Gino from head to toe, parang X-ray machine lang ang mata nito na ini-scan si Gino. "Eh bakit ang dumi mo?" lumapit si Mikay at amuyin si Mikay "At amoy pawis ka..."
Sumimangot si Gino "Pwede ba Mikay, hindi mo alam pinagdaanan ko, tapos laitan agad pagkasalubong sa akin?"
"Ito naman, nagtatanong lang eh..." sagot ni Mikay "Eh anu ba kasi nangyari sayo?"
He sighed "Mikay, pwede ba paupuin mo muna ako? Kanina pa ako naglalakad, sobra-sobra na nga effort ko sundan ka lang dito."
"Sundan? You followed me here?" nakangiting sabi ni Mikay, hindi sya makapaniwala sa narinig. Nagulat naman si Gino. Hindi nya napansin na yun na pala ang nasabi nya sa sobrang pagod.
"Oo, sinundan kita dito... Ahm.." mukhang nag-isip pa saglit ng dahilan "Sabi kasi, sabi kasi ni Ninang, kailangan nya daw ng katulong, kaya ako pinasunod nya... Halika na, upo na atyo" tinabihan sya ni Gino sa duyan.
"Baka gusto mong maligo muna bago tumabi sa akin?" tanong ni Mikay. "Ang yabang ah, hindi mo manlang maappreciate ang efforts ko.." sagot ni Gino.
"Sige na.. umupo ka na.." Magkatabi sila ngayon nakaharap sa malawak na tanawin ng kabundukan. Walang umiimik sa kanila, pareho silang hindi makapaniwala bakit they both felt this strange satisfaction in this simple picture of him sitting beside her.
*****
Matapos ng halos ilang minute ng katahimikan, nagkikwentuhan si Mikay at Gino. Kinikwento ni Gino yung mga pinagdaanan nya makapunta langsa farm. Tawa sila ng tawa sa mga nangyari kay Gino.
"Gino?" Napalingon sila sa dumating, bigla namang kinabahan si Gino ng makita kung sino ito. Ang Ninang nya.
"Gino hindi kanagsabi na pupunta? Edi sana hinintay ka nalang namin kagabi..." masayangsalubong ni Aling Rosa kay Gino na napanga-nga dahil nabunyag ang little secretnya. Naguguluhang napatingin naman si Mikay sa kanya.
-------------------------
This book has been Published under Life Is Beautiful.
Facebook Page: Agentofsmile
Facebook Acccount: NJ Em
Twitter: agentofsmile
Instagram: agentofsmile
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...