Chapter 62

17.9K 176 43
                                    

Chapter 62

Agad na nasagot ang tawag at nagsalita ito. Hindi sya agad nakapagsalita ng marinig ang boses. Hindi sya pwedeng magkamali, kilala nya ang boses nya yun.

Sa sobrang kaba ni Gino ay na-end nya ang call. "Oh Gino, nakilala mo ba ang boses?"

"Ha?" kinakabahan nyang sagot "Walang nagsasalita eh"

Tiningnan nya mata sa mata ang dalawang nahuli. Alam ng mga ito na alam na ni Gino kung sino ang amo nila, pero hindi mo makikita sa mga mukha ng mga ito na natatakot sila. Halatang handa silang pumatay at mamatay sa grupong pinasukan nila.

"Paaminin nyo yan, dapat pagbalik ko umamin na yan" utos ni Kuya Roger.

"Ayusin nyo ang pagbabantay, wag kayong maging pabaya at maging handa kayo sa pwedeng mangyari" sabi ni Kuya Roger sa mga kasamang security.

Naglakad si Gino at Kuya Riger palayo sa tent. Si Gino hindi parin makapaniwala. "Ahm kuya Roger, pwede mag CR muna ako?"

Pumayag naman si Kuya Roger kaya naglakad na sya papuntang restroom. Pero ang totoo, may iba syang pupuntahan.

Pumunta sya sa isang old building na gawa sa bato. Ilang daan narin siguro ito nakatayo dito kaya ginawa nilang pasyalan. Hindi ito kalayuan sa Bonifacio Square.

Umakyat sya sa roof top ng building, at haharapin nya kung sino ba talaga ang totoong kalaban.

Dahan dahan syang umakyat, hindi lang dahil sa takot na mahuli kundi pati narin sa takot syang harapin ang katotohanan.

When he finally reached the place. Napapikit pa sya dahil ayaw nyang tanggapin ang nakikita.

"I-ikaw?!!"

"G-gino?"

Hindi alam ni Gino kung ano ang sasabihin, hindi nya alam kung anu ang gagawin. Pero sa kabila ng panginginig ng kanyang tuhod ay nagawa nyang lumapit dito.

"Bakit mo gustong ipapatay ang Presidente?"

"Gino..."

"Bakit gusto mong ipapatay ang sarili mong kaibigan?!!" sumisigaw na si Gino sa galit.

"Anak..."

"Wag mo akong tawaging anak!!" sa pagsigaw ni Gino, tumutulo na ang luha nya sa galit "Wala akong amang demonyo"

"M-magpapaliwanag ako Gino..."

"Sige! Magpaliwanag ka ngayon"

Umiling ang kanyang ama "Gino, magpapaliwanag ako, pero hindi ngayon. Kailangan mo ng umalis dito, delikado dito."

"Bakit? Kung hindi mo ba ako mapapaalis?... Kaya mo rin ba akong ipapatay?"

Natigilan ang Papa nya. Yung bait sa mga mata nito ay napalitan ng mata ng galit na galit. He clenched his jaw bago sumagot.

"Hindi mo kilala kung sino ang binangga mo Gino"

Nagtagisan sila ng tingin. Puno ng galit ang kanilang nararamdaman.

"Wala kang kwentang ama... At hindi ko hahayaang magtagumpay ka."

Tumakbo si Gino pababa para gumawa ng tama. Handa syang ilaglag ang sarili nyang ama para sa kaligtasan ng lahat.

Naiwan ang Papa nya sa taas at may tinawagan. "Pigilan nyo si Gino, wag nyong hahayaang makalapit sya sa security team ng Madrigal."

"Kung kinakailangan nyo syang saktan,... Gawin nyo"

Mabilis na tumakbo si Gino. Wala na syang ibang iniisip kundi ang malaman ang totoong may sala. Pero wala pa sya sa kalayuan, isang putukan na ang narinig nya mula sa labas.

Habang tumatakbo si Gino, isa isang parang pictures na nagfalsh sa isip nya ang mga malalapit na ebidensya na nagtuturo sa Ama nya bilang isang suspect.

Isa ito sa nakakapasok sa teritoryo ng mga Madrigal, hindi naitatago sa kanya ang mga lakad na pinupuntahan ni Mikay.

Isang malaking katanungan ngayon ay ang dahil ng Ama nya na gawin ang ganitong gawain? Was it because of power?

Naisip nya si Jao, anu ang magiging reaction nito kapag nalaman ang totoo? Si Mikay? Nakita nya kung paano ituring na parang pangalawang Ama ang taong nagpapahamak sa pamilya nila.

Naguguluhan na sya. Hindi nya naisip na ganito kasama ang Ama nya, hindi nya naisip na darating pa sa punto nasya mismo ang magpapakulong sa Ama.

Sakto pag labas nya ng building, nagkakagulo na ang mga tao. Ang mga guards ay patakbong lumapit sa Presidente para protektahan ito.

Pero hindi pa sya nakakalayo ay isang pangyayari ang nagpahinto sa kanya sa pagtakbo.

He felt numbness in his body, parang literal na huminto ang oras nya. And when he saw his chest, nakita nyang unti unti na itong nagiging pula dahil sa dugo.

Nakaramdam sya ng takot. Ito na ba ang huling araw nya sa mundo? Ito na ba ang panahon nya?

Gusto nya pang lumaban, gusto nya pang mabuhay, gusto nya pang makasama si Mikay.

Agad syang natumba. Halos manlabo ang mata nya sa nangyari, was it because of pain? He is trying to move, trying stand again pero tatlong grupo ng lalaki ang humila sa kanya, at isinakay sya sa isang van.

"Gino?!!!" sigaw ni Kuya Roger ng makita ang pangyayari.

----------------------------

"Weeks passed by, and still Penelope did not bend, but continued to faithfully weaved her linen roll in hopes of the King's return."

Walang tigil sa pagbabasa si Mikay. Every bit of it is exciting, kaya nga halos hindi umaalis si Mikay sa garden kahit halos ilang oras na syang nakatambay doon.

Halos nasa climax na sya, kaya halos ayaw narin nyang magpapigil sa pagbabasa.

"The next afternoon all suitors gathered to await Penelope's royal decision...."

Hindi nya naituloy ang pagbabasa when her glass of juice fell on a table. Nahulog ito pabagsak sa bricks na nasa may garden at nabasag.

Hindi alam ni Mikay kung bakut sya kinabahan at tahimik na tinitigan ang nabasag na baso. Basta ang alam nya, nakaramdam sya ng isang matinding takot.

As if on cue, kinuha nya agad ang cellphone at tinawagan si Gino.

"May problema ba? Bakit di sya sumasagot?"

--------------------------------

Don't hate me sa mga kasunod na mangyayari. please.

Hold on!

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon