Chapter 45

20.6K 243 32
                                    

Chapter 45

Sabi ng iba "Meant To Be", pero bakit parang hindi? Bakit parang lahat against sa gusto ni Kaella.

"Kaella are you not happy?"

"Paano ako magiging masaya kung sarili kong boyfriend wala sa 18th birthday ko"

Inakbayan sya ng Papa nya, "Anak you have to understand Gino, may trabaho sya..."

Hindi nalang nagsalita si Kaella. Sumasama ang loob nya everytime na maalala nya na ang karibal nya sa boyfriend nya ngayon ay ang trabaho ni Gino.

Dinaan na nya sa lambing, at galit at kung anu pa na pwedeng sya ang piliin ni Gino. Isa nalang nga ang hindi nya nagagawa, ang hiwalayan si Gino. But she's not crazy to do that. Kahit na masama ang loob nya, break up is not one of her choices.

"Pa pwede bang wag na nating ituloy?" this is not the first time na nakiusap sya sa Papa nya about this.

"Anak... Nakakatampo ka na ah..." napayuko sya "Hindi lang naman si Gino ang lalaki sa buhay mo,."

Three days nalang birthday na nya. Matagal tagal na ang preparations, almost done na lahat. Pati nga escort meron na rin sya, at si Jao yun.

"Kaella, magsisimula na raw ang practice in a while" singit ni Jao.

"Okay"sabay tayo nya ng di pinapansin si Jao.

Mainit ang ulo nya sa lahat ngayon. Kay Gino na matagal na silang hindi halos naguusap. Matapos kasi talagang iconfirm ni Gino.na hindi sya makakapunta nagtampo na talaga si Mikay. Kay Jao? Mainit din ang ulo nya sa lalaking yun, everytime kasi na may practice sila for cotillion, walang ibang kinikwento ito kundi relationship nila ni Julia, kung anong adventure ang ginawa nila, anong orphanage ang nadalawa nila.

Hindi naman sa nagseselos sya, kaya in times like this na gusto mong makasana ang mahal mo, wag kang epal ng epal sa kakakwento ng love life mo. Bastusan ang tawag doon. Kaya badtrip sya.

"Hoy," habol sa kanya ni Jao. "Nagtatampo ka pa ba?"

"Jao please, kung magkikwento ka nanaman ng masayang love life mo, wag ka nalang lumapit sa akin"

"Hindi ko na nga gagawin kung ganyan nagtatampo ka..."

"Okay fine., let's get this done" sagot ni Kaella na parang natatamad na.

Mabilis na lumipas ang araw, bukas na ng gabi ang birthday nya party nya. Maraming pupunta and mostly mga politicians with their sons and daughters.

[Mikay, bukas ng 6am ang alis namin]

"Ah ganun?" medyo mataray na boses ni Mikay "Hindi ka na nga magaattend ng birthday ko, hindi ka pa makikipag kita sa akin para batiin ako personally?"

Magkausap sila ni Gino sa phone. At nagaaway nanaman sila. No, hindi sila nagaaway, inaaway nanaman ni Mikay si Gino. Well she has the right, pinili nya ang work over sa kanya na mag-i-18th birthday.

[Pupunta ako sa bahay nyo mamayang gabi...]

"Hindi mamaya ang birthday ko.."

[Mikay, wag naman ganito. Ilang araw na tayong di naguusap ng maayos]

"Was it my fault?" tanong ni Mikay "Well anyway, since you don't have time for me, ako rin wala,. Magusap nalang tayo kapag di ka na busy"

Matapos noon ay binaba na nya ang phone. Gusto nyang basagin ang cellphone nya sa sobrang inis. Kahit anong gawin nya hindi nya parin mabago bago ang isip ni Gino.

Ginawa nya busy ang isip nya at ang sarili nya para hindi na sumama ang loob nya. 8pm natapos narin ang grand practice nila, maayos naman ang lahat.

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon