Chapter 41

21.5K 191 12
                                    

Chapter 41

Halos limang linggo na mula ng pumunta sila sa Palawan. Malaki ang pinagbago ng relasyon ni Gino at Mikay. The good thing is they both compliment each other,

Dahil ngayong araw ang pahinga nila mula sa magulo at nakakapagod na campaign... Actually hindi naman as in pahinga eh, dahil ngayon na ang eleksyon. Kaya gumising sila ng maaga para bumoto.

Buti nalang at maagang natapos ang pagboto nila, may pwede na silang gawin....

Ang napagplanuhang group date!

"Mikay, tingin mo okay lang na ngayon ang group date natin kasama ang ex mo at girlfriend nya?"

Nasanay na si Mikay na hindi masyadong tinatawag ni Gino si Jao sa pangalan nito, madala "ex" o di kaya'y "friend mo".

"Oo naman, nagpaalam kami ni Jao kay Papa at kay Tito Henry. Pumayag naman si Tita Gretchen"

"Eh nasaan na ba mga kasama natin?" taning ni Gino. Nasa mall na sila ngayon.

"On the way na daw, medyo natraffic sila ni Julia"

Alam narin ni Gino na si Julia at ang kaibigan nya ay iisa. Minsan kasi ay napadaan ito sa fastfood.

"Ang tagal naman nila, ako nga na walang kotse nauna pa dito"

"Gino?"saway ni Mikay dito. "Ikaw wala kang sinundo, at malapit ito sa inyo."

Huminga ng malalim si Gino "Hay Mikay, sorry ha. Medyo kinakabahan kasi ako"

Hinawakan nya ang kamay ng boyfriend "I know, pero you don't have to, si Jao lang yan"

Ngumiti nalang si Gino. Ang totoo naman kasi ay kinakabahan sya na makisalamuha kay Jao. Hindi nya alam kung anu ang magiging pakitungo nito sa kanya.

"Kung may masamang plano ka Jao, magisip ka ulit. Dahil kapag meron, pambihira, mata lang ang walang latay. Lalaban talaga ako" he silently scream to himself.

"Oh anung nginiti-ngiti mo dyan?"

Nahuli sya ni Mikay na nakangiti magisa habang nagiisip ng kung anu-anu tungkol kay Jao.

"Ah, wala... Ahm, excited lang ako"

"weh?" sagot ni Mikay. "Kanina lang ang dami mong dahilan wag lang to matuloy..."

"Hehehe..." tawa ni Gino. Hanggang sa may dumating.

"Hey guys, Im sorry we're late." si Jao dumating na.

"Its ok, di rin naman ganun katagal..." sagot ni Mikay at bahagyang tinapunan ng tingin si Gino na parang sinasabi "Anu ba, say something"

"Ah... Oo.. Hindi naman kami naghintay ng sobra." sagot ni Gino bago bumaling kay Julia "Hi Julia!"

"Uy Gino, hello!" bati sa kanya ni Julia.

"Wow, talaga palang magkakilala kayo...." sagot ni Jao.

"we're bestfriends" sagot ni Julia.

"Ah, I see..." sagot ni Jao "So Areeyah, what's the plan now?"

"Pwede bang kumain muna tayo?" sagot ni Mikay.

Liningon naman sya ni Gino "Gutom ka agad?" natatawang tanong ni Gino

"Kanina pa kaya tayo huling kumain"sagot ni Mikay.

"Naku, ganyan talaga yan si Areeyah,." singit ni Jao "so, let's eat na, gutom nadin yung baby ko eh" sabay akbay kay Julia.

Nakaramdam agad si Gino ng insecurity dahil alam din ni Jao na matakaw si Mikay, paano kung mas marami itong alam kesa sa kanya? kaya hinawakan nya agad ang kamay ng girlfriend.

Nang makarating sila sa kanilang kakainan, "Mikay, mahal dito." bulong ni Gino

"Ako nalang sagot..." sagot ni Mikay.

"Ay di naman pwede yun.." madiing bulong nito kay Mikay.

"Gino..."

"Ok dito na tayo kakain, at ako magbabayad."

Hindi narin umangal si Mikay dahil baka maging dahilan pa ng away sa kanila. Kahit alam nyang pwedeng masira ang management ni Gino sa pera nito.

Habang masayang kikwentuhan si Jao, Mikay at Julia, tungkol sa kung anu anu, at ngayon ay pagtatravel ang topic, si Gino tahimik namang inuubos ang ice tea nya. Paminsan ngumingiti kapag nasasama sa usapan. Pero sya mismo ang lumalayo s usapan ng tatlo.

"How about you Gino?" tanong ni Jao.

"Ako? Wala naman masyado bukod sa pagtatarabaho sa fastfood, uuwi para mag igib ng tubig para sa panluto at panligo namin... Yun lang naman"

Hindi naman agad nakasagot ang tatlo. Si Mikay napahawak agad sa kamay ni Gino sa ilalim ng mesa. Nararamdaman nya kasi na may kakaibang feeling behind those statements na binigay ni Gino.

"Ahm.. Ah, beb kasi si Gino hardworking talaga yan. Kahit noong highschool kami nagpapart time na yan" singit ni Julia.

She saved the moment from further awkward moment. Kung may isang taong nakakakilala kay Gino, si Julia yun.

"Ganun ba?," sagot ni Jao "Ako rin kasi when I was in 8th grade gusto ko din magtrabaho, kayalang sabi ni Dad kaya naman daw nila ako paaralin..."

Automatic na napadiin ang hawak ni Gino sa kanyang baso. Jao has just stated something na against kay Gino.

"...Pero for me kasi, having money won't secure you. Paano kung dumating ang araw na mawalan na rin kami, anu ako ngayon diba?"

Tumango naman silang tatlo, si Gino lang ang nagsalita "May punto ka..."

Hanggang sa natapos silang kumain, there are still awkward moments between them and its all because of Gino.

"So, saan na tayo?" tanong ni Jao habang palabas sila sa Restaurant na kinainan.

Magkahawak kamay si Gino at Mikay ganun din si Jao at Julia. Medyo naging tahimik si Mikay dahil nadisappoint sya sa inaasal ni Gino.

"May idea ako," singit ni Julia. She grabbed Mikay's hand "Kaella, let's have a girl's bonding, and kayo naman boys, you'll have your own too..."

"No!" yan ang sigaw ni Mikay sa isip. Hindi nya alam kung anong meron sa isip ni Gino ngayon baka hindi lang sila magkasundo ni Jao. Napatingin sya kay Gino na parang ayaw din nito.

"Habang nasa parlor kami, kayo pumunta kayo sa gusto nyong puntahan... Basta walang mangbabae ha"

Bahagya namang natawa ang dalawang lalaki sa sinabi ni Julia. "Sige, maximum ng three hours lang ha, and we'll meet each other na"

"three hours? Ang tagal naman!" tutol ni Gino.

"Hoy Gino, wag ka ng maarte.. mag arcade kayo ni Jao, favorite mo yun diba?"

Napatingin naman si Mikay kay Gino "Favorite?"

Tumango si Julia with a smile, "Adik yan doon Kaella,"

"Ah..."yun nalang nasabi ni Mikay. Nakaramdam sya ng unting selos, hindi nya kasi alam na fovorite pala yun ni Gino, eh halos ilang beses na sila nagkasama sa mall ah.

"Sige na, sige na... Start na tayo.." si Gino.

Lumakad ang dalawang babae at silang dalawa ang naiwan. Lihim na napahinga sya. Anung gagawin nya kasama ang lalaking katabi, ang kapatid nya sa ama na si Jao.

-----------------------

Tomorrow na next updates. Advance happy one month sa story na to. Thanks for the untiring support mga kaibigan. goodnught

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon