Chapter 52

19.1K 170 15
                                    

Chapter 52

Kanina pa tili ng tili si Mikay. Nanghuhuli kasi sya ng bangus sa fish pond nina Mang Domeng. Tuwang tuwa sya sa mga tumatalon na isda dahil below knee nalang ang tubig. Halos walong bangus na ang nahuli nila, at isa palang ang nahuli ni Mikay dito.

"Waaaaahhh! Gino!! Nakahuli ako ng hipon!" masayang sabi ni Mikay habang itinataas ang maliit na lambat panghuli ng isda.

"Sugpo ang tawag dyan Kaella!" sagot ni Mang Domeng na tuwang tuwang nakatingin sa masayang Kaella.

"Yan, may uulamin ka ng isang bangus at isang sugpo!" pang aasar ni Gino.

Sabi kasi ni Gino, 'Huli mo, kainin mo' at dahil iilan lang ang nahuli ni Mikay kompara ka Gino.

"Ang dami-dami ng isda na yan, kaya mo bang ubusin yan?" sagot ni Mikay na parang bata kaya natawa nalang sila.

Makalipas ang halos isang oras ay iniihaw na nila ang mga nahuli. At iniluto narin ni Mam Susan ang sugpo ni Mikay. Sa labas sila ng bahay kakain, at parang fiesta talaga sa sobrang daming pagkain.

"Grabe ang saya naman dito..." sabi ni Mikay na kaliligo lang, puro putik kasi ang katawan nila.

"Naku buti naman at nagenjoy ka..." sagot ni Mam Susan.

"Sobrang nagenjoy po ako. At excited na ako kainin yung mga nahuli ko..."

Natawa sila dahil kanina pa talaga excited si Mikay na kumain hindi dahil gutom sya kundi alam nyang naghirap din sya sa paghuhuli ng isda na yun.

"Wag ka magaalala Mikay, malapit na 'to matapos" sagot ni Gino na nagiihaw ng isda.

"Alam nyo kanina pa ako naguguluhan," singit ni Mang Domeng "Mikay ba talaga ang palayaw mo Kaella?"

Ngumiti si Mikay "Si Gino po ang may gawa ng nickname ko na yan, kaya yan po angvtawag nya sa akin"

"Ang sweet naman.. Gusto ko pa naman tawagin kang Mikay kayalang mukha si Gino lang ang may karapatan" biro ni Mam Susan.

Tumawa lang si Mikay. Ang totoo kasi nyan ay gusto nya na si Gino lang ang tumatawag sa kanya ng Mikay eh, hindi lang dahil sa sya ang gumawa ng name na ito kundi dahil sa 'Mikay' na pangalan, naalala nya how she and Gino started as friends to lovers.

"Yes, kakain na kami..." sabi ni Gino.habang bitbit ang isang plato na may laman ng mga inihaw na isda.

"Mukhang masarap yan Gino ah..."

"Masarap talaga ako magluto Mang Domeng..."pagmamalaki ni Gino.

"Ikaw ba Kaella marunong ka magluto?"

"Simple meal lang po, mga pang breakfast." sagot ni Mikay.

"Naku wag ka na mag-aral magluto, si Gino nalang palutuin mo parati." biro ni Mang Domeng.

"Alam nyo po naihanda ko na ang sarili ko kapag mag-asawa na kami ni Mikay"

"Asawa talaga agad Gino?"natatawang sabi ni Mikay.

"Oo naman," sagot ni Gino "Kasi kapag magasawa na tayo... Workshop amg mangyayari"

"Workshop?"

"Oo, workshop. I WORK, you SHOP" nahampas sya sa braso ni Mikay.

"Ang yabang mo Gino..."

Natawa lang sila kay Mikay. Pero inakbayan sya ni Gino "Ito naman, ang bilis mapikon.."

"Halika na nga at kumain, bago pa kayo mag-away" natatawang sabi ni Mam Susan.

Matapos nilang manalangin ay kumain na sila ng masaya. Sa dami ba naman nilang pagkain, sinong hindi magienjoy?

Kasama rin nila ang mga PSG ni Mikay maliban sa nagbabantay sa labas, hinatiran nalang ito ng pagkain ng isa rin sa PSG.

"Grabe, tataba ata ako dito Mam Susan eh" sabi ni Gino ng matapos kumain. Nabusog kasi talaga sya.

"Tatataba talaga Gino? H matagal ka ng malakas kumain pero ganyan parin ang katawan mo. Para kang tingting"

"Aba nagsalita ang mataba,..." sagot ni Gino "Malakas ka rin kaya kumain pero di ka tumataba"

Naging part na ata ng dalawang ito ang magasaran, pero natutuwang nakatingin lang sa kanila ang magasawang Domeng at Susan. Bukod kasi sa wala pa silang anak ay talagang masaya sila at kasama nila sina Gino at Mikay.

Iba kasi ang nakikita nila sa dalawa. Para silang magkaibigan, pero makikita mo ang pagmamahalan sa kanilang dalawa. Kahit na pareho pa silang mga bata, nakikita ng magasawa na matalino ang dalawa sa paghandle ng relasyon nila.

Nang masyado ng gumagabi ay nagpasya na silang matulog. Same setting parin, sa kwarto si Mikay at sa sahig si Gino.

"Mikay, kapag lalabas ka gisingin mo ako ha."

"Bakit naman ako lalabas?"

"Nasa labas ang CR, baka naiihi ka, kaya kailangan gisingin mo ako. Hindi ka pwedeng lumabas ng walang kasama"

"Gino naman, safe naman dito. Kung bantayan mo ako parang may mangyayaring masama"

"Naku po! Ito nanaman tayo," napailing iling nalang si Gino. He pinched her nose "Ang kulit talaga ng Princesa ko"

"Hindi kaya..."

"O, magrarason ka pa. Sumunod ka nalang ha?" naglalambing na sabi ni Gino.

"Alam mo minsan para kang isa sa mga PSG ko..."

Hindi alam ni Mikay na si Gino ay kinuha na ng Papa nya para personal bodyguard nya. Hindi nya pa kasi nasasabi dahil hindi nya alam paano sabihin.

"Ah basta, para walang gulo. Sumunod ka nalang..."

--------------------

Isang lalaki ang umaaligid sa bahay nila Mang Domeng. Sa mga puno nalang sya tumatago para hindi sya mapansin ng mga bantay ng anak ng Presidente.

Naglakad sya palayo ng bahay at kinuha ang cellphone.

"Boss! Positive. Andito nga si Kaella Madrigal."

[Gawin nyo na ang plano bukas din,. At tiyakin nyong dapat malinis ang pagkakagawa.] sagot ng nasa kabilang linya.

----------------------------

Malapit na tayo sa half ng story!! ^_^ Goods pa ba kayo dyan? hehe

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon