Chapter 53

18.6K 150 8
                                    

Chapter 53

Naginat-inat ng kamay si Gino na ngayon ay nakahiga parin sa sahig. He opened his eyes at napapikit pa sya ulit dahil sa silaw ng sinag ng araw.

Kinapa nya ang cellphone nya sa may unan at tiningnan ang oras. "9:39 na pala..." Inaantok-antok pang sabi ni Gino bago bumangon.

Umupo muna sya sa sahig na hinigaan. Naninibago sya dahil tahimik ang buong bahay. "Nasaan kaya sila?"

Iniligpit nya ang hinigaam bago pumasok sa kwarto na tinulugan ni Mikay, doon kasi nilalagay ang mga unan at kumot na ginamit nya tuwing gabi. "Maagang nagising si Mikay ah..."

Wala kasi si Mikay sa kama at maayos na itong nakaligpit. Naglakad si Gino at pumunta sa tapat ng bintana at tiningnan ang paligid. Walang katao-tao.

"Nasaan kaya sila? Tanghali na ah..."

Lumabas sya ng bahay para hanapin ang mga kasama, kayalang kahit PSG ni Mikay ay wala. Hindi nya mapigilan na magisip ng hindi maganda. Parang may tumatawag sa kanya na hanapin si Mikay.

Naglakad sya palayo ng bahay. Ito ang daan papunta sa main road ng Magsaysay. Dito din ang daan kung gusto kumuha ng tubig sa isang jetmatic pump/bomba.

Hindi pa sya masyadong nakakalayo ng makita nya si Mikay na may kausap na isang lalaki.

"Mikay!" sigaw nya.agad at tumakbo kay Mikay "Anong meron dito?"

"Ah Gino, naghahanap kasi ako ng sili, kasi diba gusto mo medyo spicy ang toyo kapag fried fish ang ulam"

"Eh bakit di mo ako ginising?" medyo badtrip si Gino. This time hindi sa selos, dahil sa pagaalala.

"Brad, safe naman dito sa lugar namin eh. Kaya wag ka magalala."

Agad namang sumingit si Mikay "Ah Gino, sya nga pala si Caloy, sya ang nagturo sa akin kung saan makakahanap ng sili"

Tumingin sya sa lalaki, hindi nya alam bakit wala syang katiwa-tiwala sa lalaking iyon. Para bang may gagawin itong hindi maganda.

"Mga bisita ba kayo ni Mang Domeng? Taga Syudad ba kayo? Kasi parang namumukhaan ko kayo eh, lalo ka na Kaella"

"Oo bisita kami ni Mang Domeng, salamat sa tulong sa girlfriend ko. Aalis na kami"

"Sige Caloy, salamat ha..." pahabol ni Mikay dahil hinila na sya ni Gino.

"Gino anu ba?!"

"Anong 'Anu ba?' ha?" sagot naman ni Gino "Diba usapan natin di ka lalabas ng di ako kasama?"

"Oo, at umaga na ngayon. Kagabi pa natin yun pinagusapan. Safe na ngayong umaga."

Huminga ng malalim si Gino. Ayaw na nyang makipagtalo kay Mikay dahil magaaway nanaman sila "Mikay pwede kahit unti, bawasan mo naman ang pagiging matigas ng ulo mo"

"You know what Gino? Ako rin may request... Bawasan mo rin ang pagiging paranoid mo. Nakakairita kasi eh" matapos yun ay nauna ng naglakad si Mikay dahil nainis din sya kay Gino.

Tahimik na naghahanda si Mikay ng fried bangus. Yun lang kasi ang alam nyang luto sa isda, umalis kasi sina Mam Susan at ang mga PSG nya ay inutusan nyang mag-igib ng tubig.

"Saan kayo galing?" narinig ni Mikay na tanong ni Gino sa mga PSG nya na kakarating lang.

"Inutusan lang kami ng Mam Kaella na mag-igib ng tubig?"

"Dapat ginising nyo ako?" narinig na sagot ni Gino.

"Eh sabi ni Mam wag na raw dahil pagod kayo kahapon, kaya ayan hindi ka na pinagising"

Wala na syang narinig na sagot ni Gino. Pinagpatuloy nya nalang ang pagluluto. Medyo nainis talaga sya dahil sa ang gusto nya lang naman makapagpahinga si Gino at paggising kakain ng masarap nyang luto. Kayalang ang aga-aga ang init-init ng ulo.

Minsan kasi hindi na nya kayang sabayan ang sobrang protective ni Gino, minsan nakakakilig pero minsan nakakainis.

Nagulat nalang sya ng may yumakap sa kanya mula sa likod. At alam nya kung sino ito.

"Im sorry..."

Hindi sya umimik, umiwas sya at kumuha ng mantika dahil wala ng mantika ang piniprito nya.

"Uy sorry na..." lambing ni Gino. "Nagalala lang ako na di kita nakita pag gising ko, tapos naglakad ka pa palayo, kaya ganun ang naging reaction ko"

Hindi parin umiimik si Mikay. "Mikay, please... Talk to me"

Hindi napigilan ni Mikay. Minsan lang kasi magenglish si Gino, kaya hindi nya napigilan ang ngiti. "Oh ayan, nakangiti ka na...."

Nagpout si Mikay "Ang daya mo..."

Natawa si Gino "Mikay, gusto ko lagi kang safe. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag napahamak ka. Mamatay ako kapag nawala ka sa buhay ko"

Napatingin si Mikay kay Gino "Wag ka nga magsalita ng ganyan. Nakakainis ka...."

"Sinsabi ko lang naman ang totoo..." sagot ni Gino "Basta bati na tayo ha..."

"Oo na... Sayang din tong niluto ko kung hindi mi kakainin dahil di pa tayo bati."

Tumingin si Gino sa pritong isda na niluto ni Mikay "Wow, tingnan mo nga naman oh, maganda na nga yung girlfriend ko, mukhang masarap pa magluto."

Naglakad si Mikay papuntang mesa para ihain ang niluto "Wag ka ng mangbola, just eat."

Umupo narin si Gino "Hindi kaya bola yun, eto na nga oh, titikman ko"

Kumuha si Gino ng kapiraso ng isda at sinubo yun. Natahimik si Gino, napangiti sya. "Masarap ha"

"Totoo?" sagot ni Mikay.

Kumuha ng cellphone si Gino,. "Magpapicture tayo..."

"Picture? For what?" takang tanong ni Mikay. Wala namang Instagram si Gino. At ang alam nya before kumain ang pagkain ang pinipicturan ng mga adik sa IG.

Pero ngumiti nalang sya at nagpapicture "Wow! Bagay talaga tayo Mikay no? MTB"

"Anong MTB?"

"Meant To Be... Tayo yun"

Napailing nalang si Mikay "Kumain ka na nga..."

Maganang kumakain si Gino, si Mikay sakto lang. Natatawa kasi sya kay Gino "Alam mo, tama na nagpapicture tayo,"

"Oh bakit nanaman?"

"eh paano, sa sobrang sarap ng luto mo, hindi lang pangalan ko ang malilimutan ko, pati gwapong mukha ko makakalimutan ko sa sarap eh"

"Alam mo ang dami mong alam..." natatawang sabi ni Mikay, pero masaya sya at nagustuhan ni Gino yung niluto nya kahit prito lang.

Nang matapos silang kumain ay naghugas na ng plato si Gino, si Mikay naman ang naglinis ng mesa. "Isasampay ko lang to ah..."

"Sige..." okay lang naman kay Gino na dyan sa labas, magsasampay lang naman at andyan naman yung PSG.

Pero nagulat sya sa isang malakas na sigaw ni Mikay., sakto paglabas nya ipinasok na si Mikay sa isang van na nakapark medyo malayo sa bahay at mabilis na tumakbo.

-------------------------

Sorry sa mga nagrequest na wag ikidnap si Mikay. Its part of the story, and it will add some spices sa story. And don't worry kasi I won't do anything na pwede nyong ikalungkot, and If I did, Im telling you, babawi naman naman tayo sa huli. :D

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon